Chapter. 24

174 7 0
                                    

Alice POV

Kanina pa ako nag-iikot dito sa paligid at wala naman akong napapansin na kakaiba.

Private village 'to kaya wala akong napapansin na kakaiba.

Lumbas ako sa village at may nakita ako na tindahan ng dyaryo. Hininto ko sa gilid ang kotse at lumabas na ako.

Na makalabas ay may mabilis na kotse na papunta sa 'kin. Pilit kong tinitingnan ang nagmamaneho pero hindi ko makita habang papalapit ang kotse ay may humila sa 'kin.

"Malapit ka na mahagip ng kotse" sabi ng babae na humila sa 'kin

Dinala niya ako sa tabi at bumalik siya sa tinatayuan ko kanina malapit sa highway para tingnan ang kotse na untik na ako mabangga.

Pumunta ako sa tindahan ng dyaryo at bumili.

"Ate, kasama po ba ninyo 'yong babae na nagligtas sa 'yo? Nasaksak siya na naka-motor" sabi ng tindahan ng dyaryo

Pumunta ako sa kanya at nakita ko ang babae sa lapag.

"Huwag na kayo tumawag ng ambulansya ako na bahala sa kanya" sabi ko sa mga tao sa paligid

Kinuha ko ang panyo ay tinakpan ko sa dugo.

"Hawakan mo ang panyo, huwag mong aalisin"

"Tumayo ka"

Inalalayan ko siya tumayo at pinasok sa loob ng kotse. Pumasok na rin ako sa kotse at nagsimula na magmaneho.

Na makarating sa garahe ng bahay ni Thun ay una ako bumaba at inalalayan siya sa pagbaba.

"Anong pangalan mo?"

"Ellaine Montessori" sabi niya

"Alice" sabi ni A

"Ikaw na ang mag-alalay sa kanya"

"Dalhin mo siya doon sa bakanteng guest room"

"Kukuha lang ako ng mga gamit"

Pumasok na ako sa loob at kumuha ng gamit sa kwarto namin ni Thun.

"Anong gagawin mo diyan?"

Hindi mo na lang pinansin ang sinabi ni Thun at pumunta na ako sa guest room. Nakita ko na nakahiga si Ellaine habang hawak ang nakatakip sa dugo.

"Kumuha ka maliit na batiya lagyan mo ng maligamgam na tubig at kumuha ka rin na maiinom maligamgam din, A"

Lumabas na si A at inumpisahan ko na ang paglilinis ng saksak sa kanya.

"Ano ba nangyayari? Sino siya?"

"Mamaya ko na lang sasabihin sa 'yo, Baks" sabi ko

Dumating na si A at agad ko piniga ang twalya sa tubig. Pagkatapos linisin ang saksak ay inabutan ko na siya ng maiinom.

"Inumin mo na 'tong gamot"

Na matapos uminom ay kinuha ko na ang baso sa kanya.

"Magpahinga ka muna, Ellaine"

"Salamat" sabi niya

"Salamat din sa 'yo"

Lumabas na kami ni Thun sa guest room, na makarating sa kwarto namin ay agad naman ako nagpalit ng damit at naghugas ng kamay.

Nakita ko na hinihintay ako ni Thun sa kwarto. Hindi ko na hinayaan na magsalita siya kaya ako na ang nagsalita.

"Siya si Ellaine Montessori, iniligtas niya ako kanina sa kotse"

Mafia Prince and I Where stories live. Discover now