Kabanata 18

37 1 0
                                    

Napaupo ako sa kama habang pinagmamasdan ang cellphone ko na kagagaling sa tawag. Si papa iyon at sabi niya ay gusto niya raw akong makasama this week. Syempre tumanggi ako dahil may trabaho pa ako sa Thailand bukas!

Napabuntong-hininga ako ulit nang may pumapasok na namang tawag sa cellphone ko at si mama iyon.

"Ma, kararating ko po," bungad ko sa kanya.

"Alam ko anak pero hindi ako tumawag papuntahin ka dito. Kung 'di papuntahin sa papa mo."

"P-po?" Nag-uusap sila?

"Your father, hija. Chloe called me at hinahanap ka raw ng papa mo."

"Nag-uusap kayo ni tita, mama?" hindi ko na napigilang itanong.

"Not really. Her secretary called me pala. Look, hindi ako bitter sa kanila ng papa mo. I love Ryan so much. What I am trying to say is, bitter siya sa akin," mahabang paliwanag ni mama.

Natawa ako ng konti sa sinabi niya. "Tumawag na din po siya bago kayo. Kaso pupunta po ako sa Thailand."

Hindi ko pwedeng palagpasin yun. Sayang iyong grand prize kahit na imposibleng manalo ako kasi ang gaganda naman talaga ng mga kasama ko. Halos lahat ng sumali sa Shutter ay sumasali rin sa mga pageant at fashion shows na sikat ang mga designer.

"Ikaw ang bahala, anak."

Nagpaalam din si mama habang naiwan akong napapaisip. Halos iuntog ko ang sarili ko nang mapagtantong this is not me! I've been wishing to be with them with acceptance and here I am staying away from them because... napailing akong napatingin sa pinto. A pain entered my chest in an instant. Something hurtful is coming. I hate my mind!

Natulog ako saglit bago naligo at lumabas for dinner. I found Vin preparing dinner. Agad ko siyang dinaluhan sa kusina. Kumuha ako ng mga plato, kutsara, tinidor, baso, at tubig sa ref. Tahimik lang akong naupo pagkatapos habang naglalapag naman siya ng pagkain.

I can almost hear my mind shouting, "Sabihin mo na!" Natapos siya sa gingawa at naupo na sa harap ko. Umiwas ako ng tingin nang sinubukan niya akong salubungin ng kanyang mga mata. I sighed with the disappointment I am going to give him.

"Vin-"

"Let's eat first," putol niya sa sasabihin ko sana.

Tumango na lamang ako at tahimik kaming kumain. Nauna siyang natapos at pinapanood niya ako nang tumunog ang cellphone niya. He excused himself while I'm trying to finish my plate. Ako na rin ang nag-ayos sa pinagkainan namin at narinig ko pang pumasok siya sa opisina niya. Mukhang doon ko nalang siya kakausapin.

Marahan kong binuksan ang pintuan ng opisina niya at naabutan ko siyang nakayuko. Ang dalawang kamay ay nakapatong sa ulo at parang may malalim na iniisip. Sa pagkakatulala niya palang sa mesa niya.

"Hi," I greeted him.

Nag-angat siya ng tingin habang lumalapit ako para maupo sa harap niya. Inabot ko ang kamay niyang nasa mesa na pagkatapos akong makita. Hinawakan ko iyon. Halos mamula ako nang titigan ni Vin iyon. Ni hindi ko nga alam kung bakit ko iyon ginawa!

To stop the starting tension I stared at our hands. When will we last holding each other's hands? I wonder.

"Sabihin mo kung anong nasa isip mo. Hindi ko mahulaan," he started.

Nanatili akong nakatingin sa mga kamay namin. I tightened my hold as I start speaking.

"I'll back out sa pageant. Pupuntahan ko si papa. Hinahanap ako," marahan kong sabi.

"Okay," aniya nang mahinahon pero ramdam kong may pagsisisi siya sa pagsabi no'n.

"S-sigurado ka?" tanong ko ulit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 25 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

To Have You (Serez Cousins #1)Where stories live. Discover now