CHAPTER 4 THE VISIT

3.8K 211 113
                                    

***BRIXEL***

Saktong ala-sais ng umaga ng nakarating ako sa harap ng DataMaX.

Nakakapanibago dahil tatlong guard pa ang sumalubong sa akin.

Excited pa naman ako na gamitin ang card ko para buksan ang pinto pero automatic na yung guard na mismo ang nagbukas para sa akin.

Iba ang kilos nila na parang ayaw nilang magkamali sa harap ko.

Pumasok ako sa lobby at sa front desk ay iba ang nakaupong dalawang babae.
Hindi sila yung nag-asikaso sa akin kahapon.
Mga night shifter marahil ang naabutan ko ngayong umaga.na patapos na sa kanilang trabaho.

Tumayo pa sila ng binati ako.

"Good morning Mr. Remedios."

Ay grabeh...gulat naman ako dun.

Lumapit ako at binulungan sila.

"Kilala nyo ako?"

Tanong ko sa kanila.

"Yes sir,di ba kayo po yung bagong secretary ni Sir Corona?"

"Paano nyo na laman?"

"Sir naman, DataMax tayo.
One click lang alam na kaagad namin ang info about you sir."

Ngayon ko narealize na hindi pala talaga makakapagtago ng ano mang personal information sa DataMax.

"Huwag kayo maingay ha...wag nyo na ako tawaging sir Remedios. Brixel na lang,o di kaya brix."

Nagtinginan pa ang dalawang staff at ngumiti sa akin at saka ko sila iniwan upang magtungo na sa top floor.

Siempre excited muli akong gamitin na si keycard para makapasok sa work station ng mga empleyado pero naunahan na naman ako ng isang staff na papasok din.

"Sir mauna na po kayo."

Wala na akong nagawa at nauna na akong pumasok.

Doon ko naabutan ang mga panggabing emplayado na patapos na rin sa kanilang shift.

Hindi ko alam kung anong ngiti ang gagawin ko dahil para akong principal ng isang school na kabi-kabila ang bumabati ng good morning.

Masarap sa tenga at kalooban na tawagin kang sir dahil sa posisyon pero hindi ako sanay,nakaka-over whelm..

Sasakay na ako ng elevator at dito ko na talaga magagamit ang card ko.

Tanda ko kasi,tanging ilan lang sa building na ito ang may keycard na aabot sa top floor,at isa ako sa may hawak niyon.

Sasabay sana ako sa mga sasakay din ng elevator pero pinauna nila akong makapasok sa loob.

Hinintay ko silang pumasok ngunit nanatili ako akong mag-isa sa loob.

Hindi ko alam kung takot ba sila o nahihiyang makisabay sa akin.

Halatang ayaw nilang sumabay.

Hindi ako pumayag.

"Sabay-sabay na tayo..."

Tahimik lang sila at ayaw talagang pumasok.

Nainis akong lumabas ng elevator, at isa-isa ko silang itinulak papasok.

"Nakasulat sa front desk ng pumasok ako-Welcome family.
Ang pamilya hindi nag-iiwanan. Pamilya nga tayo di ba?
Tara pasok na sa loob."

Wala silang nagawa sa pagpupumilit ko.

Hindi sila makapagsalita at tanging mahinang bungisngis lang ang naririnig ko sa kanila.

BOSSYWhere stories live. Discover now