"Gising ka na pala."

Bumaling ako sa pinanggalingan ng boses. Si Doc Bria 'yon, naka Doctor's attire siya at may hawak na chart, lumapit siya sa 'kin saka naupo sa tabi ko.

"Ano 'to? Bakit may ganito?" tukoy ko sa IV

Huminga siya ng malalim bago ako seryosong tinignan. "Hindi kita magising kanina, namumutla ka nang makita kita kaya kinuha na kita ng kuwarto."

Tumango ako at saka umupo, hindi niya ako hinayaan na gawin 'yon mag-isa. Nang magawa ang gusto ay saka ako sumandal, sinubukan kong tanggalin ang suwero na nakakabit sa'kin ng pigilan niya 'ko. "Hoy! Anong ginagawa mo?"

"Hindi na kailangan nito, okay na 'ko. May pasyente pa akong dapat asikasuhin, pati na rin ang patients ni Doc Gaia—"

Padabog siyang tumayo sa harap ko. "Ano ka ba! Buntis ka baka nakakalimutan mo?"

Napasapo ako sa noo ko. "I know, okay?"

"Yeah right," tumango siya. "Alam mo pero hindi mo iniintindi 'yang kalusugan mo."

"Doc Bria!" hindi makapaniwalang usal ko.

"Hindi ka doctor ngayon, pasyente kita. Kaya nararapat lang na makinig ka sa 'kin."

"Pero—"

"Or else...." pinagtaasan niya ako ng kilay bago tapunan ng tingin ang tiyan ko.

"Or else what?" I asked.

"Sasabihin ko sa tatay niyan ang ginagawa mo!" pananakot niya.

As if naman na papakinggan siya, kung ako nga na girlfriend hindi pinapansin siya pa kaya? Pero sabagay, baka ako lang talaga ang hindi niya gustong kausapin.

"Go!" Nagkibit balikat ako. "Wala siya dito, nasa malayo... malayong-malayo,"pagdadahilan ko, wala naman akong nasabi sa kaniya kung sino ang ama nito, kaya kampante ako.

"Oh my god! You think, hindi ko alam?"

Natigilan ako sa sinabi niya, napalunok ako ng malakas siyang tumawa. "Seriously? Hindi ako mapaniwala talaga! Akala mo wala akong idea?"

"Ewan ko sayo, paalisin mo na ako. May pasyente pa ako!" pag-iiba ko ng usap

"Nag uusap pa tayo! Gusto mo, sabihin ko sa'yo paano ko nalaman?"
sabi niya na ikinatingin ko sa kaniya.

"How...." hindi ko na namalayang bumukas ang bibig ko.

"Sinabi niya!"

Nalukot ang mukha ko, hindi maintindihan ang nais niyang sabihin. "Ha?"

Mula sa nang-iinis na itsura ay biglang nanlaki ang mga mata niya, kumurap-kurap siya saka umiwas ng tingin. "Ano ulit 'yon?"

Hinawi niya ang sariling buhok at saka bumulong-bulong, mas lalo akong nalito sa kinikilos niya, hindi ko masyadong naintindihan ang sinasabi niya dahil napakahina non.

"Woy! Ano 'yon?" ulit ko

"Ha? Nako wala 'yon!" sabi niya at saka nagmamadaling nag-ayos ng sarili.

"Doc Bria!" tawag ko ng mag tuloy-tuloy siya sa paglalakad palabas ng kwarto. Hindi niya ako nilingon na ipinagtaka ko, alam kong narinig niya ang pagtawag ko.

Naiwan akong mag-isa sa loob ng silid na 'to, wala na akong magawa kaya muli na lang akong humiga. Nakipag ti-tigan pa ako sa kisame bago muling lamunin ng antok.

"I love you...."

Mabilis akong nagmulat ng mata ng marinig ang pamilyar na boses na 'yon. "Vio!"

Damn Good Friends (Hide Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon