Chapter 51

432 35 4
                                    

Season 2 – Chapter 51


"Kumusta si kuya Trav?"


[Don't worry about him. He won't die but he needs to stay the night here.]


"Alam na ba nila nanay at tatay na nand'yan kayo sa hospital?"


[Mm...I called them before calling. It's one of the reasons why I called you.]


"Bakit, kuya? May problema ba?"


[No. Not really. Baka lang kasi wala kang maabutan pag-uwi mo mamaya. Papunta na sila nanay dito ngayon, ako naman kailangan kong pumunta sa trabaho dahil may emergency.]


"Ah, sus. H'wag kang mag-alala sa'kin. Sanay naman akong madalas maiwan sa bahay mag-isa."


[Still. I'll see what I can do.]


"H'wag mo na ko isipin."


[By the way, what happened to the 1-on-1 game? Who won?]


"Ah, si Sir Van nanalo."


[For real?]


"Oo, ang galing niya maglaro."


[I see. Okay, I need to hang up now. I'll call you again later, okay?]


"Okay."


Inilayo ko na ang phone ko mula sa'kin. Mabuti naman hindi seryoso 'yong nangyari kay kuya Trav. Medyo nakahinga ako nang maluwag do'n.


"Kumusta kuya mo?" tinignan ko si Jade habang itinatago ko ang phone ko sa bulsa ko.


"Mukhang okay naman," napabuntong hininga ako pagkasabi ko noon.


"Halatang nakahinga ka nang maluwag ah," tinanguan ko ito at sabay napangiti pa.


Napatingin ako sa papalapit sa table namin, sila Ian at Anne. Dala dala nila ang mga tray ng mga inorder naming pagkain. Bago magsimula ang 1-on-1 game nila Sir, doon lang namin nakita si Ian. Kung kailan at paano siya nakapasok, hindi namin alaam.


Matapos 'yong laro, napagdesisyunan muna naming kumain at pagkatapos ay maglibot libot sa loob ng uni. Mamayang alas tres pa naman kasi ng hapon ang susunod na event—ang concert. Mahaba haba pa ang oras namin.


Habang isinasalansan namin ang mga pagkain sa mesa, hindi ko naiwang mapatingin sa katabi naming table na lakas kung mag-usap.


"Grabe! Ang ganda nang laro kanina! Lalo na 'yong Sir Lan versus Sir Van! Jusmiyo! Makalaglag underwear!" hindi ko maiwasang mapangiwi sa pag-express nito sa game kanina.

Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now