Chapter 18

4K 128 5
                                    

Emee's POV

Nang makarating ako sa opisina ni sir ay agad kong nilagay sa office table nito ang sukli ng 20K niya.

“Hintayin niyo lang po iyong mangga, Sir. Paparating na po,” ani ko habang hinihingal pa dahil sa kakatakbo ko kanina. Tinatakasan ko ang masamang ispirito.

“Okay,” tipid na sagot ni Sir habang nakatutok sa hawak nitong mga papeles.

Kaagad akong lumabas sa opisina ni Sir. Mahirap na at baka maabutan pa ako ng demonyo! Demonyong manyakis!

Rage Mikael's POV

“Ano’ng nangyari sa mukha mo?” Kaagad na tanong ko sa lalaking kakapasok lang sa aking opisina.

“Sinuntok ng magaling mong Janitress, dude. Fuck!" sagot nito habang hawak-hawak ang ilong na namumula, may bahid pa ito ng dugo.

“You deserve it, dude. Gago ka kasi.” Natatawang sabi ko sa kanjya.

“Yeah. Fuck you.” Pikon. Hahahaha!

“Nasaan na ang mangga na pinabili ko?”

“Nasa labas, dude. Ang bigat n’yon, tangina. Additional 10K ang utang mo sa 'kin hayop ka."

“Whatever. Expect the payment in your account tomorrow.”
Tinawagan ko ang head ng Maintenance para mag utos ng isang Janitor na iakyat ang mga pinabili ko.

Nang maiakyat na rito sa opisan ang mangga at mayonnaise ay kaagad akong nagsimulang magbalat ng mangga.

Tangina. Nangangasim ako sa amoy nito.

“Ano ba kasing lasa nito't ba't sarap na sarap si Maria habang kumakain nitong mangga na may mayonnaise?” tanong ko sa sarili ko.

Ang weird ng mga cravings ng buntis. Bakit ba ganoon?

Maria's POV

Dumating nga si Kael na may dalang isang tupperware ng mangga na may mayonnaise. Naglaway agad ako nang nakita ko iyon.

Kaagad niya akong kinuhanan ng kutsara sa kusina.

“Here's your manggo with mayonnaise. Dinamihan ko talaga 'yan, baka kulangin ka pa.” Hindi ko na pinansin ang mga pinagsasabi nito dahil kaagad ko nang nilantakan ang dala niya.

Ang sarap!

Busy ako sa pagsubo ng kinakain ko kaya hindi ko napansin na nakatitig pala siya sa akin. Nang patingin ako sa gawi niya ay may napansin akong kakaiba.

Hindi ako nainis....

May mask na siyang suot! Awit!

“Ang guwapo mo sa suot mong mask,” ani ko sabay subo ng isang kutsarang mangga na may mayonnaise. ‘Di parin tinatanggal ang paningin ko sa kaniya. Guwapings masyado sa suot niya’ng facemask. Ahihihi!

Gusto ko siya’ng kurotin sa pisnge pero mas lamang ang pakiramdam ko'ng unahin ko muna ang mangga ko'ng may mayonnaise.

“How the hell did that happen na naging guwapo ako sa paningin niya with this freaking mask on my face?” bulong nito, ngunit hindi ko narinig nang maayos dahil abala ako sa kinakain.

Tinignan ko siya ulit. Ang cute niya talaga.

“Gusto mo?” alok ko sa kaniya ng kinakain ko. Malapad ang ngiti ko'ng pag-alok sa kaniya ng kinakain ko.

“N-no. Sa 'yo na 'yan. Baka kulangin. Alam kong gustong-gusto mo 'yan,” kaagad na sagot nito. Halatang nandidiri sa kinakain ko. Medyo na offend naman ako sa pagtanggi niya ng alok ko.

 The Probinsyana [Completed]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt