16 - The Dead Man's Journal

Start from the beginning
                                    

"Pagtatalunan niyo pa ba talaga 'yan?" naniningkit ang mga matang tanong ni Arkin.



"Tapos na, ginawa na natin," dugtong ni Cholo. "Naiinis din ako. Tumulong akong gawin 'yon habang suot 'tong uniform ko. Pero may mangyayari ba kung uupo lang tayo dito para magsisi?"



"Let's just find Ally and Noah so we could plan our escape," sabi naman ni Paul. Tutol man sa mga nangyari, tanggap niya ding hindi niya na iyon mababago pa.



"S-Sandali." Nakayukong itinaas ni Jerome ang kanyang kanang kamay. "M-May sasabihin ako."



"Ano 'yon?" tanong ni Felicity.



"K-Kanina..."



"What?" naiinip na tanong din ni Vince.



"N-Nakita ko si Noah. P-Pinatay niya yata 'yong guard. Hindi ko alam. Hindi ko sigurado. Pero may bangkay. May hawak din siyang baril."



Mabilis na tumingin si Vince kay Arkin. "Are you still gonna say that your cousin doesn't know anything about this?"



Sinalubong ni Arkin ang mga tingin ng binata. "Oo. Dahil noong nakita niya ulit tayo kanina, iniabot niya agad sa'kin 'yong baril na 'yon. Jerome didn't even saw him kill that guard. Who knows? He might've saw him already dead and just got the gun so we could have a weapon."



"Nasaan?" mabilis na tanong ni Felicity. "Nasaan 'yong baril?"



Naningkit ang mga mata ni Arkin na tila may inaalala. Ngingisi-ngisi siyang tumingin sa babaeng pulis. "Naiwan ko 'yata sa auditorium?"



*****



"But by being here, we avoided being chosen as a sacrifice to save Hailey," naniningkit ang mga matang sabi ni Noah. Pinaikot niya ang kinauupuan at tumigil lamang noong kaharap niya na muli si Ally. "Maybe it's a good thing that we're here? I mean, maybe we really were randomly chosen to watch?"



"Maybe we're up for something worse."



Magsasalita pa sanang muli ang binata noong makarinig sila ng langitngit mula sa kisame. Sabay silang napatingala noong mapagtantong nanggagaling ang tunog sa mismong ibabaw nila.



"Why did you have to say that?" pigil ang hiningang sabi ni Noah. Tila tumigil ang mundo dahil sa sobrang kaba na nararamdaman niya habang nakatingala pa din sa kisame.



Naging mabilis ang pangyayari at nagulat na lamang ang dalawa noong bumukas ang kisame sa kanilang tapat.



"Allysa!" Mabilis na hinila ni Noah ang dalaga. Ikinulong niya ito sa kanyang mga braso at ginamit ang upuan upang mabilis na maka-ikot at maiharang ang sarili sa kung ano man ang paparating.



Sa pagpipigil ng paghinga dahil sa sobrang kaba, umalingawngaw sa tainga nina Noah at Ally ang tunog ng pagbagsak ng isang bagay sa sahig.



"What's that?" Noong maramdaman ang pagluwag ng yakap ng binata sa kanya, mabilis na tumayo si Ally para silipin ang nasa kanilang likuran.



Lumingon din si Noah at nakita ang isang itim na parisukat na bagay sa sahig. Nanlaki ang mga mata niya noong umupo ang dalaga sa harapan niyon. "Don't touch it!"



Tinignan lamang ni Ally ang binata. Nanatili siyang nakatitig sa mga mata nito hanggang sa lumapat ang palad niya sa bagay na ayaw nitong pahawakan.



Last Day at St. LouieWhere stories live. Discover now