Chapter 06

1.1K 61 4
                                    


Ngumiti? Si Sir Van? Ngumiti? Huh. Ha! Delusyon! Isang malaking delusyon! Ay mali...mali...deliryo! Nagdedeliryo yata ako no'ng nakaraang linggo at inakala kong ngumiti si Sir Van.

Bakit ko nasasabi 'to? Kasi ang isang tulad niya hindi mo aakalaing marunong ngumiti. Walang puso! Wala talaga!

Sir? Jusko! Kung pwede lang huwag ko siyang tawagin niyan! Leche! Napaka pahirap niya sa buhay! Ka-stress! OA na kung OA pero mas naman siya!

Nilamukos ko ang papel na nasa harapan ko sa sobrang inis ko! Second week pa lang simula nang magsimula ang semester na 'to. Take note! Second week pa lang! Pero ano? Aba, pinagawa na agad kami ng Table of Specification at may pasunod pa! With sample test paper na base sa TOS mo!

Ayos! Grabe, tapos kahapon lang niya tinuro at next Wedenesday na agad pasahan? Tapos bukas Friday 30 item quiz pa namin dahil every Friday meeting daw namin ay quiz day? Naku! Naku talaga!

Akala naman niya napakadali nang pinapagawa niya! TOS pa lang napakadaming computation at division na gagawin mo! Tapos mamimili ka pa ng topic. Tapos 'yong TOS mo gagawin mo pang basis para sa sample test? Ah! Nababaliw na ko!

Nando'n na ko sa point na magaling siyang magturo, walang duda do'n, pero 'yong galing niya natabunan ng pagkainis ko sa kanya sa dami agad nang pinapagawa. Kakasimula pa lang ng sem ha? Paano na sa mga susunod na araw?

Napabuntong hininga ko, naiwang topic kasi 'to sa Assessment 1 kaya hinahabol ngayon. Hay, pambihira naman talaga 'o!

"Lhia, ano? Natapos mo na 'yong iyo?" Tanong ni Jade na nasa tabi ko. Nasa college library kami ngayon kasi ang haba ng vacant namin ngayong araw. Sinisimulan na rin namin 'yong mga pinapagawa sa'min.

Dahil kasi nawala 'yong Thursday meeting namin kay Sir Van nadagdagan ng one hour pa ang two hours vacant namin sa pagitan ng dalawang subject. Ayan, naalala ko na naman siya!

Ang nakakainis pa sa kanya, no'ng sinabi niyang gagawa kami nito expressionless siya. As in! Parang wala lang sa kanya 'yong pinapagawa niya, palibhasa siya gamay na niya 'e kami? Kahapon lang namin natutunan!

Pinakita ko rito ang nilamukos kong papel, "From the top, again." Isang buong yellow paper back and front na ang nasulatan ko pero hindi ko pa rin makuha ng tama.

"Ang hirap kasi 'e, kailangan mong i-adjust 'yong isa kapag hindi 100% ang nakuha mo sa dulo," partida si Jade pa 'yang nagsabi niyan ha. Si Jade ang masasabi kong Math genius sa'min, hindi ko alam ang eksaktong IQ niya pero masasabi kong beyong average.

Napatango na lang ako sa kanya. Nilapag ko sa table namin 'yong nilamukos kong papel. Nilagay ko ang kanang braso ko sa table tsaka pinatong ang baba ko ro'n at tsaka ko nagsulat. Tinitigan ko si Anne at Shei na nakaupo sa harap namin ni Jade at halatang nahihirapan din sila. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapabuntong hininga.

Napasunod naman bigla 'yong tingin ko sa nilamukos kong papel nang malaglag 'to nang umabot sa pwesto ko 'yong hangin ng electric fan. 'Tong library naman na 'to may aircon na may electric fan pa, kaya mga estudyante labas masok kasl ihi ng ihi.

Nalaglag 'yong papel sa gilid ko. Habang nakaupo pa rin, yumuko ako at tsaka ko sana pupulutin ng may mauna na sa'kin. Umayos ako ng upo para tignan kung sino 'yong pumulot.

Pinilit kong magkaroon ng casual expression at 'wag sumimangot nang makita ko kung sino ang pumulot. Kahit lukot na 'yong papel binuksan niya pa rin 'to at tinignan ang nakasulat, harap at likod.

Napasandal ako sa sandalan ng upuan ko ng bigla nitong pinatong 'yong papel sa may tabi ng pad paper.

"This one is fine, you should adjust this. Add another percent on here and you'll get a 100% in the end," nakatingin ako sa tinuro nito tsaka ko siya tinignan. Paano niya naman nalaman na 100% ang kakalabasa no'ng adjustment na sinasabi niya?

Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now