CHAPTER 1

3 1 0
                                    

"may trabaho ka mamaya?" tanong ko sakanya habang nag lalakad kami papunta sa café


"oo,ikaw?"

"meron den absent kase isa sa mga crew kaya pinakiusapan akong, ako daw muna ang pumalit" tumango na lamang sya at hindi na kami nag usap hanggang sa makaratinng kami sa coffee shop

"ako na oorder, umupo kana don" ani nya at dumeretsyo na sa counter upang mag order,hindi nya na tinanong ang oorderin ko dahil alam nya naman kung ano ang gusto ko.


Nang makabalik sya ay nag kwentuhan lang kami tungkol sa kung ano ano.



"kelan last nyong kita nang kuya mong demonyo?" tinutukopy nya si kuya ice at tinignan ko naman sya nang masama alam nya kase ang lahat ng ginawa sakin ng kuya ice ko kaya galit sya rito.



"kuya ko paden sya ash wag mo syang pagsalitaan nang ganyan tsaka may dahilan namn kung bakit sya ganun saken" ani ko at napayuko kada pinaguusapan kase ang mga ganyan or tungkol sa pamilya ay nakakaramdam agad ako ng lungkot at galit sa sarili ko, naaalala ko ang dahilan kung bakit wala na si mommy samin at kung bakit galit sakin sila dad at kuya ice.


"bakit mo ba pinagtatanggol yang kuya mo, pag katapos ng ginawa nya sayo!" ani nya at i

nirapan ako

"naiintindihan ko naman si kuya tsaka mahal na mahal ko yung kuya ko" sabi ko habang 


pinipigilan ang luhang nag babandyang bumagsak sa mata ko.

"tsk nevermind" ani nya at nag cellphone nalang ako naman ay tumingin nalang sa labas 


habang iniinom ang kape ko.

Pag katapos namin mag kape ay dumeretsyon na kami sa klase namin baka kase malate 


nanaman kami.Habng nag kaklase kase ay biglang may kumalabog ang pintuan at nang bumukas ito ay bumalantay saamin ang duguang lalake ngunit hindi na kami nagulat dahil sanay na kami sa gantong pangyayari.

"walang mag dadala sakanya sa clinic kung ayaw nyong magaya sakanya" malamig na ani ng kakapasok lang na si austlin revere,anak sya ng may ari sa school at lahat ng tao ay takot sakanya sya din ang pinaka kinababaliwan ng mga tao sa school.


"Mr. revere d-do you w-want me to tell this to your mom" matapang na ani ng professor namin ngunit halata din sa muka nya ang takot.

"go at magsumbong ka tignan natin kung san ka pupulutin" ani nito at dumeretsyo na sila sa upuan nyang malapit sakin kasama ang kaibigan nyang si jake isang upuan lang ang pagitan namin.


Wala ding nagawa ang prof namin dahil alam nya ang mangyayari kapag may ginawa syang kilos ang lalaki naman ay iika ikang lumabas ng room namin. Laging nang yayari ang ganto kaya sanay na kami minsan nga ay grabe pa ngunit walang nakakapigil sakanila.

"Nang matapos lahat ng klase namin ni ash ay umuwi lang kami sa condo upang mag palit ng damit at ngayon ay nag lalakad na kami papunta sa trabaho namin walking distance lang kase ito at nagtitipid kami sa gasolina.


Habang nag lalakad kami ay bigla nalang nag salita si ash

"grabe si austlin noh parang lahat ng bumabangga sakanya nagiging kawawa" ani nya mukang naalala nya ang nangyari kanina

TIMELESS LOVEWhere stories live. Discover now