Chapter 23 - Mistakenly Belle

9.1K 395 51
                                    

Beauty

"Oscar, nasaan si Hunter?"

Kausap ko ngayon si Oscar sa cellphone dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang numero ng boyfriend ko. Medyo kakaiba kasi ang relasyon namin. Kami lang yung mag-jowa na hindi friends sa facebook, hindi followers ang isa't isa sa instagram, hindi textmate at higit sa lahat hindi nagtatawagan. Dinaig pa namin yung mga mag-jowa noong Martial Law. 

"Ah, Ma'am busy po kasi si Sir," bulong nito.

"Bakit ka bumubulong? Siguro may ginagawang kababalaghan yang Boss mo."

"Naku, Ma'am wala! Nasa monthly meeting po kami ni Sir."

Kaya pala parang may mga naguusap-usap sa kabilang linya.

"Ay hehe. Sige... Sige pwede ka nang --"

"Beauty, stop bothering my EA," sabat ni Hunter.

Napahagikgik ako. "Hi Baby! Sige tuloy niyo lang yan. Ok, bye."

Ako na nagpatay ng tawag baka mabulyawan ako. Pero at least naka-usap ko siya. Nakangiti akong nagbabasa ng libro. Oo, studious ako ngayon dahil may inspirasyon ako. Gusto ko na ngang basahin lahat ng libro dito sa library kung kakayanin ko lang naman.

I was humming. Wala nang makakasira pa sa araw ko ngayon.

"Hello, mia bella," swabeng wika ng nasa harapan ko. "Oh anong nangyari diyan sa mukha mo?"

I exhaled. Umupo siya sa tabi ko kaya nakasimangot na hinarap ko siya.

"Nahulog ako sa hagdanan. Bilisan na natin tapusin ito dahil uwing-uwi na ako. May laptop ka di ba?"

"Meron. Ang tanga naman nung hagdanan." Hinila ko ang tainga niya. Natatawang nilabas nito ang laptop mula sa kanyang backpack. "Bakit ka ba nagmamadali eh wala naman tayong klase. At tsaka ginamot mo na ba yang sugat mo?"

"OO may gamot na ito. Iyon na nga eh. Natutulog pa sana ako hanggang ngayon."

"Akala ko ba gusto mo ng mataas na grado?"

"Kung-sabagay, minsan tama ka. Kung gusto mo ako na lang magsasalita sa mismong presentation tapos ikaw na lang gumawa ng powerpoint."

Binuksan niya ang laptop niya.

"Weh, anu ka? Gusto ko rin magsalita ah."

I clicked my tongue out of irritation. "Eh nag-volunteer na nga ako. Ako na lang magsasalita madami akong gustong sabihin. Nabasa ko na yung chapter."

"Iyon na nga masyado kang madaldal, may time limit ang presentation natin."

"Eh madaldal ka rin naman!" I hissed.

Sinensyasan kami nung librarian na tumahimik.

"Pagtatalunan talaga natin ito?" tanong niya.

"Ikaw kasi. Ang dali na nga ng gagawin mo yung mas mahirap pa ang gusto mo? May sira na ata utak mo!"

"Tinatamad nga ako gumawa ng powerpoint. Mas madali magsalita."

"Ako din eh."

Humalukipkip ako pero napaupo ako ng maayos nang may maisip. 

"Jack en poy na lang para fair," hamon ko.

"Sige ba. One time lang."

"Bato, bato pick!"sabay naming chant.

Papel ang sa kanya, sa akin naman ay gunting.

"YES!" hiyaw ko, sabay tayo. Yung mga tao saba'y sabay na nag-shhh sa akin. Nag-peace sign lang ako sa kanila bago umupo.

Blackmailing the BeastWo Geschichten leben. Entdecke jetzt