Chapter 3 - Belle is hired

47.9K 1K 59
                                    

Beauty

Pagkalapit ko sa building ay napatanga ako...

Hindi nga ako nagkamali sa "when one door closes,another opens' as in literally.

Napatampal ako sa noo ko... eh ang daming pintuan ng building na ito. At puro bukas pa. Kakaiba din ang pagkakagawa.

Nakita kong wala na yung mga tao na nakapila lang kanina. Tae..asan na yung mga yun? Imahinasyon ko lang ba yung mga tao dito kanina?

Nilapitan ko yung guard sa isa sa mga pintuan para magtanong."Manong guard...anong meron?" tanong ko sabay nguso ko sa mga pintuan na bukas. Parang nakikipagtsismisan lang akong nagtatanong. Mukhang mabait naman si koya eh.

"Dumating kasi yung Presidente nitong kumpanya." paliwanag niya. Tumango-tango naman ako na parang interesado.Pero sa totoo lang bumubwelo lang ako.

"Ahem..kuya anong meron sa mahabang pila kanina dito?" nakangiting tanong ko.

"Ah..yun, nagpasa lang yun ng mga resume kaya sila nawala agad..magpapasa lang naman,"sagot niya. Ayos!

"Saan ba pwedeng magpasa koya?" tanong ko. Bahala na..kahit anong trabaho pa yan..at least trabaho pa din yun.

"Duon sa front desk.."sagot niya sabay turo sa loob. Nagmamadaling pumasok naman ako. Pinasulat lang niya ako sa log book niya.

"Hi. Goodmorning. Pwede pa bang magpasa ng resume?" tanong ko sa isang staff duon.

"Yes,"tipid na sagot nung babae.

"Ah eto oh..salamat hah?"sabay bigay sa kanya ng resume ko. Tumango naman siya. Aalis na dapat ako nang may naalala akong itanong. "When can I expect a call?" tanong ko ulit.

"Within this week." nakangiting sagot niya

"Ah okay salamat,"sabi ko at naglakad na palabas ng building.

Sumaludo pa ako sa guard bago ako tuluyang naglakad palayo sa building na iyon.

***Beth's House

Kasalukuyan kaming nanunuod ng The Notebook ni Beth habang may popcorn sa kandungan ko. Pasado alas-dyes na siguro ng gabi at pareho kaming hindi makatulog.

"So hows the job hunting?" biglang tanong ni Beth..nasa boring part palang kasi kami ng movie kaya nagkwekwentuhan muna kami.

Humarap ako sa kanya ng may ngiti sa mga labi ko. Inilapag ko muna sa mesa yung popcorn na nasa kandungan ko. Hinawakan ko siya sa balikat at niyugyog.

"I feel good about this Beth..mukhang magkakaroon na ako nang matinong trabaho...baka maging executive pa ako dun kapag napromote ako."i said...

Tinapik naman niya ang mga kamay kong nakahawak sa balikat kaya napabitaw ako. Masakit kaya. "haiysst..tigilan mo nga ako sa kabaliwan mo.Huwag kang ilusyonada," pang-aasar niya sa akin. Inirapan ko naman siya.

"tse..I Dream High nan kkumeul kkujyo lalalla .." kanta ko..one of my motivational songs yun. Idol ko kasi si Suzy..

Nagtakip naman ito ng mga tainga niya. Pinagtatawanan ko siya kasi ayaw niya sa mga kpop songs.

Mukhang naaasar na ito kaya itinigil ko na.

"So anong kumpanya ba yan?" burious na tanong niya sabay scoop niya ng hawak niyang ice cream.

Natigilan ako sa tanong niya. Pat-tay!

"Oh ano..natigilan ka na diyan?" tanong ulit niya.

Nanlalaki ang mga matang hinarap ko siya...

Blackmailing the BeastWhere stories live. Discover now