Chapter. 23

169 8 0
                                    

Alice POV

"Simula ngayon ay tabi na tayo matulog" sabi ni Thun habang nakayakap sa 'kin

Nandito kami ngayon sa kama at hindi pa natutulog.

"Tombs"

"Alam mo ba na sobrang saya ko kasi mahal mo ako"

Bigla ko naalala ang sinabi ni Xeara.

"Nabalitaan ko sa mga mafia na kapag may anak na ang Mafia Prince siya na ang magiging Mafia King ang anak naman niya ay magiging Mafia Prince"

"Di ba ikaw ang Mafia Prince? Baks" tanong ko

"Oo Tombs, Bakit?" Takang tanong ni Thun

"Mapapalitan ba ang posisyon mo kapag may anak ka na?"

"Bakit mo na tanong?" Sabi ni Thun

"Curious lang ako"

"Bakit hindi sinagot ang tanong ko kanina? Curious lang din naman ako" sabi ni Thun

"Huwag mo na lang sagutin ang tanong ko, alam ko rin naman ang sagot"

Tumayo ako sa pagkakahiga agad naman hinawakan ni Thun ang kamay ko upang pigilan.

"Saan ka pupunta?"

"Oo, magbabago ang posisyon ko kapag may anak na ako"

"Ako ang magiging Mafia King at siya naman ay Mafia Prince"

"Kapag ayaw nina Tren at Thom ang pagiging Mafia Prince ay hindi ako magiging Mafia King"

"Kung ayaw nina Tren at Thom maaaring 'yong susunod na magiging anak natin"

"Tombs"

"Nasa lahi namin ang Mafia, pinapasa ng pinapasa sa bagong henerasyon"

"Sana matanggap mo 'yon Tombs ganoon din 'yong anak natin na papalit sa 'kin"

Hinawakan ko naman ang kamay niya na nakahawak sa isang kamay ko.

"Naintindihan ko na Baks, pupunta muna ako sa mga tauhan ko" paalam ko

"Matulog ka na huwag mo na ako hintayin" sabi ko at lumabas na ng kwarto

Dumiretso at pumasok na ako sa kwarto ni Hazel dahil alam kong nandoon din sina Xeara, Xeala at Geaece.

Ni-lock ko ang pinto nakita ko sila Xeala at Geaece na ng movie marathon at kumakain ng popcorn.

Habang sina Hazel at Xeara ay busy sa laptop.

"Alice, popcorn" yaya sa 'kin ni Geaece

"Tamang-tama ang movie marathon at pagkain ng popcorn habang hinihintay ang 12 am" sabi ni Xeala

Kumuha ako ng popcorn at tiningnan ang ginagawa nina Xeara at Hazel.

"Tinitingnan ninyo ang C. C. T. V kada business"

"Oo, Alice para sigurado na walang tao" sabi ni Hazel

"Akin ang business ni Eileen habang si Hazel naman ay kay Denier" sabi ni Xeara

"Xeara, Paano mo tinitingnan ang C. C. T. V ng business ni Eileen?"

"Binigay sa 'kin ni Ellaipse ang kopya ng C. C. T. V sa business ni Eileen" sabi ni Xeara

"Ellaipse?"

"Boyfriend niya Alice" sabi ni Xeala

"Boyfriend ko si E, isa sa mga tauhan ni Thun" sabi ni Xeara

Mafia Prince and I Where stories live. Discover now