CHAPTER 30 THE BOSS

1.2K 64 14
                                    

***RUSTIAN***

Sa unang pagkakataon ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob na madalaw si kuya.

Isang balita sa akin mula sa ospital na kailangan siyang dalhin sa mental institution dahil sa lumala na ang kaniyang kalagayan.

Bago siya dalhin sa isang psychiatric hospital ay nais akong makausap ng doctor tungkol dito.

Tahimik lang ang mama ng ipaalam ko sa kaniya ang nakarating sa aking balita tungkol kay kuya.

Hindi siya umimik.

Masama pa rin ang loob niya sa kuya Arnian.

Hindi ko siya masisi sa nararamdamang galit niya.

Wala rin akong balak gatungan ng sama ng loob dahil napagdaanan ko na ang lahat.

Matagal ko ng pinasan ang pagdurusa ng pamilya ko sa pagkawala ni Lurian kaya ayoko na.

Alam kong lilipas din ang nararamdaman ng mama gaya ko.

Maghihilom din iyon sa tamang panahon.

Nagtungo ako sa hospital na mag-isa.
Pagdatinh doon ay dinala ako ng  atendee sa isang secured room at pinaunang pumasok.

Isang puting silid ito ng puno ng makakapal na padded ng foam ang buong dingding.

Maliwanag ang ilaw,may isang lamesa,upuan,maliit na ref,tv at sa gitna ay isang kama.

Doon sa kama nakahiga ang kuya.

Nakastrap ang kaniyang mga kamay at paa.

Nakabrace din ang kaniyang leeg.

Naabutan ko na tinatanggal ng isang nurse ang swerong nakakabit sa kaniyang kamay at isang doctor  na binabasa ang kaniyang medical record.

Binati niya ako at ipinaliwanag sa akin ang kaniyang kalagayan ng magtanong ako.

Advice sa akin ng doctor na sa isang pasilidad ng mga kagaya  ni kuya ang kailangan  niyang pagdalhan.

Maayos naman ang pagsusuring pisikal...

Mental ang kaniyang sakit.

Lumapit ako.

Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha.

Gusto kong tingnan niya ako ng mata sa mata.

Ngunit mailap ang kaniyang paningin.

Malikot...

Parang hindi niya alam ang kaniyang tinitingnan.

"Kuya..."

Ang bigla kong nasabi.

May kung anong pwersa ang nagsabi sa akin na tawagin siya.

Ang pukawin ang kaniyang katinuan.

Tumingin siya sa akin.

Nagtama ang aming mga mata.

Ngunit para lang itong lumagpas sa akin.

Hindi na siya makausap.

Tuluyan ng bumigay ang kaniyang katinuan.

May dalawang male nurse na agad pumasok para tumulong.

Nagwala siya ng suutan ng straight jacket. 

Sa habag ko,maging ako ay tumulong na rin.

"Shhh....shhh...kuya....its okay...its okay..."

Kumalma siya ng marinig ako.

"Lurian? Nagbalik ka Lurian? Hindi ka na galit kay kuya? Bati mo na ako?"

Nagtayuan ang akinh mga balahibo sa braso sa pangingilabot.

BOSSYМесто, где живут истории. Откройте их для себя