Pinunasan ko ang luha ko gamit ang madumi kong damit.
It's very unclear.
"Alum. Alum gising!" Kalabit ko sa nakatihayang dagang himbing na himbing sa pagtulog.
He indistinctly babbled saka inis tumalikod saakin.
"May nakita ako sa panaginip ko."
"Ano naman? Ang aga pa Samara." Sabi niya na halatang wala pang balak na gumising.
"Feeling ko isang alaala yung napanaginipan ko."
"Ano? Alaala? Bakit nagka-amnesia ka ba?" Inis paring sabi niya, pero dahil alam kong may pagka-chismoso tong dagang to alam kong di niya palalampasin yung ikukwento ko.
"Hindi ganun. Ang ibig kong sabihin, feeling ko alaala ng kung sinuman yung napanaginipan ko. Hindi ko alam, pero malakas ang kutob ko eh." Naguguluhang paliwanag ko.
Umupo siya. Saglit niyang kinusot yung mata niya saka siya walang ganang tumingin saakin. "Ano ba yang napanaginipan mo, aber?"
Huminga ako ng malalim and I told him everything.
"Tapos?"
"Yun lang."
"Yun lang? Ano namang meron dun?"
"Ang wierd di'ba?" Sabi ko saka awkward na tumawa.
"Wierd?" He cleared his throat. "Nakakapagpalabas ka ng malakas na energy sa kamay mo, tapos may alaga kang daga na nakakausap mo." He snorted as he looked at me. "Maniwala ka saakin, Samara. That's less wierder than you already are."
Ipagdukdukan ba ang sobrang pagkawierd ko.
"Hindi mo naiintindihan Alum. I-it has something special... I mean... I dunno. I felt really close or maybe nostalgia..." I continued to explain pero mukhang wala na siyang balak makinig pa.
Naglakad siya palayo saakin saka nag unat-unat.
I really felt something about that dream. I can't explain it. Pero alam niyo na. May kirot eh.
Nu daw?
I don't know. I'm confused and sad at the same time.
Napayuko tuloy ako.
I sighed loudly.
"Naguguluhan ako, Alum." Malungkot na sabi ko saka muling tumingin sakaniya.
Natigilan siya saka humarap saakin. "Okay! Gusto mong malinawan diba? Gusto ko ring malinawan, Samara." Ngumisi siya. "At alam mo ba kung ano ang una nating dapat gawin? Ang makalabas dito, para masagot lahat ng tanong natin."
Alum naman.
"Alum, pag-aawayan nanaman ba natin to?"
"Kung magpapaka duwag at bulag ka, lagi ka lang makakawawa." Tumataas nanaman ang boses niya.
"Naiintindihan ko, Alum. Nababagot ka lang. Huwag kang mag-alala mamaya lang wala na tung sumpang to!"
"Buti sana, Samara kung yun lang eh!" Napasigaw na siya. "Hindi mo ba napapansin? Imbis na ayusin o tanggalin nila yang special ability mo, pinag-aaralan ka nila, pinaglalaruan. At hinahayaan mo lang sila. This is not just for me, but for us. Sabi mo makakaalis din tayo dito?"
"Oo, pero hindi ngayon." Nataasan ko ng boses si Alum ng hindi ko sinasadya.
Nabakas sa mukha niya ang gulat.
YOU ARE READING
Wiz'nth University
FantasyMaganda to pramis! Basahin mo na for clear skin! ~~~ Wiz'nth University is a prominent school and institution in Echt, the world of magic. Found in the heart of a country known for it's conventional magical artistry, The Great Kingdom of Czechteoun...
CHAPTER 1
Start from the beginning
