Kabanata 11

52 2 0
                                    

Pagkalapag namin sa Pilipinas ay hindi umiimik si Vin. Seryoso lang siyang naglalakad.

"Una na kami!"

Mabilis na nagsialisan sina Angel at nagpaalam lang sa akin. Kanina pa rin kasing babad sa cell phone si Vin. Hindi ko rin naman na siya magawang tanungin.

"Hey."Napatingin ako kay Vin na sa wakas ay tinawag ako. Inakbayan niya ako at naglakad na papunta sa sasakyan niyang pinadala niya yata,

"Are you okay?" dahan-dahan kong tanong.

Tumigil siya at hinarap ako.

"Can you smile?" he asked with a heavy breathing.

Pumungay ang mga mata niya sa pagod sa biyahe kaya naman automatic akong napangiti. Ang gwapo niya talaga.

"Now I'm better than okay." He smiled at me and I can't help but to smile too.

"Kumusta sila?" tanong ko sa kanya pagkapawi ko sa ngiti ko.

Itinuloy naman niya ang akbay niya sa akin habang naglalakad kami. Napapatanong tuloy ako kung hindi ba siya naliliitan sa akin. Hanggang baba niya lang kasi ako.

"How are they?" nag-aalala kong tanong ulit.

"They are fine. Nasa Laguna na sila. Rommel is with them."

"B-bakit pinagbabaril yung bahay niyo?" tanong ko, medyo kinakabahan.

I don't know but I felt like there is a big part of Vin that I still don't know.

"I don't know. I have my men and made it to the investigation. Baka iyon ang aasikasuhin ko."

Magsasalita sana ako kaso narinig ko ang pangalan ko sa malapit.

"Welcome home, Neena!"

Gulat na gulat ako kina mama, Tito Ryan, Aldrin, at Ana na nasa harap ng SUV na itim. Kumakaway si mama at si Ana naman ay napaghalataan ko ng gulat sa mukha nang makita ang kasama ko. Si mama iyong bumati sa akin.

"Your mom," sabi ni Vin habang inaakay ako palapit sa kanila.

"Hi mama! Uh... ah... Mr. Serez, my boss," pagpapakilala ko kay Vin na tinaasan ako ng kilay.

Wag mo sabihing gusto niyang sabihin ko na manliilgaw ko siya! Nagpakilala din sina mama at si Vin ay kalmadong nakikipag-usap pa sa kanila. Ana remained her eyes with Vin with shock. That's weird.

"We learned that she will go home today so we planned to pick her up. Uuwi muna sa amin," sabi ni mama kaya naman nanlaki iyong mga mata ko.

I mean, alam ko naman na pupuntahan ko sila sa bahay nila but I didn't expect for this! Napatingin sa akin si Vin at tumango. Paano siya? He has his problems, right?

"Sige ma, ihahatid ko lang si... Sir Vin."

Pumayag  naman si mama. nakita kong pumasok na si Aldrin sa sasakyan at sumunod din ang iba. I'm just bothered with Ana's looks with her eyes though.

"Hey, will you be okay?" tanong ko.

Paano kung sa condo naman iyong rondahin ng mga namaril? I wasn't able to ask him that though. Pero naiisip ko palang ay takot na takot na ako para kay Vin. Kung hindi ko lang  alam ang tinutuluyan niya na maganda naman ay baka palipatin ko pa siya.

"Yes. Ite-text nalang kita."

Tinanguan ko siya.

"Reply," pahabol pa niya bago ako tumalikod.

I took a deep breath as I approach the SUV. I will pray hard today for Vin. Sana, hindi na masundan ang pamamaril sa pamilya nila. Isa pa, mukhang may gusto pa siyang sabihin sa akin.

"Where do you want to eat?" tanong ni mama na nasa tabi ko.

Maliban kay tito at Aldrin na nag-uusap sa front seat ay wala ng umiimik. Si Ana ay nasa likod namin ni mama, mag-isa.

"Kahit saan nalang po," marahan kong sagot.

Mas lumapit sa akin si mama at hinawakan ako sa braso.

"Take your time, anak."

Napapikit ako sa sinabi niya. Oo nga naman at mahirap sa akin ito. It is even so awkward talking to her. What more to her family? We arrived at a fancy restaurant. Si tito Ryan din ang pumili sa huli. It is almost lunch at inaantok pa ako. Pagkaupo namin sa isang VIP family table ay naramdaman kong may nagti-text. Agad ko iyong binuksan at nakitang si Vin iyon.

Vin: The house will look and sound sad tonight.

I blushed at his text. Kainis naman!

Ako: Heh! Take care.

I kept my phone because I heard mama talking to me and I am treating it like she is talking to me inaudibly.

"Are you okay?" tanong ni Aldrin nang makita akong magalaw sa upuan ko.

"Ayos lang," sagot ko at tinignan si mama na tinuloy na ang pagsasalita.

"As I was saying, we're sorry for the sudden drag with you. Excited lang talaga kaming makasama ka, anak."

I was so silent. Ang lakas ng pintig ng puso ko tuwing binabanggit ni mama ang salitang 'anak'. Pero hindi niya lang iyon binabanggit, tinatawag niya sa akin iyon. Pinagmasdan ko si tito Ryan na tinanguan ako at ngumiti. Ganun din naman ang sagot ni Aldrin nang siya ang dapuan ko ng tingin.

"What?" mataray na sagot ni Ana nang lumapag na ang tingin ko sa kanya.

I heard Aldrin groan. "Ana," awat nito sa kapatid.

Aldrin and Ana are three years older than me. Kaya naman kahit anong pagka-ayaw ko noon kay Ana ay hinahayaan ko lang siyang hingin sa akin ang mga pera na binibigay ni mama maliban sa nagrerebelde ako sa pamamagitan ng hindi paggamit doon.

"Three days lang naman. Would that be okay to you, Neena?" tanong ni tito Ryan.

"Ayos lang naman po."

"Dad, may tinatrabaho yata siya," ani ni Aldrin.

He looks so a 'kuya figure' to me. Simula noong ipakilala ako ni mama sa kanya bilang half-sister niya ay hindi ko kailanman naramdaman na ayaw niya sa akin. Isa pa, siya ang madalas na nakikipagusap sa akin kapag nasisigawan ako nina mama at nasusungitan ni Ana noon.

"Oo nga pala, Carl Vin Serez, hija?" I felt Ana shifted on her seat in front of me.

"Opo," sagot ko kay tito Ryan, ngumiti naman si mama.

"Kilala mo na ba si Al Myra? Iyong mama niya?"

"That's a nice family," makahulugang sabi ni Aldrin.

Napatingin si Ana sa kanya at kinunutan ito ng noo.

"Andito na ang pagkain. Kumain na muna tayo," awat ni tito sa dalawang nagkakainisan na yata.

Nanatili naman akong tahimik. Nasa kabisera si tito at nasa right side ko si mama. While on the other side, the twins. They are talking a lot but mostly about business.

So far, parang hindi rin nag-iba ang pakikitungo ni tito Ryan sa akin. It's just Ana. Dapat ay kausapin ko din siya mamaya. Galit pa rin kaya siya? I didn't actually hate her back then. She's just bitching out because her family is imperfect because of me and I understand that.

Hindi ko naman maide-deny na nagustuhan ko ang nangyaring pagtanggap na sa akin nina mama at papa, pati na rin ang mga pamilya nila. Pangarap ko ito, e. Yung may pamilyang kasama.

We left the restaurant right after we eat. And here I am, with the Manzano family.

"Mukhang pagod si Neena, mama," puna ni Aldrin habang tumitingin ako sa buong bahay.

Ramdam ko din naman na inaantok na rin ako pero nakakahiya namang magdemand. Mabuti at napansin ni Aldrin.

"Ana, lead her to her room."

Naupo si tito sa sofa na sinundan ni mama. nakatayo lang din naman si Aldrin sa tabi ko at hawak iyong mga gamit ko. I heard Ana heave a heavy sigh. I hope we can talk now.

"Manang, pakisunod mamaya itong mga gamit ni Neena," rinig ko pang utos ni Alrdrin sa isang katulong na nasa gilid at nagpupunas.

"Tara na," tawag ni Ana sa akin pero nagsisismula nang maglakad papunta sa ikalawang palapag ng bahay nila.

I saw mama smiled at me before I followed her.

"I told you she's just..." iyon ang huling narinig ko na sinabi ni tito Ryan mula sa living room.

Tahimik akong sumusunod kay Ana. I busied myself looking at the hanged pictures all over the walls of the hallway.

"So, how do you feel being welcomed in the family?" Ana asked me suddenly.

Napapatigil kami sa mini living room ng ikalawang palapag ng bahay nila at dumiretso sa isang bukas na pintuan na veranda. Hinarap niya ako habang nakasandal siya sa may railings.

"Masaya," I answered honestly. Kahit na hindi ako sigurado kung nagtataray siya o ano.

Tumaas agad ang kilay niya kaya naman nataranta ako para sana bawiin o dagdagan iyong sinabi ko. That might've sounded annoying on her part. Kahit gusto ko siyang sumabatan sa pang-aasar niya sa akin noon ay hindi ko magawa.

"Wag ka ngang kinakabahan, little sister," masungti niyang sabi pero may pinigilan na akong ngiti dahil doon.

Little sister, can I assume something now? That sounds like a family! Ang sarap sa pakiramdam.

"Paano kung may kapatid kayo na iba? Iyong hindi si papa niyo ang ama pero ako ang ina?" I looked at her. "That is mama's question. Maliit pa ako noon. I answered it would still be great!" She laughed as her gaze went to me.

"Years passed, I... I don't know, that day came we were introduced. I'm not mad knowing about you. Pero noong sinabi ni mama na magsisinungaling muna kami kay papa, doon ako nagalit."

Napayuko ako sa sinabi niya. Any other chance, kung sa ibang tao ito nangyari o sa ibang pamilya ako nadala... pakiramdam ko walang makakatanggap talaga. I cried for this for years, I hoped for a family for years.

I am this kid who cried during programs at school where you need a family or a parent. Ako itong nag-iisang nanonood sa park ng mga masayang pamilya. That happened when I was a kid. Nang lumipat ako sa condo, I pursued to endure everything.

Pero wala, some nights I still feel empty and incomplete. Mabuti at may mga kaibigan ako. My little hope was them. They treated me as their family, loved me like I'm their family.

"I'm sorry Neena for bitching out. Pero kasi..." nahimigan ko ang lungkot sa boses niya.

Alam ko, maganda at masaya iyong buhay nila habang wala ako. Perpekto.

"I'm sorry," nakapagsalita ako sa wakas. "Minsan naiisip ko din namang sana nga wala ako. Pero hindi iyon ang nangyari. And I accepted that."

May luhang pumatak sa mga mata ko kaya napatalikod ako ng onti at pinunasan iyon bago nagpatuloy.

"Hindi iyong may masisira akong pamilya pero yung sitwasyon na mag-isa talaga ako. That I don't have my family."

Tinignan ko si Ana na nakatingin lang sa akin. I didn't literally hate her back then. Ayoko lang sa kanya kasi parang ipinapamukha niya sa akin na hindi ako belong sa pamilya nila. Na mag-isa lang ako. I truly understand her part that she hates me. Hindi ko lang talaga mapigilang  malungkot o damdamin iyon.

Nagulat ako nang abutan niya ako ng tissue.

"Well, it's done." She sighed as I try to wipe my tears.

"You won't be alone now, Neena."

Natigilan ako sa sinabi niya at agad na napatingin sa kanya. Nakita ko ang ngiti sa labi niya.

"If you need anything, call your ate Ana. Kung may mang-aaway sa'yo tawagan mo ako. Ako lang ang aaway sa'yo," seryoso niyang sabi bago ako tinalikuran at mukhang aalis na pero pinigilan ko siya.

"A-Ate..." I trailed off and bit my lower lip.

She turned to me with her brows shot up.

"Saan yung ano... kwarto ko?" tanong ko kasi inaantok na talaga ako. Sana nga hindi ako tulog sa oras na ito at panaginip lang ang lahat ng sayang nararamdaman ko.

"Oh my gosh! Sorry."

Napangiti ako sa lahat ng napag-usapan namin. Sinusundan ko siya hanggang sa kwarto na sinasabi niya at nandun na ang maleta ko.

"Salamat ng marami," usal ko bago siya tumalikod.

She continued to leave though. Pero ayos na yun. I blinked as fast as I shut the door, hindi nga ako nananginip! Nangilid ang luha ko at masaya ko  iyong pinunasan.

Maganda ang kwarto na pinagdalhan sa akin ni Ana. Kulay pink at white ito. May bathroom, closet, at malaking bintana. This doesn't look like a guest room. Assuming na kung assuming! Masaya ako e!

Sa sobrang saya at pagod ko ay nagkaroon ako ng mahimbing na tulog. Nagising ako mga bandang alas singko na ng hapon at papadilim na ang langit mula sa malaki kong bintana. Tumayos ako roon at nakita ko sa garden na nandun sina mama at tito Ryan, nag-uusap.

Ang saya. Nagising akong totoo ito. Napalingon ako sa side table ko nang marinig ko ang cellphone ko.

"Hello," maligaya kong sagot sa tawag ni Vin.

"Did you sleep?" tanong niya na halata sa boses niya na kagigising niya rin.

"Oo, kakagising ko nga lang e."

Nanatili ang katahimikan. I heard him sigh. "I miss you," malambing niyang sabi kaya naman napangiti ako ng tahimik.

"Ang bilis naman," hindi ko maiwasang sabihin ang una kong naisip.

"I like you a lot so what do you expect me to feel when you're away, huh?"

Narinig ko ang pagbangon niya yata at rinig ko na rin ang mga yapak niyang naglalakad. Kahit hindi ko siya nakikita ay nangingiti pa rin ako.

"Hindi na lang like yan, naku! Malalagot ka sa akin kapag lumagpas ka na diyan," biro ko.

I'm not comfortable of him being in love with me that fast. Well, I don't know yet but I really like him. Pinipigilan ko noong matuluyan ako. Noong mga panahong alam kong wala siyang gusto sa akin. At ngayon, gusto niya na raw ako. That's still unbelievable to me!

Napabalik ako sa tawag nang marinig ang halakhak niya. Damn, I surely miss him at sigurado akong konti nalang talaga ay mahuhulog na ako ng tuluyan. Halakhak at mga ngiti niya palang e.

"Lagot na nga," he said seriously that made me stop thinking.

"Vin..." tanging nasabi ko.

He is indirectly saying it and I can't believe it! What the heck?  Carl Vin Serez is in love with me?! I might go crazy.

"Mag-uusap tayo pagbalik mo dito. I want it official with you," he said huskily that made me tremble.

Lagot din yata ako sa sarili ko.

Natapos din ang tawag niya dahil kailangan niya na daw magtrabaho sa opisina niya sa condo. Nalungkot tuloy ako. Pero ayos lang, magkikita naman kami in three days. And that would be the best day, I am expecting that. If he will ask me I know the answer is with me.

Pagkatapos kong maligo at nag-ayos ay bumaba na ako for dinner. Sa garden kami nag-dinner with the lights and pool. Inaaya nga ako ni Ana na maligo kaso wala akong dalang damit para doon.

"Meron akong hindi pa nagagamit doon!" masungit niyang sabi.

"Hayaan mo nga, Ana. Now you're nosy," angil ni Aldrin sa kakambal.

Nagtatalo silang dalawa kaya napatingin ako kina mama at tito Ryan na kumakain lang ng macaroni. I smiled how tito Ryan look at my mother. He is so in love and his love forgives my mother. Nang mapansin nila akong nakatingin ay sabay silang ngumiti sa akin.

I smiled back. Is there anything else to make my life perfect? Kasi kung ako ang tatanungin sa ngayon, masaya naman na ako. Masayang masaya.

Hindi rin namin pinag-usapan pa ang huling mga eksena sa buhay ko at sa hindi magandang trato sa akin ni mama dahil ayaw ko na siyang sisihin. What matters now is what I have right now. Tanggap nila ako, ayos na iyon.

"It's already eight thirty!" rinig ko ang pagtatalo ng dalawa na nasa gilid ng pool.

Nakalubog ang mga paa ni Ana sa pool at nakapameywang na nakatayo sa gilid niya si Aldrin, kuya Aldrin. I called him that earlier at sinabi niyang hinintay niya rin daw na tawagin ko siyang kuya.

"Come on. Ever heard of night swimming?" masungit na tanong nit okay Aldrin. "Ay, oo pala. Mas gusto mo iyong mga files at problema sa kumpanya kaysa sa mga ganito. You sound old!" Tumawa si Ana.

"I'm not," tanggi ng isa.

Dahan dahan naman akong umupo sa gilid ng pool at ginaya si Ana habang pinapanood sila kung saan man sila dalhin ng sumabatan nila na nagsimula lang naman sa pagligo sana namin sa pool.

"Oo nga, mukhang asawa at anak mo na iyong mga blueprint doon sa work mo," tunog iritadong sabi ni Ana.

He is an Engineer. Ganun din si tito Ryan. They have MZ Inc. while Ana helps mom with the clothing line.

"There, you miss me! Ikaw talaga," natatawang sabi ni Aldrin sabay gulo sa buhok ni Ana.

Nagbibiruan sila at napapangiti lang ako sa gilid. Maya maya pa ay nagdesisyon si Aldrin na ipagpapaliban daw ang trabaho at aalis kami kinabukasan para magbakasyon sa Cebu. Masaya naman ang bakasyon na iyon. They didn't make me feel like I'm out of the picture.

Napansin ko rin ang tunay na ugali ni Ana na masungit talaga at mataray lalo na noong may lumapit sa amin sa may resort na pinagstay'an namin. Nakabikini kami at may umeksenang lalaki. To the rescue naman ang kakambal niyang pinanood lang naman si Ana na i-turn down ang lalaki.

"Ang pangit naman, ikaw pa popormahan!" angil niya nang makaalis ang lalaki.

We had a perfect dinner near the beach at night. Kinaumagahan ay umuwi na kami. Overall, three days with them was fun. Ayaw nga nila akong paalisin pero sinabi ko babalik ako kapag tapos na sa trabaho. Tito Ryan even wants me to watch out for my school for me to go back.

Nagpasalamat ako doon. Hinatid lang naman ako ng kambal sa isang coffee shop dahil naroon ang mga kaibigan ko.

"Taray! Mabait na ang demonyita mong kapatid, a?" sabi ni Jemimah dahil sinamahan pa ako ni Ana papasok.

"Mabait naman talaga," sagot ko.

"Hindi, mabait ka lang talaga!" si Angel.

"Okay!" natutuwa kong sabi.

Muntik akong maiyak nang yakapin nila akong lahat.

"We are so happy for you!" sabi ni Shiela.

"At dahil diyan, labas tayo mamaya!" bulalas ni Jemimah.

"Ikaw talaga Jemimah, kapag namarkahan ka sa bar, naku! Itatakwil ka namin," pangaral ni Vanesa na tinawanan lang naman ng kaibigan namin.

Nag-order kami ng makakain at nagsimulang mag-usap.

"Pero mas masaya talaga kung..." binitin ni Kath ang sasabihin niya. She then moved her eyebrows excitedly.

"Si Vin!" sigaw ni Vanesa at nakatingin pa sa likod ko. Lumingon ako at nagtawanan sila.

"Uy!" tukso nilang lahat.

Habang umiilag ako sa panunukso nila ay nag-vibrate iyong cellphone ko. Palihim ko iyong tinignan at nakitang si Vin iyon. Dapat palihim. Baka kasi mabunyag sa buong mundo kaagad ang meron sa amin ni Vin kapag alam ng mga walking megaphone kong kaibigan.

Vin:
What's taking you so long?

Napangiti ako at natunugan ang malungkot niyang tinig at mukha sa isipan ko. Hindi ko rin siya masyadong nakaka-text at tawag noong kasama ko sina mama. Okay lang naman at tingin ko ay busy siya sa trabaho. Hindi ko siya nireplyan at nagpasyang supresahin nalang sa condo niya.

Ganun nga ang nangyari. Pagkatapos ko makasama ang mga kaibigan ay nag-grocery muna ako bago umuwi sa kanya. Shit! That sounds like I'm willing to be in love with him too.

Ngingiti ngiti akong lumabas sa elevator pero laking gulat ko nang nasa harap na ako ng pintuan ng condo ni Vin. Nakadikit ang papel sa may doorknob at hindi masyadong mapapansin kapag napadaan ka lang doon.

Nanginginig akong kumuha non at pumasok kaagad sa condo na wala namang tao. Wala namang makakapasok dito. Napaupo ako sa sofa habang binabasa ang note na nakuha ko.

Simple lang iyon pero nakakakilabot.

"Someone's next for the last bullet," basa ko sa mensahe ng papel.

________
This story is updated with advance chapters on Storyon, Finovel, and Novelah app.

To Have You (Serez Cousins #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz