16 - The Dead Man's Journal

1K 102 96
                                    

16 - The Dead Man's Journal



"He lost a leg, and is still losing blood even on his palm, but Arkin looked alright," pagbasag ni Ally sa katahimikan habang nakatitig sa monitor na ngayon ay kulay itim na. Matapos makalabas sa AV room ang pinapanood nilang iba pang mga kabataan kasama ang dalawang pulis, namatay ang computer at binalot na ng katahimikan ang laboratory na kinaroroonan nila.



"Yeah." Tila wala sa sariling tumango si Noah. Tuwid ang tingin nito sa unahan habang bahagyang nakakunot ang noo at tila may napaka-seryosong bagay na iniisip.



Ipinihit ni Ally ang swivel chair na kinauupuan niya para humarap sa direksyon ng binata. "Then why do you look so worried?"



Nilingon din ni Noah ng dalaga, hindi makapaniwalang tinatanong pa nito ang bagay na iyon. "Didn't you see what they did?"



"Would you oppose if you had been there?"



Natigilan ang binata. Hindi inaalis ang tingin sa kausap, tumayo siya at humakbang palapit. "Of course. Why are you asking me that? Wouldn't you?"



"All of those blades could be enough to push the other cauldron down. It would cut their hands but at least no one would have to die," ani Allysa. Nakita niya ang tila paghinga ni Noah ng maluwag noong mapagtantong hindi niya rin gusto ang nangyari kay Harold. "I'm disappointed that nobody thought of that."



Hinila ni Noah ang swivel chair sa harap ng computer na katabi ng puwesto ng dalaga. Umupo siya doon at huminga ng malalim.



"But what's done is done." Bumuntong hininga din si Ally.



Nagsalubong ang mga kilay ni Noah. Muli niyang tinignan ang mga mata ng dalaga. "We can't just let it pass so easily."



"But do we have another choice?" seryosong tanong ni Ally. "No."



"So that's why you're not even bothered." Napabuga ng hangin ang binata. "You're now looking forward to the next challenge this day will bring?"



"I don't understand why you have to sit there quietly and waste your time thinking about something we no longer can change."



"Letting this slide would cause more chaos." Sinadya ni Noah na lakasan ang kanyang boses, umaasang papakinggan ng kausap ang bawat salitang bibitawan niya. "They're clearly playing in the hands of whoever's behind this. Even Kingsley is not thinking rationally."



"We don't really have the luxury of thinking about other people, Noah."



"Allysa..." Halos walang boses na lumabas mula sa bibig ni Noah. Iyon ang unang beses na narinig niya ang sariling pangalan mula sa dalaga. Paulit-ulit iyong nag-echo sa kanyang isipan hanggang sa mapagtanto niya ang kakaibang tono ng pananalita nito. "What's bothering you?"



"We're still not sure if those situations wherein we got in Lance Peña's way is the real reason why we're here." Sumandal si Ally sa backrest ng kanyang kinauupuan at pumikit. "If they are, why are we separated from the others?"



Natigilan si Noah at napatitig sa mukha ng dalaga. Pareho nilang sinubaybayan mula sa monitor ang bawat galaw ng iba pang mga kabataan at ng dalawang pulis kanina. Hindi niya inakalang bukod sa nangyari sa AV room, hindi nakakalimutan ng dalaga na isipin ang sitwasyong kinalalagyan nila. "We're not just randomly chosen, aren't we?"



Idinilat ni Ally ang kanyang mga mata at diretsong tumingin sa binata. "What did we do?"



*****

Last Day at St. LouieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon