Prologue

10.5K 249 64
                                    

DISCLAIMER

This is a work of fiction.
Names, Characters, Businesses, Places or any other events are either product of the authors imagination.
Any resemblance to actual person, living or dead are purely coincidental.

Where have you been? Kanina pa kita hinahanap, seryosong tanong nito habang mariin na nakatitig sa 'kin.

Patay ka nanaman Maria.

M-may kinita lang pong kaibigan, S-sir.

A friend? Who? Saan kayo nagkita? At bakit hapon ka na nakauwi? Hm? sunod-sunod na tanong niya. Diyos ko! Hindi ko na kaya na kaharap ka Sir. Feeling ko, anytime matutunaw ako. Matutunaw sa hiya!

Sasagot na sana ako ng bigla ulit itong magsalita, Lalaki ba iyang kaibigan mo?"
Hindi pa nga ako nakakasagot sa naunang tanong tapos may dinagdag pa! Nangangalap na nga ako ng puweding isagot e!

A-ah... sa bahay po nila Auntie Lucy pumunta kaya ako natagalan. B-babae po 'yong kaibigan ko, Sir. Certified sinungaling ka na, Maria. Awarded!

Okay, tipid na sagot nito saka nagsimulang umakyat na papunta sa kwarto niya. Laking pasalamat ko naman dahil natapos na rin ang question and answer portion namin.

Tatlong linggo nalang ang natitira sa pagiging single ko. Kalbaryo is real. Siguro kung mahal namin ang isa't isa ni sir, baka nagsasaya na ako ngayon, pero hindi e. Wala. One sided lang. Ako lang kasi 'yong nagmamahal ang mas malala pa, nagmamahal nang palihim.

Isukat mo na itong wedding gown na napili ko para sa 'yo, Hija. Sure akong babagay talaga sa 'yo .'to, sabi ni Tita Letecia habang hawak-hawak ang napiling susuotin ko sa kasal.

Sige po.

Pumasok ako sa fitting room ng shop. May ilang empleyado ng shop ang tumulong sa 'kin para maisuot ang gown. Fitted ang gown na napili Tita Letecia. Maganda ang design ng gown. Puno ito ng mga diamond style beads na mas lalong dumagdag sa simple but elegant style ng gown. Long sleeve gown ito na v-neck style sa dibdib. Medyo nakikita ang cleavage ko.

Tiningnan ko sa salamin ang sarili ko.

Mas namangha ako lalo sa gown ng maisuot ko ito. Saktong-sakto sa katawan ko ang gown. Bumagay sa hugis ng katawan ko. Nakalugay lang ang mahaba kong itim na buhok na bumagay sa ayos ko ngayon. Parang sa kandidata lang sa Ms.Universe na nilulugay lang ang straight na buhok.

Oh my God! Bagay na bagay sa 'yo ang gown, Hija. You looked gorgeous! Mas lalong mai-inlove ang anak ko sa 'yo kapag nakita ka niyang suot mo 'to. Kung alam mo lang Tita. Iba ang gusto niyang pakasalan. Iba ang gusto niyang iharap sa altar. Ibang babae ang gusto niyang makitang nakasuot ng wedding gown habang naglalakad sa loob ng simbahan.

Masakit freen. Masakit. Send anesthesia.

Salamat po, Tita.

Lumipas ang ilang linggo na abala kami sa paghahanda para sa nalalapit na kasal namin ni Sir. Isang linggo nalang ang hihintayin ko bago ang araw ng kasalan. Si Tita Letecia ang sumasama sa akin para mamili ng mga putahing ihahanda sa kasal. Abala kasi si Sir Kael sa kompanya kaya hindi siya nakakasama sa amin ng mommy niya.

Alas-nuwebe na ng gabi nang nakauwi ako sa mansyon dahil pumunta pa kami ni Tita Letecia sa mansyon nila, dahil matapos kaming pumunta sa hotel para sa venue ng reception ng kasal ay pinakita niya pa sa 'kin ang mga in-order niyang souvenirs na pina-deliver niya sa mansyon nila. Napasarap din ang kwentuhan namin kaya mas lalo akong natagalan. Pinahatid nalang nila ako sa family driver nila pauwi sa mansiyon ni Sir Kael.

Tahimik na ang buong mansyon pagkapasok ko. Dumiretso ako paakyat papuntang kuwarto ni sir.

Habang naglalakad palapit sa pinto ng kwarto ni Sir ay napansin kong medyo nakabukas ito. Nagsasayang ng aircon si Sir. Iba talaga kapag mayaman, hindi nababahala sa kuryente. Sana all sa mga mayayaman talaga.

Tinulak ko ang pinto para makapasok, ngunit
Para akong natulos sa kinatatayuan ko sa aking nakita.

Si Sir at ang kanyang minamahal na babae. Magkayakap habang natutulog. Walang saplot sa katawan. Tanging ang puting kumot lamang ang bumabalot sa kanilang dalawa para hindi makita ang kabuoan nilang dalawa.

Para akong sinaksak sa nakita ko.

Ang sakit ha. Ramdam ko na ang sabi ng baklang HR. Tanggap ko nang may ibang mahal na talaga si Sir at kahit kailan, hindi niya ako mapapansin.

Bahala na. Nakapagdesisyon na ako. Ayoko na. Hindi ako magpapaka-martyr. Wala namang kasalanan si Sir dito. Ako 'yong may kasalanan kasi ako 'yong nahulog.

Sana nagkaroon na sila ng happy ending. Ayaw kong makisawsaw. Alam ko namang wala talaga akong lugar sa mansyon na ito, lalo na sa puso ni Sir.

Aalis na ako. Ayaw ko na. Ayaw ko nang magpakasal. Tama si Emee. Masasaktan lang ako kapag pinagpatuloy ko pa ito.

 The Probinsyana [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon