"Hindi ba 'yan galing sa ex mo?" biglang singit ni Ian.


"Hindi. Hindi ko tinanggap regalo no'n," sagot ko rito.


"Oh? Kung hindi siy—ah!" bigla akong napatitig kay Ian nang hinawakan nito bigla ang braso ko. "Baka naman si DJ Will?"


"Sino?" nagtatakang tanong ni Shei. Mukhang nakalimutan na yata ang DJ name si Sir Van.


"Si Sir Van 'yon," pagsagot ko kay Shei. Binaling ko muli ang atensyon ko kay Ian. "Bakit naman siya ang pumasok sa isip mo?"


Hindi 'to nakaimik sa tanong ko, tila ba may bigla itong napagtanto. "Feeling ko lang," napa-angat ang dalawang kilay ko sa sinagot nito.


"Huwag na nga nating pag-usapan 'yong tungkol dito. Kung gusto niya talagang magpakilala, dapat ginawa na niya no'ng umpisa pa lang."


Tuluyan ko nang tinapos ang usapan at inaya sila sa may arcade. Matagal na rin simula no'ng huli naming punta doon, nakakamiss na rin. Pagdating do'n, ginamit namin ang arcade card ni Ian para makapaglaro. Sa pag-eenjoy namin, ni hindi na namin napansin kung gaano katagal ba kami naglaro doon. Matapos no'n naglibot libot kasi sa loob ng department store. Nang mapagod kami, nagkaayaan kaming bumili ng pagkain sa isa sa mga stall sa mall.


Pagkatapos no'n, naglibot libot lang ulit kami bago kami nagkaayan sa may bookstore. Para talaga sa'ming Education student, haven 'tong bookstore. Samu't sari ang mga pinamili namin, magmula sa iba't ibang kulay ng cartolina, manila paper, construction paper, glue, plastic cover, at kung anu ano pa.


"Wow! Napaka ganda naman nang pagbungad niyo sa bagong taon. Hoarding ng mga school supplies," komento ni Ian habang tinutulungan ako sa mga dala ko. "Napaka dami niyong pinamili."


"Paghahanda 'yan para sa final demo namin. Simula na kasi sa Monday. Mga basic needs lang 'to, pwede pa 'tong madagdagan kapag na finalize na 'yong final demo lesson plan," pagpapaliwanag ko kay Ian.


Isang mahabang buntong hininga ang una nitong isinagot sa'kin, "Buti talaga hindi ako nag-teacher." Nailing na sabi nito sa'kin.


"Para namang ang dali ng course mo," Computer Engineering kasi ang kurso nito.


Hindi ito nakasagot sa sinabi ko, tanging buntong hininga lang ang narinig ko mula rito.


"Kailan nga pala final demo niyo? Sabay sabay ba kayo?" pag-iiba ni Ian sa usapan.


"Hindi," sabay sabay na sagot namin.


"Ako ang mauuna sa'min. First Monday ng February ako," ako na ang unang nagsabi ng petsa ng final demo ko.


"Third week kami ng Feb ni Jade, magkasunod na araw," sunod na sabi Anne.


"Ako pinaka huli, hindi lang sa grupo kung hindi sa buong section. Sa March pa ko," sagot ni Shei.


Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now