Nasapo ko ang aking noo na tumama sa dibdib ni Clov.
“Aray naman! Bakit bigla-bigla ka nalang sumusulpot diyan? Paalis kana kanina ah?” reklamo ko sabay himas sa noo kong nabunggo.
Ang sakit ah! Napakasolid naman ng katawan nito.
Bahagya siyang yumuko saka hinimas ang noo ko. Nagka-level ang mukha namin kaya naman kitang-kita ko sa malapitan ang gwapo niyang pagmumukha. Napaigtad ako nang bigla niyang tinampal ang noo ko.
“Huwag mo ’kong titigan. Baka ma-in-love ka,” sabi niya saka dumiretso ng tayo paharap sakin.
Mataas kasi siya sa ’kin nang bahagya kaya naman napapatingala ako nang kaunti kapag tinitingnan ko siya o nakikipag-usap ako sa kaniya.
Umiwas ako ng tingin. “H-hindi ah! Sinong may sabi sa ’yo na tinititigan kita? Nag-iilusyon ka lang! Wala namang magandang tanawin diyan sa mukha mo para pagmasdan ko,” tanggi ko sabay pasimpleng punas ng pawis sa aking noo.
“Daze...”
“Hm?”
“Humarap ka.”
Kumunot ang noo ko. “Huh? Eh nakaharap naman ako sayo ah.”
Anong trip nito? May tama ba ’to? Pero paano? Eh, hindi naman kami uminom kanina. Pinagbawalan kasi kami nina Mama at Papa kasi magmamaneho pa raw ang mga kaibigan ko pauwi kaya delikado. Mas mabuti na ’yong nag-iingat.
“Harap nga! Ang tigas mo naman! Simpleng instruction ’di mo magawa? Sabi ko harap ka sa ’kin,” naiinis na niyang utos.
Ano ba kasi? Paano ba? Nakaharap naman ako sa kanya nga—
Shuta!?
Sinuntok ko siya sa braso. Iyong malakas talaga para dama.
“Puny*ta ka! Hindi ka pa talaga titigil? Kanina ka pa ah! Iyong kanina, plano ko na sanang kalimutan kaso tarantado ka napagdiskitahan mo na naman ako ngayon?” Pinagsusuntok ko siya sa braso.
Tarantado talaga! Nakakapang-init ng dugo! Hindi ko rin alam kung bakit naging kaibigan ko ’to!
Pilit siyang umiiwas sa mga suntok ko. Sinasangga niya rin ang braso ko pero hindi ako nagpapa-awat. Akala niya ha!
“Sandali nga. Uy, awat na! Aray naman! Masakit, Daze!”
“Talagang sasaktan kita! Shuta ka, ginawa mo akong pader! Buti nalang matalino ako kaya na-gets ko kaagad!” singhal ko sa kaniya.
Tumawa naman siya nang malakas. “Wow, matalino ka na niyan ha. Eh ang tagal nga bago mo na-realize!”
Tumigil ako kakasuntok sa kaniya. Ako lang din naman kasi ang napagod at nahapo eh. Mukhang hindi naman siya nasaktan kahit kaunti. Mukhang hindi tinablan. Ang laki kasi ng katawan. Siguro naggi-gym ’to.
Napayuko ako at napahawak sa tuhod saka sunod-sunod na huminga nang malalim.
“Ayoko na. Hiningal ako. Kahit kailan talaga perwisyo lang ang dala mo sakin.” Napahawak ako sa beywang saka siya hinarap habang habol pa rin ang hininga.
“’Di pero ito, totoo na talaga ’to. Tumalikod ka,” seryosong utos niya.
Pinangkitan ko siya saka sunod-sunod na umiling. Hindi ako magpapa-uto sa ’yo, Clov. Manigas ka riyan! Masyado ka nang nakararami sa ’kin!
Sumeryoso ang mukha niya. “Totoo nga. Tumalikod ka. Seryoso ako.”
“Bakit ba kasi? Ang kulit mo. Umuwi ka na, Clov. Gabi na. Baka kung mapano ka pa sa daan. Papasok na rin ako. Ingat ka,” paalam ko saka naglakad papasok ng gate.
Ngunit napatigil ako nang bigla niyang hawakan ang aking kanang braso.
“Teka lang. Aalis na rin ako pagkatapos nito.”
Naramdaman kong pumwesto siya sa likuran ko. Lilingon sana ako pero pinirmi niya ang ulo ko na nakatingin sa harapan.
“Huwag ka nang lumingon.”
Maya-maya pa ay napatingin ako sa kamay niyang tumambad sa aking harapan. May hawak- hawak siyang...
Kwintas???
“Clo—”
“Sshh. ’Di ba sabi ko huwag ka nang lumingon? Ito ang regalo ko sa iyong kaarawan, Daze. Happy Birthday.”
Dahan-dahan niyang isinuot sa akin ang kwintas. Hinawakan ko ang pendant at napansin ko na isa itong puno. Ang ganda! Kumikinang siya sa tuwing natatamaan ng liwanag ng buwan.
Nilingon ko siya pero nagulat ako dahil nakasakay na pala siya sa kaniyang motor. Ang bilis niya namang kumilos! Hindi ko namalayan na nakaalis na pala siya sa likuran ko.
Bago pa man ako makapagpasalamat ay pinaharurot na niya paalis ang kaniyang motor. Tinanaw ko siya hanggang sa tuluyan na siyang makalayo.
Muli kong hinawakan ang kwintas. Ang ganda talaga niya. Hindi ko namalayang napapangiti na pala ako.
Hay, Clov. Ibang klase ka talaga kahit kailan.
DU LIEST GERADE
THE PORTAL [COMPLETED]
FantasyEver since Daze was still young, she had been always warned by her grandfather not to play near or under the huge tree at the back of their house. She was wondering if what was the thing in there that her grandfather didn't want her to know. She jus...
••• DOS •••
Beginne am Anfang
![THE PORTAL [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/244980463-64-k618268.jpg)