CHAPTER 5

5 1 0
                                    


Nanatili akong nakayuko nang may humawak sa balikat ko pagtingin ko ay ito ang babaeng kaibigan ata ni kuya ice dahil nakikita ko ito minsan na kasama nya.

"ayos kalang? pagpasensyahan mo na sila ha?" ani nito at pinunasan ang basa kong uniform dahil sa tinapon na inumin sakin nung kim kanina.

"o-okay l-lang po ako" ani ko habang pinupunasan ang luha ko at ngumiti sakanya.

"may extra uniform kaba?" ani nito na umiling naman ako dahil wala nakong ibang uniform.

"ah hiramin mo muna yung sakin kasya naman ata sayo yun"ani nya at hinila nalang ako bigla.

"ah wag napo ok lang po ako" ani ko ngunit hindi ako nito pinansin,habang hinihila nyako papunta ata kami sa locker nya at kakaiba ang tingin samin nang mga tao.

"tsk may nauto nanaman sya"

"paawa nakakainis"

"mabuti lang sakanya yung nang yari"

"dapat nga grabe pa eh"

"pasalamat sya ay mabait si ate elyse"

bulungan ito nang mga nasa paligid namin at mukang ang tinutukoy nilang elyse ay ang tumulong sakin.

Nang nasa locker na kami ay kunuha nya lang ang uniform at hinila nanaman ako papuntang cr.

"wag mong pansinin yung mga bulungan wala lang silang magawa" ani nito at nginitian ako.Iniabot sakin nito ang uniform ay tinanggap ko naman ito at nagbihis.Buti ay kasya sakin ang uniform.

"Tara dun muna tayo sa cafeteria" ani nito saakin at pumayag naman ako dahil late naman na ako sa klase ko.

Puno padin nang bulungan ang mga nakakakitang magkasama kami ngunit hindi ko na lang ito pinansin at nang nasa cafeteria na kami ay nag order lang sya nang dalawang burger at juice ayaw ko pumayag ngunit mapilit sya kaya wala naman akong nagawa.

"sobrang thankyou po sa lahat" ani ko habang kumakain at tumawa naman sya.

"wala yun,ako nga pala si elyse" ani nito

"ahmm ianna po" pagpapakilala ko

"alam mo hindi ganun dati si ice pero hindi ko alam biglang nag bago,pagpasensyahan mona ah" ani nito mukang kilala nya si kuya.

"k-kilala nyo po y-y-yung lalaki kanina?" sabi ko at nagkunwari ako na hindi ko ito kilala dahil yun ang utos sakin ni kuya ice na dapat ay walang makakaalam na magkadugo kami.

"ah oo Ice Vlince Deblon ang pangalan nun actually ex ko sya" walang pagaalinlangang sabi nito at ikinagulat ko ngunit hindi ko ito pinahalata."Mabait yun dati pero simula nung nawala mommy nya ang laki nang pinagbago nya" pag papatuloy nito sa sinabi nya.

Nakaramdam naman agad akong nang matinding lungkot,ako talaga ang dahilan kung bakit ganto ang pamilya namin ngayon at kung bakit nag iba si kuya ice.Ngunit kung ex sya ni kuya ice bakit hindi ko sya kilala kung ganon.

"k-kilala nyo po ba ang pamilya nya?" ani ko at napatingin sya sakin nang may pagtataka siguro ay dahil naitanong ko ito.

"yeah but yung sister nya hindi nag travel daw kase yung sister nya nung pumunta ako sa kanila" ate elyse said. i think it was the time na nasa thailand ako because whene i got home i heard my mom mention kuya ice's gf.

Napatingin ako sa cellphone nya at ganun din sya nung ito ay tumunog mukang may nag text sakanya.Tinignan nya ito at wala pang isang sigundo ay napatayo sya.

"uhm ianna i need to go bye i enjoy talking to you" mabilis na ani nito at dalidaling umalis kaya ako nalang mag isa ngayon ang nakaupo.

Nanatili lamang ako sa cafeteria dahil wala akong ganang bumalik sa aming building at kung ano ano nanaman ang mararanasan ko sakanila.

TIMELESS LOVEWhere stories live. Discover now