SPECIAL CHAPTER

4.2K 127 21
                                    


"Mami!" Sigaw ng anak kong si Klode habang tumatakbo palapit sa akin.
Ako kasi ang sumundo sa kanila ngayon sa school. Busy ang daddy nila at naka day off din ang driver ng kambal.

Pitong taon na ang nakalipas simula noong ikasal kami ni Kael. Sa loob nang pitong taon na iyon ay ramdam ko ang pagmamahal ni Kael sa amin ng mga anak niya.
Kahit sobrang busy nito sa trabaho, lagi itong naghahanap ng paraan para mabigyan niya kami ng oras.

Hindi na kami nagka-anak ulit ni Kael dahil sa medyo delikado na para sa katawan ko pag nag buntis ulit ako. Naintindihan naman iyon ng Lolo ni Kael. Okay na raw siya sa kambal. Ang importante ay may magmamana na ng mga pinaghirapan ni Kael.

"Mami, bakit ikaw lang po ang sumundo sa amin?" Tanong ni Klode ng makalapit na ito sa kinatatayuan ko.

"Busy kasi ang daddy mo anak kaya ako lang ang sumundo sa inyo," sagot ko habang pinupunasan ang mukha nitong puno ng pawis.

"Ang kapatid mo Klode? Bakit hindi kayo magkasabay lumabas?"

"Naiwan po siya mami kasi ang bagal niya po'ng magsulat eh. Sabi ni teacher dapat tapusin muna bago umuwi. Sabi ko nga kay teacher na share nalang kami ni Kaydge kasi magkapatid naman kami pero ayaw niya kasi kailangan daw fair para di dumependi lagi si Kaydge sa akin at para matuto siya'ng magsulat ng mabilis," page-explain nito. Bakas sa mukha nito ang concern niya sa kakambal.

"Tama ang teacher mo anak. Kailangan matuto ni Kaydge na maging independent sa'yo," ani ko sabay ngiti. "Puntahan natin ang kapatid mo baka maiyak pa iyon kasi iniwan mo,"

"Nagpaalam naman po ako sa kaniya mami na lalabas muna ako para tignan kung nandito ma ang sundo namin, babalikan ko naman po siya agad,"

Sobrang saya ko tuwing makikita ko ang mga anak ko'ng close sa isa't-isa. Si Kaydge ang pinakamahiyain, lagi itong tahimik at sobrang tamlay. Noong una ay natakot ako dahil sa katamlayan nito, akala ko no'ng una ay may sakit ito kaya pinatingin namin siya sa doctor. Ang sabi ng doctor ay wala naman daw itong sakit, siguro ay nasobrahan lang sa pagka mahiyain si Kaydge kaya ganoon siya kumilos.

Si Klode naman ay ang kabaliktaran ni Kaydge. Masyadong energetic ang bata'ng iyon kaya mas marami itong naging kaibigan kesa kay Kadge. Pareho silang matalino, hindi naaalis sa top 1 ang dalawa. Lagi silang tie sa rank 1.

Manang-mana sila sa ama nila. Matalino, pati ang itsura nila'y namana lahat kay Kael. 'Yung balat nilang sobrang puti, matatangos na ilong, mapupulang labi, at ang mga mata nitong kulay kahel. Lahat kay Kael nila nakuha. Miski isa ay walang namana sa akin. Ang unfair lang diba kasi ako iyong nagpakahirap magdala sa kanila ng siyam na buwan pero sa ama sila nagmana?

"Magandang hapon po, Mrs. Montenegro," bati sa akin ng adviser ni Klode at Kaydge.

"Magandang hapon din po, ma'am. Susunduin lang po sana namim si Kaydge,"

"Nasa loob pa po siya Mrs. Montenegro, katatapos niya lang mag pa check sa akin ng notes niya," wika nito habang tinuturo sa loon si Kaydge na busy sa pagliligpit ng mga gamit niya sa kaniyang desk.

"Sige po. Maraming salamat po,"

"Walang anumanpo Mrs. Montenegro," bahagya pa itong yumuko at ngumiti sa akin.

Minsan nakakaramdam ako ng hiya sa paraan pagtrato nila dito sa akin. Feeling ko ay isa akong first lady kung itrato nila. Masyadong mataas ang respeto ng mga guro dito kay Kael dahil isa siya sa mga malalaking investor ng paaralan na ito.

"Mami," tawag ni Kaydge sa akin. Ang lambing talaga ng boses ng bata'ng ito.

"Kamusta ang araw mo anak? Napagod ka ba?" Yumuko ako para halikan ito sa noo.

 The Probinsyana [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon