Chapter 15

4K 112 3
                                    

“Apo? Totoo ba? Buntis si Maria?” tanong ni Lolo Anton kay Sir Kael.

“Yes,” tipid na sagot ni Sir.

Nandito kami ngayon sa sala ng mansyon ni sir kasama ang pamilya niya at si Lolo Anton. Mabilis yatang lumipad ang balitang buntis ako. Siguro isa sa mga kasambahay ang nagsumbong.

“Congratulations! Sa wakas at magkaka-apo na ako sa tuhod! Kulang pa 'yan ng anim, apo. Pero okay na 'yan at least may makikita akong apo sa tuhod bago ako mamatay,” wika pa nito.

“Ilang araw nalang kasal niyo na. Dapat doon ka muna sa amin, Maria. Baka malasin kayo sa kasal niyo.” Malapad ang ngiti ni tita Letecia habang sinasabi iyon. Tss. Kasal. Kasal. Kasal.

Halata sa mga mukha nito na sobrang excited sila sa kasalan namin ni Sir at sa magiging apo nila. Hayss.

“A-ano po....” Nakayukong ani ko.

“Ano 'yon, hija? May masakit ba sa 'yo?” Nag-aalalang tanong ni Tita sa akin.

“A-ayaw ko na pong makasal.” Pikit-matang sabi ko.

“What?!” sabay-sabay na sigaw nila except kay Sir Kael na nakayuko lang din sa tabi ko. Halatang ine-expect niya nang gagawin ko 'to. Magsaya ka na, Sir. Hindi ka na matatali sa akin.

“B-but, why? Bakit, Maria? May problema ba kayong dalawa?” gulat na tanong ni Lolo Anton.

“W-wala po. A-ayaw ko lang pong makasal sa lalaking hindi ko mahal. Huwag po kayong mag-alala, hindi ko po ipagkakait sa inyo ang apo niyo.

“Myghaaad! Kael! Do something! Hindi puweding hindi kayo maikasal! Magkaka-anak na kayo in nine months! How 'bout the baby?! Lalaking hindi kompleto ang pamilya! No! No! No! Ikakasal kayo! Maria, please, Hija. Kung gusto mong e-move ang kasal okay lang, but please, Hina. Huwag kang umatras. Isipin niyo ang anak niyo,” hysterical na ani ni tita.

Iba naman kasi ang mahal ng anak niyo. Ibang babae po ang gusto niyang makasama at hindi ako 'yo.

“We'll talk about this, Mm, Dad, Lo. Excuse us.” Tumayo si Sir at hinila ako paalis doon sa sala.

“We can moved the wedding next month if you want. Tulad ng sabi ni Mommy. Isipin natin ang bata na lalaking hindi kompleto ang pamilya,” panimula nito.

Dito niya ako sa kuwarto niya dinala para makapag-usap nang masinsinan. Gusto kong kumalma, ngunit tuwing napapatingin ako sa mukha ni Sir, napapasimangot agad ako.
“Huwag niyo na pong ipagpilitan ang kasal Sir. Final na po ang desisyon ko. Hindi ko na po itutuloy ang pagpapakasal sa inyo. Hindi po ako martyr tulad ng ibang babae na magpapakasal sa inyo kahit iba ang inyong mahal. Tawagin mo na akong makasariling ina, pero para rin naman 'to sa anak ko. Ayaw kong pagdating ng panahon, makikita niyang kompleto nga ang pamilya niya pero wala namang pagmamahal na makikita. Hindi bale nang hindi kompleto, alam kong maiintindihan ng anak ko 'yon balang araw,” matapang na sagot ko sa kaniya.

“Fuck! Hihiwalayan ko na nga si Jen hindi ba?! Kayo ang pinipili ko! Matututunan naman siguro kitang mahalin para sa anak natin!” naiiritang sagot niya, halatang naiinis na.

“Siguro! Hindi ka sigurado, Sir! Oo! Hihiwalayan mo ang girlfriend mo! Pero ano?! Masaya ka ba?! 'Di ba hindi?! Tapos ano?! Kasal ka sa akin, pero ang puso mo nasa kay Jen, at ano ang kahahantungan niyan?! The legal wife?! Dalawang Mrs. Montenegro?! Sir wala tayo sa pelikula!” sigaw ko pabalik sa kaniya. Naiinis na ako. Pinipilit niya akong pakasalan siya dahil sa mana niya! Iyon ang totoo, kaya huwag kang papauto riyan, Maria!
“Dahil ba sa mana mo, Sir? Kaya mo ako pinipilit na pakasalan ka?! Iyan ang problema sa inyong mayayaman! Kahit hindi niyo mahal, papakasalan niyo dahil lang sa pera! Hindi katulad naming mahihirap, mas importante sa amin ang pagmamahal kaysa sa pera! Hindi kami pinalaki ng magulang namin Sir na mukhang pera! At isa pa pala, Sir narinig ko ang usapan niyo ng girlfriend mo! Kapag nakuha mo na ang mana mo, iiwan mo na ako. Hihiwalayan mo na ako para sa gano’n ay magsasama na kayo. Ano’ng akala mo sa akin, Sir? Bubble gum na p’wede mong iluwa kung nagsawa ka na at wala ng lasa?!”

 The Probinsyana [Completed]Where stories live. Discover now