Chapter. 2

406 10 0
                                    

Alice POV

"Gising" tapik sa 'kin ni Two

Minulat ko ang aking mata at umupo sa papag. Nakita ko sina One at Two sa aking harap. Napansin ko na wala silang dalang pagkain.

Nilapag ni Two ang bago kong tsinelas dahil ang lumang tsinelas ko ay nasira kahapon.

Silang dalawa ang naka-assign sa 'kin.

"Tumayo ka na diyan" utos sa 'kin ni Two

"Masakit pa ang paa ko" angal ko sa kanila

"Tatayo ka o tatawagin ko si Boss?" Sabi ni One

"Huwag mong hintayin na pahirapan ka pa bago ka sumunod" sabi ni Two

Pinilit kong tumayo at pinilit ko rin isuot ang tsinelas kahit na mahapdi dahil sariwa pa rin ang sugat sa aking paa, binuksan ni Two ang pintuan at nagsimula ako maglakad papunta sa pintuan habang nakahawak sa pader.

Paika-ika ako maglakad. Nakasunod ako kay Two habang si One ay nasa likod ko.

Saan na naman nila ako dadalhin?

Napansin ko na huminto sa paglalakad si Two agad din ako huminto at tumabi sa kanya. Tinignan ko ang paligid, malakas ang ulan.

Itatali nila ako sa ulanan.

"Kailangan mo maligo Alice dahil ang baho mo na"

"Aba! Hindi porket maganda ka ay hindi mo na kailangan maligo"

"Ikaw na ang bahala sa kanya"

"Higpitan mo ang tali para hindi makatakas"

Pumasok na sa loob si One at sumunod ako kay Two na naglalakad sa gitna ng ulan.

Na makarating kami sa pinagtalian niya dati ay agad niya tinali ang aking kamay sa poste.

Habang busy siya sa pagtali ay agad siya nagsalita.

"Tumakas ka na dito"

Sa sinabi niya ay agad akong na buhayan.

"Luluwagan ko ang pagtali pero kailangan dapat masira ang tali para hindi nila maisip na pinatakas kita"

"Hindi lang ako ang nag-plano nito kasama dito 'yong lagi kong kasama"

Si One.

"Bukas pa ang balik ni Boss"

"Pasensya na kung ngayon lang kami nag-lakas loob ng patakasin ka"

"Wala si Boss ngayon tinatakot ka lang ng kasama ko"

"Magpaka-layo layo ka, huwag ka ng magpapakita sa 'min"

"Siguraduhin mo na ito na ang huling beses na makikita kita"

"I'm sorry Alice, patawarin mo kami ng kapatid ko. Kapatid ko ang lagi kong kasama"

Tumayo na siya at tiningan ako bago siya maglakad papalayo.

Salamat.

Nag-stay muna ako dito ng ilang minuto bago mag-desisyon tumakas.

Tumingin ako sa paligid tsaka nagsimula sa plano. Kinuha ko sa bulsa ang bubog na dati ko pa tinatago at pinutol ang tali gamit ang bubog. Na masira ang tali ay agad ako tumakbo papalayo. Hindi ko iniinda ang sakit at hapdi sa aking paa ang nasa isip ko ay kailangan ko makaalis dito.

Takbo lang ako ng takbo hanggang  makarating ang kalsada.

Napansin ko na may dadaan ng kotse agad ko ito hinarang at pumikit ako.

Mafia Prince and I Where stories live. Discover now