14 - Stepbrothers

1K 102 46
                                    

14 - Stepbrothers



"W-Where's..." Hindi naituloy ni Ella ang kanyang tanong dahil sa sobrang pagka-gimbal noong muling bumukas ang ilaw sa loob ng auditorium at napansin niyang nawawala ang kanyang kaibigan.



"Shit!" sigaw ni Paul. "We have to find her!"



"Them," pagtatama ni Hailey. "Noah's missing too."



"Tangina," gigil na nasabi ni Arkin. Muli niyang inilibot ang tingin sa buong auditorium, umaasang biglang susulpot sina Noah at Ally. Napahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang kamao.



"We have to go and find them before they get hurt," mabilis na sabi ni Kingsley saka nauna ng maglakad. Hindi pa siya nakakatungtong sa unang baitang ng hagdan patungo sa pintuan ng auditorium, isang baril ang tumutok sa kanyang noo.



"You're not going anywhere," halos walang boses na lumabas mula sa bibig ni Cholo.



Napaatras ang mga kabataan maliban kay Kingsley na hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan.



"Sinasabi ko na nga ba. Tsk." Bumubuntong hininga na napailing si Arkin.



"Sarmiento!" Nabigla man, mabilis ding itinaas ni Felicity ang kanyang baril at itinutok sa kanyang kasamahan. "Put your gun down!"



"No one's going anywhere!" sigaw ni Cholo pabalik. "No one's leaving this auditorium until you tell me who killed Lance Peña."



"L-Lance Peña died of suici-"



"No!"



Muling napa-atras si Jerome at hindi na natapos ang kanyang sasabihin noong sinigawan siya ng binatang pulis.



"He won't do that! He won't take his own life!"



"Officer Sarmiento, calm down," mabagal ngunit madiing sabi ni Felicity. "Drop your gun and let's talk."



"No." Umiling-iling si Cholo. "H-He won't do that. Why would he do that? He's alright. He's okay."



"O-Officer..." Kinakabahang napalunok si Jerome bago ipagpatuloy ang kanyang sasabihin. "D-Do you know Lance Peña?"



Natigilan ang lahat noong sa halip na sumagot ay dire-diretsong tumulo ang mga luha ng binatang pulis. Tila isang bata na pinahiran nito ang sariling pisngi habang nakataas pa rin ang kamay na may hawak na baril.



"You're Mayor Sarmiento's son..." wala sa sariling nasabi ni Kingsley noong mapagtanto kung sino ang kanyang kaharap. "Lance Peña was on the Mayor's Scholarship and remained on the list even with numerous failed subjects. Is he..."



Napatingala si Cholo at napahugot ng isang malalim na hininga. "He's my stepbrother."



*****



"Allysa. Allysa wake up. Allysa."



Ilang marahang tapik at isang malumanay na boses ang nakapagpabalik sa malay ni Ally. Unti-unti siyang nagmulat at bumungad sa kanya ang maamong mga mata ni Noah na malaya niyang nakikita mula sa ilalim ng nakabagsak nitong buhok.



"Thank God," bumubuntong hiningang sabi pa ng binata. "Are you alright?"



Tumango si Ally at agad na bumangon noong mapagtantong naka-unan siya sa hita ng binatang nakaupo sa sahig. Mabilis niyang inilibot ang tingin sa paligid at napakunot ang noo noong makita ang pamilyar na silid.



Last Day at St. LouieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon