Chapter 10

3.6K 107 3
                                    


“Ate, last nalang na tanong,” tawag niya ulit sa 'kin. Letseng bata na 'to! Ano na naman kaya? “Selosa ka ba?” Napatigil ako sa pagpunas ng aking bibig at napalingon sa kaniya. Inosenteng nakatitig lamang ito sa 'kin na tila hinihintay ang magiging sagot ko sa tanong niya.

“Hindi! H-hindi ako selosa.”

“Tingnan mo 'yon, Ate oh.” Ngumuso siya sa may gate ng bahay namin kaya napabaling ako roon. Uminit bigla ang ulo ko sa nakita.

Ang mga bigatlan nga silingan!

Animo’y naglalaway din habang nakatitig ang tatlong haliparot na kapitbahay namin sa pawisang katawan ni Sir na nakabalandra sa harap nila. Titig na titig, kulang nalang ay sunggaban nilang tatlo si Sir.

Napatayo kaagad ako sa inis na naramdaman ko. Linte! Kanami pang kulikugon niya mga mata! Amp!

“Hindi nga selosa,” mahinang ani ni Joey, ngunit sakto lang para marinig ko.
Nilapitan ko agad si Tita Letecia na kausap si Tito Eulicio habang nakaupo sa kawayang upoan dito sa may puno ng mangga namin.

"Tita. Asan na po 'yong extrang damit ni Sir? Hapon na po. Kakausapin ko nalang si itay na maghahanap nalang kami ng puweding suhulan para magbiyak ng mga natitirang kahoy.” Tumango siya sa 'kin saka kinuha ang itim na bag pack na may lamang damit. Pagkakuha ko ay kaagad kong nilapitan si Sir Kael na patuloy pa rin sa pagbiyak ng kahoy.

Kailangang takpan ang abs ni Sir! Exclusive lang 'yan sa 'kin! Walang puweding maglaway r’yan! Ako lang! Akooooooo laaaaaang!

“Sir, tama na po iyan. Hapon na po.” Inilahad ko sa kaniya ang dala kong t-shirt.
Hingal na tinignan niya ako.
Sheeet! Ang guwapo! Wet look. Amp!

“Baka magalit ang Itay mo kapag hindi ko natapos 'to.”

“Ako na bahalang kumausap kay Itay, Sir. Pahinga na po kayo. Baka gabihin kayo pabalik sa tinutuluyan niyong hotel.”

“Okay.” Binitawan niya ang hawak na pangbiyak ng kahoy.

Lumapit siya sa 'kin kaya agad kong nilahad ulit ang t-shirt na hawak ko. Nang nakuha na niya ang t-shirt sa kamay ko ay aalis na sana ako para pumasok sa bahay nang bigla niyang hawakan ang kaliwang pulsuhan ko at hinila palapit sa kaniya.

Naitukod ko naman ang isang kamay ko sa dibdib niyang pawisan. Amoy na amoy ko pa ang panlalaking pabango niya. Kahumot man sa imo sir ah! Kahit pawisan ang bango pa rin!

“B-bakit, Sir?" Nakakahiya dahil sobrang awkward ng posisyon namin, tapos nasa may mangga lang ang magulang ni Sir, na sure akong nanunuod na samin ngayon, idagdag mo pa ang tatlong haliparot na kapitbahay namin.

“Punasan mo ako, baby. Please?” nang-aakit na sabi nito sa 'kin.

Defuuutaaaa! Huwag ka namang ganiyan, Sir!Alam mo namang slight marupok ako e! Isang landi mo lang sa 'kin ay witik matik ako agad! Amp!

Huling araw na namin dito sa probinsyana namin ngayon dahil isang linggo lamang ang napag-usapan nila Sir at ng magulang niya na pananatili rito sa amin para makausap ang pamilya ko tungkol sa pamamanhikan nila. Marami pa raw trabaho ang naghihitay sa kanila sa Maynila, lalo na at si Sir ang kasalukuyang CEO ng kompanya nila.

Nandito kaming lahat ngayon sa maliit na sala ng aming bahay. Ngayon nila pormal na pag-uusapan kung payag na ba si inay at itay sa pagpapakasal ko kay Sir Kael.

“Papayag na akong pakasalan mo ang anak ko,” panimula ni itay. “Pero kapag sinaktan mo ang anak ko at umuwing luhaan 'yan dito, dila mo lang gid ang way labod sakon!” Alam kong hindi nila naintindihan ang huling sinabi ni itay, ngunit ramdam pa rin nila ang pananakot ni itay kung sakali mang saktan ako ni Sir.

“Makakaasa po kayo sa 'kin, Sir. Hinding-hindi ko po pababayaan ang anak niyo. Aalagaan ko po siya,” si sir kay itay.

"Kailan at saan gaganapin ang kasal? Puwede bang dito nalang? Wala kaming pera para bumayahe papunta sa inyo. Mahirap lang kami, hindi tulad niyo,” Ani ni inay.

“Aayusin pa namin ang schedule ng kasal nila pagbalik namin sa Maynila. Don't worry. Kami na ang bahala sa lahat,” sagot ni Tito Eulicio

“Naiintindihan po namin ang sitwasyon niyo. Tungkol sa kasal, sa Maynila nalang po siguro dahil mas matutukan namin ang pag-aayos sa gaganaping kasalan. Huwag kayong mag-alala, kami na ang bahala sa lahat ng gastusin niyo. Ipapasundo namin kayo rito bago ang kasal,”  si tita Letecia, hanggang sa naging maayos na ang lahat, atala ng tutol sa magiging kasalan namin ni Sir.

--

Pagod akong napahiga sa malaking kama ni Sir dito sa kuwarto niya sa kaniyang mansyon. Dito na kami dumiretsong dalawa matapos naming makarating ng Maynila, dahil 'yon ang sabi niya. Sina Tita Letecia naman ay umuwi na sa kanilang mansyon dahil nakakasiguro na naman daw silang matutuloy ang kasal namin ni Sir.

“Mauna ka nang maligo para makapagpahinga ka na. May pupuntahan lang ako sandali,” ani ni Sir. Tumayo naman ako para kumuha ng damit saka dumeretso na sa banyo at naligo.

Pagkatapos kong maligo ay ni-blow dry ko muna ang buhok ko para hindi basa mamaya pagtulog ko. Antok na antok ang pakiramdam ko dahil sa sobrang pagod sa biyahe. Matapos kong i-blow dry ang buhok ko ay humiga na ako sa kama para makatulog.

Nagising ako ng mga alas-singko ng hapon. Tiningnan ko ang bakanteng parte ng kama. Wala roon si Sir. Baka hindidi pa dumarating. Hindi pa 'yon nagpapahinga. Lumabas ako ng kuwarto para magtanong sa mga katulong dito sa mansyon kung nakauwi na ba si Sir Kael.

Habang pababa ako sa grand staircase ng mansiyon ni Sir ay may naririnig akong sigawan sa sala.

“No! I've trusted you! Sabi mo you'll get rid of her! You'll get rid of Joana because you love me! Ako lang sabi mo! Then bakit ganito ha?! Rage?! Pinanghawakan ko yung sinabi mong gagawan mo ng paraan, ako 'yong papakasalan mo! Hihintayin mo ako hanggang sa maging handa ako, Rage! Akala ko si Joana lang ang karibal ko sa 'yo! Bakit ngayon may isang probinsyanang ipapakasal sa 'yo?! Explain it to me, Rage!” sigaw ng babaeng umiiyak sa harap ni Sir.

Natutop ko ang bibig ko sa mga narinig. Sino itong babaeng ito sa buhay ni Sir? Pinangakuan ng kasal? Mahal siya ni Sir? Sino si Joana?

“I’m s-sorry, Jen. J-just trust me more this time please. Aayusin ko ito. I can't say no to my lolo. You know that, Jen, love. Hindi rin magtatagal ang kasal na ito. Kailangan ko lang ay ang mapermahan ni lolo ang lahat ng papeles na maglilipat sa aking pangalan, ang kompanya at ibang mamanahin ko. Then, after that, maghihiwalay na kami ni Maria. Please. Trust me,” pag-aalo ni Sir sa nag ngangalang Jen.  Girlfriend niya yata 'to. Akala ko ba wala siyang kasintahan?

Nanlumo ako nang tingnan ko ang kabuuan ng Jen na iyon. Wala man lang ako sa kalingkingan. Ang ganda at sobrang sexy. Ganito ba ang mga type na babae ni Sir? Kaya naman pala hindi naakit sa akin kahit magkatabi na kaming matulog.

Nasaktan ako sa mga salitang lumabas mismo sa bibig ni Sir. All this time, akala ko okay siyang maikasal sa akin dahil siya mismo ang nag alok sa akin na puntahan namin ang mga magulang ko sa probinsya para pormal na makausap ito.

Iyon naman pala, may ibang pina-plano.

Umakyat ako pabalik sa kuwarto ni Sir para hindi nila ako makita. Ayaw kong malaman ni Sir na narinig ko ang pinag-usapan nila ng girlfriend niyang si Jen.

Humiga ako sa kama at natulala sa puting kisame ng kuwarto. Huwag kang iiyak, Maria! Lalaki lang iyan! Ang dami pang mas gwapo kay Sir!

Naramdaman kong may tumulong luha sa pisnge ko. Hinayaan ko lang iyong tumulo. Traydor na luha 'to. Sinabi nang huwag umiyak e!

Ang sakit, promise! May “pa-punasan mo ako baby, please” ka pang nalalaman Sir, pero ka-plastikan lang naman pala!

Kaya pala hindi mo sinabing mamahalin mo ako noong nasa bahay tayo kasi hindi mo naman pala talaga ako mamahalin kasi may iba ka nang mahal!

Sabi mo aalagaan mo ako.

Nangako kang hindi mo ako sasaktan. Sa harap pa ng pamilya ko ikaw nangako.

Ang plastic mo naman Sir. Ayan tuloy. Nahulog ako. Ang sakit kasi hindi mo ako sinalo.

Ginamit mo lang ako para sa mamanahin mo, Sir. Ang sama mo....

 The Probinsyana [Completed]Where stories live. Discover now