Kabanata 8

7.2K 211 24
                                    

Kabanata 8


"What if, pumunta tayong mall." suggestion ni Dana. May balak kasi kaming pumasyal ngayong araw at napagpasyahan nilang sa mall nalang mamasyal dahil na rin sa gutom kami at para makapaglibot na rin.

"Tara Clyde! Elaine! sa SUV ko nalang tayo sasakay kasama si Meg." aya ni Trevor.

May dala kasi siyang SUV at isang pick up sa kanya lahat yun.

" Yung iba na natira sa pick up nalang sasakay." sigaw ni Trevor sa iba na hindi kumasya ang iba sa SUV.

Bali ang kakasya lang sa SUV apat kasama ang driver kaya hindi kami kakasya kung kami lahat doon kaya yung iba sa pick up nalang sumakay.

Sumakay na si Dana sa passenger seat at si Trevor sa driver seat kaya nauna na akong pumunta sa likod kami banda upang duon pumwesto.

Doon kami umupo dalawa, kinakabahan ako dahil awkward pa rin ang nararamdam ko dahil sa nangyari lahat kahapon.

" Lets go!!!!" sigaw ni Trevor tapos pinaharorot niya na ang SUV.

Tahimik lang ako habang tumi-tingin tingin sa mga nadadaanan ko.

Nakakamangha talaga ang mga tanawin dito sana makabalik ako dito minsan.

Halatang awkward kami sa isat-isat dahil walang nagsasalita kahit ni isa sa amin dito ang tahimik. Naririnig ko tuloy yug hininga namin sa isat-isa.

Samantalang si Meg at Trevor ay walang sawa sa pagsasalita at kung ano-ano ang topic.

Hindi ko napigilan ay tumingin ako sa kanya nakaheadseat siya habang nakapikit ang dalawang mata. Ang haba talaga ng mga pilik-mata niya at ganda. Hindi niya naman ako mahuhuli na tumingin sa kanya ngayon.

Nakakamangha talaga ang buhok niya na medyo magulo at kinababaliwan ng lahat ng babae, mga matataas na pilikmata, makakapal na kilay, at matangos na ilong isama mo pa kulay ng balat niya at kissable lips.

Bumaba naman ang tingin ko sa mga labi niyan

"Do you want to listen a song?" napaiwas ako ng tingin sa kanya ng bigla siyang nagsalita habang nakapikit pa rin ang dalawang mata.

Kinabahan ako dun ah!

"Uhm-" sa sobrang kaba ko hindi ko maayos pananalita ko.

Ano ka ba Elaine magsalita ka naman wag kang papahalata na kabahan! Tahimik kung kinutusan ang sarili ko.

Habang abala ako sa pakikipag-usap sa sarili ko hindi na namalayan na dumukwang na pala siya at isinuot ang isang earphone sa isang tenga ko.

Kaya feel na feel ko ngayon ang hininga niya kaya medyo napapikit ako mas lumapit pa siya sa akin ng upo dahilan upang manlamig ako at naging parang statue sa sobrang tuod.

"Try to listen to this song it's good."husking na saad niya at pumikit na ulit. Sumandal ulit siya.

I silently enjoying the song in his playlist.

I got way too much time to be this hurt

Somebody help, it's getting worse

What do you do with a broken heart?

Once the light fades, everything is dark

Way too much whiskey in my blood

I feel my body giving up

Can I hold on for another night?

What do I do with all this time?

Malibu Nights by: LANY

Ng nakarating na kami ay pinark na nila ang kanya-kanyang sasakyan sa parking lot at bumaba.

" Guys, maghihiwalay-hiwalay tayo dahil may kanya kanya naman tayong gustong bilhin. Pumili nalang kayo ng gusto niyong kasama sa pamamasyal. Magkikita lang tayo dito sa parking lot kung saan naka park sasakyan ko." anunsyo ni Trevor sa mga kasamahan namin.

Nagkanya-kanya na sila ng alis gusto kung kumain muna magkasama kasama si Meg kaya lang nahila na ni Trevor si Meg at iniwan ako.

Samantalang ako, ako lang mag-isa mamasyal napatigil ako ng may humigit sa sa kamay ko bigla.

"Lets go together." maikling saad ni Clyde tapos naunang lumakad pa sa akin pero nakahawak parin sa akin ang kamay niya.

Wait! what? magkasama kaming mamasyal e nakakahiya at awkward pa yung nararamdaman ko.

"Where do you want to go first?" tanong niya at tumingin sa akin. Hindi ko gusto makipag eye to eye sa kanya.

Kaya umiwas ako ng tingin at pasimpleng tumingin-tingin sa paligid kahit wala naman interesanteng tingnan puros lang sasakyan lang na naka park.

"Gusto ko sanang kumain muna sa Jollibee." nagniningning na saad ko gutom na gutom na talaga ako. Nang hindi tumitingin sa kanya.

"What? that's only for kids right?" natatawang saad niya.

Dahil sa sinabi at pagtawa niya napatingin tuloy ako ng mabilis sa kanya.

Wait-what? napatawa ko nanaman siya pangalawa nato ah!

At ano daw para lang daw sa mga bata?

"Anong para sa mga bata lang! wala namang nakalagay dun na bawal mga Adults ah? hmmp!" nagtataray na saad ko pinagkrus ko pa dalawang braso ko.

"Okay, we will go together." naka half laughed na saad niya habang nakataas pa ang dalawang tanda ng pagsuko niya.

Buti nga sa kanya! Hmmp.

TPAS #1: The Possessive Captain of Soccer TeamWhere stories live. Discover now