Chapter 7 - Belle found the castle

41.9K 1K 44
                                    

Beauty

"Saan ang punta mo?" tanong ni Beth sa akin. Papalabas kasi ako ng bahay. Liningon ko siya. Abala ito sa pagsuot ng sapatos dahil papasok ito sa trabaho.

"Rizal. Kukunin ko lang yung mga naiwan kong mga gamit sa bahay." sagot ko. Nagulat ako ng inihagis niya yung isang sapatos niya sa akin. Buti na lang nakailag ako.

"Di ba sinabi ko sa'yo na puro problema lang ang dala ng witch na iyon. Tapos babalik ka pa doon?"

I just rolled my eyes. OA talaga ng babaeng 'to.

"Kukunin ko lang yung mga naiwang gamit ko doon. Tapos yung kwintas na bigay sa akin ni mama nandoon din."sagot ko habang inaayos ang buhok kong nakalimutan ko pa pa lang suklayin. Nakalimutan ko na rin ata kung paano ang magsuklay.

"At tsaka ano ba yang suot mo? Didiretso ka bang mamamalimos sa daan? Mukhang effective ha!" sabay tingin sa akin mula paa hanggang ulo. Inirapan ko nga.

Nakasuot kasi ako ng butas-butas na pantalon. As in madaming na itong butas dahil ito ang lagi kong sinusuot. Tapos T-shirt na itim at kupas na rin na rubber shoes.

"Wala kang pakialam. At least nadadaan ko sa ganda ang kahihiyan ko." pagmamalaki.

"Conceited."

"Alis na ako. Beth-tililing," pang-aaasar ko at kumaripas na ako ng takbo palabas. Baka buong katawan na niya ang ihagis sa akin.

***

"Pssst!" tawag ko sa lalaking tambay sa harapan ng bahay namin. Nagtatago kasi ako dito sa may halamanan sa gilid ng bahay namin. Humahanap pa ako ng bwelo.

At magtatawag na rin ako sa lahat ng Santo dahil tiyak na sementeryo ang diretso ko sa sobrang galit ng madrasta ko.

Tumayo ang lalaki pero hindi pa rin niya ako naririnig. Naglakad ito papunta sa direksyon ko. Nang tumapat ito sa akin ay hinila ko ito sa kinatatayuan ko. Tumama naman ito sa sementadong bakod namin.

Nagsisigaw ito. "HELP! HELP! RAPE!.." napangiwi ako sabay takip sa bunganga niya.

"Pwede ba tumahimik ka."

Tumango ito.

"Beauty?" gulat na sigaw nito.

"Kung makasigaw para kang bakla."

"Malay ko bang isa sa mga naghahabol sa akin ang humila sa akin." pagmamalaki niya.

Binatukan ko ito. "Ulol. Maski utot ko iiwasan ka."

"Ang hard mo talaga sa akin. Parang hindi tayo magkakababata. Siguro may lihim kang pagtingin sa akin kaya ka ganyan. Kunwari galit pero deep inside dead na dead na pala sa akin. Aminin mo na. Hindi ako magagalit." kumindat pa.

"Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo. Hindi tayo talo. Kumbaga, ilong ako -- kulangot ka. Gets mo?" May itsura naman itong si Jepoy at may matinong trabaho. Kaya lang wala hanggang kapatid lang turing ko dito.

Napalabi ito. "Saan ka pala nagpunta? At tsaka hindi na kita madalas nakikita dito."

"Sa tabi-tabi. Nakita mo ba si Tiya Marga?"

"Ah. Umalis may mga kasama siyang lalaki."

"Lalaki? Sino?"

"Hindi ko kilala. Mga mukhang gangster. Alam mo ba palaging lasing yang madrasta mo. Hinahanap ka nga sa akin nung isang araw. Akala niya tinatago kita."

Tumango-tango ako. Buti na lang wala siya ngayon. Pero sino kaya yung mga lalaki na kasama niya?

"Oh sige. Huwag mong sasabihin kahit kanino na nakita mo ako. Alis na!"

Blackmailing the BeastWhere stories live. Discover now