Chapter 16

642 53 1
                                    


"Oh!" Napatingin ako sa hinagis sa'kin ni kuya Travis. Umiwas ako rito para hindi ako tamaan. Pinulot ko 'yung bagay na hinagis niya na gumulong sa may sahig. Lip balm?

Nagtatakang tinignan ko 'to. "Para saan 'to?"

"Sa'yo. Puro sugat na naman 'yang labi mo," sagot nito sa'kin sabay talikod at lakad papunta sa kwarto niya. Napahawak ako sa magkabilang gilid ng labi ko. Dahan dahan kong binuka ang bibig ko at ramdam na ramdam ko ang hapdi sa may gilid nito.

Malamig na naman kasi ang panahon kaya nagsisimula na namang magsugat ang labi ko. Noong nakaraang linggo nga sa may gitna mismo ng labi, ngayon naman 'yong gilid. Binuksan ko na 'yong bagong bigay na lip balm ni kuya. Agad ko itong ipinahid sa labi ko. Saktong pagkatapos kong maglagay ay siyang pag-vibrate ng phone ko. Agad kong binulsa 'yong hawak ko at kinuha 'yong phone na nakapatong sa unan na nasa lap ko.

Si Orlando. Hindi ko naiwasang mapangiti nang makita ko ang pangalan niya sa screen. Dalawang linggo na rin simula noong nagging official kaming dalawa. Sa mga natirang araw ng Founder's Day halos kami lang magkasama. Talagang nilibot at inisa isa naming lahat ng booth na mayroon noon. Halos nakilala na nga kami no'ng ibang mga estudyante sa ibang booth noon, halos araw-araw kasi nila kaming nakikitang dumadaan sa harap nila. Lalo na 'yong mga food stall—barbeque booth—kasi suking suki talaga kami. Pakiramdam ko nga maha-high blood ako noon kasi puro kami karne!

Binuksan ko ang message nito. Nangangamusta lang ito. Kagigising ko lang kasi kaya hindi ko pa siya natetext, ngayon pa lang. Nagsimula na kasi ang Christmas break namin kahapon. Pagkatapos ng Foundation Week, nagpasa lang kami ng mga mid-term projects at tinapos 'yong ibang chapter ng mga lesson namin. Nag-type lang ako ng reply ko rito bago ko tumayo mula sa pagkakaupo ko. Para kasing may kumakatok sa may gate namin.

Pumunta ko sa may pintuan at bahagyang binuksan 'yong pinto. Pasimple kong sinilip kung may tao ng aba. Pinaliit ko ang mga mata ko, bakit wala naman akong makita? Bigla akong napatayo nang maayos sa gulat ng biglang may kumatok nang malakas sa gate.


Nakakaloka!


Napabuntong hininga ko bago ko tuluyang binuksan 'yong pintuan. Hindi ko makita 'yong tao sa labas pero nakikita ko 'yong parang blue na kotse. Sino naman kaya 'to? Nakarinig ulit ako ng mga katok sa gate. Hindi na nga lang kasing lakas no'ng kanina. Lumapit ako sa may gate para buksan ito. May naririnig akong parang nagtatalo sa labas.

Nakakunot noo kong tinanggal ang lock at binuksan ito. Isang babae at isang lalaki ang bumungad sa'kin. Napatitig ako sa lalaking nakaharap sa'kin. Nakahalukipkip nito kong tinignan. Nabaling naman ang tingin ko sa babaeng nakaharap ang likuran sa'kin. Hindi ko tuloy makita ang itsura nito.

"Uhm, yes?" nag-aalangang tanong ko sa lalaki nang ibalik ko ang tingin ko rito. Para kasing may foreign blood ito dahil sa itsura nito kaya 'yes' ang sinabi ko rito imbes na 'ano kailangan n'yo' na linyahan.

"Why is there a girl here?" Napaangat ang dalawang kilay ko sa tanong nito. Aba! Ano'ng klaseng bungad 'yan sa taong may-ari ng bahay?

"What?" Natigilan ako sa boses na narinig ko. Muli, tinignan ko 'yong babaeng nakatalikod sa'kin kanina. Para bang nag-slowmo 'yong pagharap niya sa'kin. Kitang kita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya pagkakita niya sa'kin. "You...?"

"What are you doing here?" Diretsang tanong ko rito, tuluyan na kong lumabas sa bakuran naming at isinara ang gate na nasa likuran ko.

"Wow! Rude!" Tinignan ko nang masama ang lalaking kasama nito na siya ring nag-react. Inismiran ko lang ito bago binalik ang atensyon ko kay Ema.

Oo, si Ema. Ano bang ginagawa ng babaeng ito rito?

"She is," napataas ang isang kilay ko sa sinabi nito. "I clearly remember you. You're Czam's rude student. Wait, why are you here?"

At talagang ako pa ang rude ha? Nasa bahay kaya naming kayo!

Napahugot ako ng hininga bago ko inilagay ang kanang kamay ko sa may beywang ko. "'Coz this is our house?" pasarkastikong sagot ko rito.

"What?"

"I think there's nothing important here, so..." inalis ko ang kamay ko sa beywang ko at tsaka tinulak ang nakasarang gate sa likuran ko. Ginawa ko 'to ng hindi inaalis ang tingin kay Ema. "Bye." Sabay talikod ang ginawa ko rito, mabilis akong pumasok sa loob at akmang isasara ko n asana 'yong gate ng may kung sino mang pumigil dito.

Naiinis kong tinignan 'yong lalaking kasama ni Ema. Siya ang pumipigil sa pagsara ko ng gate. Kahit ano'ng tulak ko hindi ko ito magawang isara.

"Not so fast, lass." Naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko sa inis ng bigla ako nitong nginisian.

"Move." Matigas na utos ko rito.

"Should I?" Binaling nito pakaliwa ang ulo niya, sa direksyon ni Ema. Animo nagtatanong ito kung gagawin niya ang inuutos ko.

"Forced it open." Hindi makapaniwala akong napatingin kay Ema. Napaatras ako ng kaunti nang gumalaw 'yong gate.

Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now