Chapter 8 - Belle trapped in the castle

43.3K 1.2K 110
                                    

Beauty

"Who are you?"

Agad akong napaharap sa may-ari ng boses. Nagulat ako ng ang bastos na COO ng Falcon Shipping ang kaharap ko. Maski ito ay napakunot-noo din ng makita ako. Kung minamalas ka nga naman,oo.

"Hi again." i awkwardly said.

"Are you fvking stalking me?" tanong nito. Hindi pa man ako nakakasagot ay kinalakadkad na niya ako papasok sa bahay nito.

"Aray!" daing ko dahil ang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko. "teka naman. magpapaliwanag ako. Ano ba!"

Binitawan niya ako nang maipasok na niya ako. Iginala ko agad ang paningin ko sa kabuuan ng bahay niya. Habang hinihimas ko ang aking braso. Ang laki ng sala niya. Black and white ang tema. Pero kakaunti lang ang gamit. Hindi mo rin agad makikita ang kusina dahil natatakpan ito ng french doors. Yung front door naman ay katapat ng hagdanan. Kung kanina ay medyo madilim pa dito ngayon naman ay sobrang liwanag na.

"Hindi ako stalker noh!" depensa ko. Nakahalukipkip ito at masama ang tingin sa akin.

"Then what are you doing in my house, crazy woman?"

"Kasi ganito iyon---aray! Aray ang kati!" napapaigik ako dahil parang may langgam na naman ata na kumakagat sa likod ko.

"What?" tanong nito.

Hindi ako sumagot dahil busy ako sa pagkamot sa likod ko. Pero mukhang ito natatanggal ang kati. Kaya inilihis ko paitaas ang t-shirt ko.

"Wait. WHAT ARE YOU DOING!?" umalingangaw sa buong kabahayan ang mala-eskandalong sigaw niya.

Napangiwi ako. "Ang kati nga ng likod ko." sagot ko habang naghahanap ng dead wall dito sa bahay niya. Agad akong napatakbo palapit ng may makita ako. Ikiniskis ko ang likod ko doon.

Lumapit ito sa akin. "Crazy woman! Are you even aware that you're almost half naked in front of a man." pulang-pula ang buong mukha nito.

Tinignan ko ang itsura ko at tama nga siya.Kita na ang bra ko.

"Wala akong pakialam. Bahala kang tigasan diyan!"

Ginulo-gulo nito ang buhok niya na para bang sobrang problemado niya.

Nakakainis. Ang kati pa rin talaga. Hindi effective ang dingding ng bahay nito. Masyado kasing plantsado.

Lumapit ako dito.

"Wha-what?" tanong nito.

Tumalikod ako sa harap niya. Exposing my bare back at him.

"Pakikamot nga,please?" pakiusap ko.

'WHAT!??"

Napapikit ako sa sigaw niya.

"Puro ka what ng what diyan. Kamutin mo na kaya at nang matapos na. Ang dami mong arte!" naiiritang sabi ko.

"Inuutusan mo ba ako?" iritang tanong nito.

"Obvious ba?" umatras pa ako para idikit ang likod ko sa kanya.

"You're unbelievable!" Naramdaman ako ang pagkakadikit ng balat niya sa likod ko. Sinimulan na nitong kamutin.

Naginhawaan ako nang makamot niya ang parteng makati. "Ayan nga -- ahhh!"

"Stop moaning." he hissed.

"Eh sa masarap. Ahhh. Idiin mo pa!" napapaliyad ang likod ko sa sobrang sarap ng pakiramdam habang kinakamot niya ang likod ko.

Napatigil lang ito sa ginagawa ng may sumigaw sa bandang likuran namin.

"KUYAAAA!!!"

Nabasag ata eardrums ko sa sobrang tinis ng boses nung babaeng sumigaw. Nakakatakot. Agad kong ibinaba ang t-shirt ko at nagtago sa may likuran ni Mr. COO. Nakaharap ang lalaki sa babaeng sumigaw. Nakasilip lang ako sa may gilid niya.

Blackmailing the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon