Chapter. 7

214 10 1
                                    

Alice POV

"Mom, Bakit po kayo nag-iimpake?" Takang tanong ni Thom

"Aalis na tayo dito"

"Saan po tayo pupunta Mom?" Tanong ni Tren

"Doon muna tayo titira sa kaibigan ko"

Tok tok tok

"Pasok"

Pumasok si Cloudy na may dalang papel.

"Nakahanda na pala ang gamit ninyo"

"Masama ka, pinapaalis mo na kami" sigaw ni Tren

"Hindi niya tayo pinapaalis, mas mabuti kasi kung doon tayo titira sa kaibigan ko"

Napatingin naman ako kay Cloudy.

"Mag-sorry ka Tren"

"Sorry po" sabi ni Tren

Inabot sa 'kin ni Cloudy ang papel na hawak niya at agad ko ito tinggap.

"Iyan 'yong drawing ng mga pwede ninyong labasan mamaya"

"May mga C. C. T. V din diyan para may ebidensya ako na tumakas kayo" sabi ni Cloudy

"Ipakita mo sa kanila ang record ng C. C. T. V?"

"Oo, para maniwala sila" sabi ni Cloudy

"Mom, Ano po ang pinag-uusapan ninyo?" Tanong ni Thom

"Aalis tayo dito kasi alam na mga taong humahabol sa 'tin na nandito tayo"

"Huwag mong kalimutan 'yong napag-usapan natin kagabi Cloudy"

"Galingan mo ang pag-arte"

"Kailangan mo silang mapaniwala"

"Maniniwala sila" sabi niya

Lumabas na si Cloudy sa kwarto, umupo ako sa kama at hinawakan ang kamay nina Tren at Thom.

"Huwag kayong bibitaw mamaya sa kamay ko"

"Humawak kayo ng mahigpit"

Tumango sila bilang sagot.

"Mahal na mahal kayo ni Mommy"

Niyakap ko sila ng mahigpit.

"Mahal na mahal din po namin kayo Mommy"

"Isusuot niyo na ang bag sa likod ninyo" utos ko sa kanila

Kaming tatlo ang may kanyang-kanyang bag pero iba't-iba ang laman.

Dahil konti lang ang damit naming tatlo ay si Thom ang nagdala.

Si Tren ang nagdala ng mga emergency kita.

Habang ako naman ay mga pagkain ang dala ko.

12 am sila pupunta dito para lahat ng tao ay tulog na.

Pag-sapit ng 9 pm, Iniwan namin na gulo-gulo ang kwarto tsaka kami lumabas ng kwarto.

Nakita namin na nakatayo si Cloudy.

"Magpanggap tayo na nag-aaway" sabi niya

Tumango naman ako bilang sagot, tumango din sina Tren at Thom na para bang alam na nila ang gagawin.

"Sino 'yong lalaking kasama mo kanina?"

"Bago mo?"

"Kating-kati ka na ba?"

Mafia Prince and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon