Chapter 5

4K 150 11
                                    

“Hayop ka! May pagalit-galit ka pa kay Sir Kael, pagkatapos gusto mo pang magpa-araro ng edsa mo! Isa kang malaking hindot!” sabi nito sabay hampas sa balikat ko. Huli na nang na-realize ko ang mga sinabi ko kanina. Deputa! Nasakpan gid ko!

Sobrang slight maharot ka kasi, Maria! Ayan tuloy! Ano nanaman ang ira-rason mo ha?! Tangangers!

“Ha? A-ano’ng araro ka r’yan?!” pagde-deny ko. Huta. Huli, pero 'di kulong na nga ako. I'm guilty attorney sareeeh!

“Deny pa, Sis. Huli ka na nga e! H’wag kang mag-alala! Support kitang landiin si Sir! Mas bet kita para kay Sir Kael, kaysa roon sa baklitang nasa HR department!” saad niya na nagpangiti sa'kin.

“Talaga lang ha? Oo na. Crush ko na si Sir, at may plano akong harutin siya, pero natatakot ako baka masigawan lang ako lagi niyan.”

“Naku! Sa ganda mong 'yan, gurl, 'di pa ma-aakit si Sir?! No way. Magsuot ka ng t-Back na panty sa harap niya! Tingnan natin kung 'di ka pa sunggaban niyan! Wasak edsa panigurado!" Linte! So-En panty lang mayrkon ako! Matibay garter n’yon!

“Sponsor kita? Wala akong pera, sponsor-an mo 'ko! Ikaw nag-suggest niyan.” Nangingiting sabi ko sa kaniya. Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko. Minsan lang ako bumili ng panty, kasi kapos sa pera e, ngunit sinisigurado ko namang matibay lalo na 'yong garter!

“Kuripot nito! E di sa unang suweldo mo, ikaw bumili! May pinaggagastusan ako ano! Iyong anak ng kapatid kong iniwan sa 'kin! Ikaw! Single ka naman kaya h’wag kang mag-kuripot! Kahit tatlong pirasong t-back lang para sa oplan akitin si Sir!" ani nito.

“Ewan ko sa 'yo. Ikaw 'tong nag suggest na mag t-back, pagkatapos ayaw mo akong soponsor-an! Kakalain sang batasan mo ah!" Tinignan naman ako nito na parang nakakita ng multo. Gulat ka gurl? Tide? Tide? Gulat ka 'no?

“Ilongga ka, gurl?!” Gulat ma sigaw nito animoy di makapaniwala.

“Oo bakit? Makaintindi ka sakon ginahambal?”

“Ay huod eh! Ilongga ko! Pure gid ni halin ko sa iloilo!" Kung kanina ay siya ang nagulat, ngayon ay ako naman. Aba. Hindi man lang ako na-inform. Ilongga din pala itey.

“Waay ka gid nag hambal! Tapungolon taka karun! Effort pa ako sa pagtagalog. Kaya naman pala simula nong nakausap kita, iba din ang tono ng pagtatagalog mo,” ani ko sa kanya. Trooth. Kanina ko pa napansin ang pagtatagalog niya. Medyo matigas din ang pagkakabigas ng mga tagalog words.

“Noong una hirap na hirap din akong ayusin ang pagtatagalog ko, pero 'pag nagtagal ka na masasanay kana. Magi-improve din.”

“Oo nga e.” Napabintong-hininga ako. “Wait nga. Ano’ng oras na ba?” tanong ko.

“Malapit nang mag-5 PM. Tara na. Gisingin na natin 'yong iba para makapagsimula na silang maglinis. Malapit nang mag-out 'yong mga nag o-opisina. Kailangan nilang maglinis ng maaga kasi hindi sila stay in dito. Iyong stay in lang dito sa Quarter ang naglilinis kapag nakauwi na 'yong mga empleyado rito,” aniya.

“Ha? Puwedi palang mag-stay in dito?” Sana pala nag-stay in nalang din ako. Pero lilipat din naman ako dahil sa bahay na raw ako ni Sir Kael muna.

Ini-imagine ko palang na sa bahay niya ako magta-trabaho ng isang buwan, feeling ko mahihimatay na ako sa kilig. Akalain mo 'yon? Punishment daw pero gustong-gusto ko ko? Napabulinghit ako ng tawa sa aking isip.

“Oo puwede, pero ako, hindi ako nag-stay in kasi walang kasama ang ampon kong anak ng ate ko." Napatango ako sa kaniya.

Ginising na namin ang ibang kasamahan namin para makapaglinis na sa mga assigned area nila. Ako naman ay pumunta na sa top floor para makapagsimula na ring maglinis ng opisina ni Sir.

 The Probinsyana [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora