Wala akong masabi sa nakamamanghang ganda ng mansyon. Pagtungtong namin sa may sala ay napatingala ako, nakita ko ang isang malaking display na eroplano na nakasabit sa may kisame, isa rin ito sa ginawa ni papa.

Magmula noon ay dito na kami sa mansyon tumira, pero bumibisita pa rin naman sila mama't papa sa luma naming bahay. Kasabay ng pagtira namin dito sa ay ang pagbabago rin ng takbo ng aking buhay, hindi ko alam na marami palang mangyayari na hindi ko inaasahan sa hinaharap.

Kinabukasan, nagising ako ng ala-sais ng umaga at sumilip sa bintana ng aking silid. Namangha ako sa ganda ng dagat sa 'di kalayuan. Nag re-reflect sa tubig ang kulay kahel na sinag ng araw na unti-unting sumisikat.

Panibagong araw sa panibagong bahay.

Habang nag aagahan ako, iniisip ko lang kung anong gagawin ko ngayong araw. Si mama nasa trabaho, si papa naman may business appoinment. Ako lang natira sa bahay kasama ng mga maid.

Naisip kong lumabas sandali para umihip ng sariwang hangin.

Paglabas ko, malamig ang simoy ng hangin kahit medyo maaraw na, naka sweater na ako pero ramdam ko pa rin ang lamig. Maraming mga puno't halaman, nakaka relax pagmasdan. Tahimik ang paligid, tipikal na probinsya ang pakiramdam.

Nag-inat ako sabay napapikit. Ngunit pagdilat ko, natanaw ko ang isang babae na nag-jo-jogging papunta sa direksyon ko. Habang papalapit s'ya sa 'kin ay unti-unti ko s'yang nakikilala, s'ya pala yung muntik nang masagasaan ni papa kahapon.

"Oh, shit!"

Nang makalapit na s'ya sa 'kin ay binati ko s'ya agad.

"Good morning!"

Ngumiti ako nang pilit.

"Anong maganda sa umaga kung ikaw ang bubungad?" Pagtataray n'ya habang nakataas ang isang kilay.

Nabigla ako sa sinabi n'ya. "Grabe! Suplada mo naman, ikaw na nga itong binabati ng magandang umaga..."

"Kauma-umaga, nang iinis ka. Kung wala kang magandang sasabihin, tumabi ka d'yan sa dinadaanan ko," galit n'yang aniya. "Kapag hindi ka pa tumabi, bibilang ako ng hanggang tatlo. Isa..."

"Tapos anong gagawin mo kung hindi ako tumabi? Hahalikan mo 'ko?" Biro ko.

"Excuse me!" Sabay tingin n'ya sa 'kin mula ulo hanggang paa. "Gwapo ka, oo. Pero hindi ako ganon karupok."

Inirapan n'ya ako at sabay nagpatuloy sa pagtakbo.

"Grabe naman. Gusto ko lang naman makipag-kaibigan," saad ko nang medyo may kalakasan para marinig n'ya. "Oh, ito na. Sige na, pipikit na 'ko, halikan mo na 'ko," biro ko pa.

"Pakyu from my heart!" Sigaw n'ya naman habang nag-jo-jogging palayo.

Napasimangot ako. "Suplada naman no'n, pero infairness... maganda s'ya," bulong ko at napangiti.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at inubos ang halos kalahating araw sa paglilibang. I just spent my time by watching T.V, playing videogames, and watching movies, pero I have a feeling na parang laging may kulang.
That feeling when you know you have everything, but you're still not satisfied.

Kaya kinahapunan, naisip kong mag basketball sa likuran ng mansyon. Hindi na ito bago sa 'kin dahil halos araw-araw akong naglalaro nito noong nakatira pa kami sa lumang bahay, ito na rin yung nagsisilbing workout ko.

Tumagal ako ng halos isang oras sa paglalaro. Tumigil ako at naisipang lumabas na muna ng mansyon upang makapag libot- libot.

Palubog na ang araw nang mapadpad ako sa dalampasigan 'di kalayuan sa bahay namin.
Tahimik ang paligid at tanging lagaslas ng alon at malakas na hangin ang maririnig.

When Our Heavens CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon