Chapter 44

470 42 0
                                    


Season 2 – Chapter 44


"See you next week. You're free to come to University after your time in your respective schools."


"Okay, ma'am, goodbye."


Napaunat ako ng katawan pagkalabas ng adviser namin. Inikot ikot ko ang batok ko dahil medyo nangalay ako.


"Punta ba tayo dito next week? Iyong hindi araw ng Friday?" In-adjust ko ang upo ko para mapatong ko ang batok ko sa may sandalan ng upuan ko. Inantay ko kung ano ang isasagot ng mga kaibigan ko sa tanong ni Anne.


"Gusto ko sana kaso hindi kasi tayo excuse, except Friday," si Shei ang unang sumagot dito.


"Oo nga. Gusto ko rin kaso minsan ang daming ginagawa no'ng teacher kaya tinutulungan muna namin bago umuwi. Bihira kaming nakakauwi ng maaga kapag Monday to Thursday," pagsang-ayon ni Jade rito.


"Ako," napunta sa'kin ang atensyon nila. "Baka may araw na pumunta ko rito maliban sa Friday, baka may araw na papuntahin ulit ako rito ni Sir Van o Sir Czam."


"Pumunta ka rito?" nagtatakang tanong ni Anne.


"Oo, para do'n sa size ng jersey ko tapos may konting details lang na sinabi si Sir Van. Ah!" napaayos ako sa pagkakaupo nang may maalala ako.


Hinarap ko ang mga 'to bago nagpatuloy, "Nakita ko nga pala si Ian noong nagpunta ko rito. Nag-food trip pa nga kami."


"Si Ian? Kung nandito si Ian ibig sabhihin..." sabay sabay kaming napalingon sa direksyong tinitignan ni Jade—kay Anne.


Isang mapanuksong ngiti ang binigay namin dito.


"Nagkita kayo ni boyfie mo?" nakangiting tanong ni Shei.


Imbes na sagutin, nag-iwas tingin si Anne.


"Oh~!" mapanuksong reaksyon ko sa pag-iiwas tingin nito. "Alam na this."


"Nag-food trip din ba kayo? Ha? Ha?" inilapit ni Jade ang sarili niya kay Anne.


"Hindi," nakaiwas pa ring tingin na sagot ni Anne. "Sinundo lang niya ko tapos hinatid ako pauwi. Ala singko na kasi ko nakaalis sa school dahil ang daming pinagawa sa'min. Hindi na kami kumain sa labas kasi mahihirapan pa kaming sumakay."


"Oh~!" nagkasabay sabay na reaksyon namin sa sinabi ni Anne.


Tinignan kami nito, "Kayo ha! Ayan na naman kayo." Tinawanan lang namin 'to sa sinabi nito.


Naputol ang pag-uusap namin ng mas maging maingay kaysa sa'min 'yong isang grupong nasa unahan namin. Napatingin kami sa mga 'to at nagtaka pa ko nang napatingin din ang mga 'to sa'min.

Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now