***

Habang naglalakad kami pauwi ay may sumagi sa'king isip.

Baka nga totoo ang sinasabi n'ya. Baka nga totoong nawala ako ng 20 years, saka bakit parang tumanda ang itsura niya? At paano agad sila nagka-anak kung kahapon at sandaling oras lamang akong nawala?"

Nang makarating na kami sa harapan ng bahay, tumingin sa'kin si Oliver bago binuksan ang gate.

"Tuloy," mahinang sabi niya. Huminga ako nang malalim bago pumasok sa tarangkahan. Habang papalapit kami sa mismong pintuan ay mas lalong bumibigat ang aking pakiramdam. Magkahalong lungkot at galit ang aking nararamdaman.

Binuksan niya na ang pinto at muling napatitig sa'kin.

Huminga ako nang malalim. Gusto kong humakbang papasok sa loob. Ngunit parang hindi ko maigalaw ang aking mga paa, tila ba'y may pumipigil sa mga ito. Galit ang sinisigaw ng puso ko, pero mas pinili kong paganahin ang utak ko. Mas pinili kong hindi paganahin ang galit nang makita ko ang batang bunga ng kanilang pagmamahalan.

"Hi, baby!"

Sinalubong ni Oliver ang kanyang anak sabay halik niya rito, makikita sa kanyang ngiti ang lungkot. Nakita ko si ate na nakatingin lang sa'kin, alam kong magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman niya.

"Uhm... baby, say hi to tita Harl." Nag-crack ang boses niya. Biglang may tumulong luha mula sa kan'yang mga mata, ngunit pinunasan n'ya ito agad.

"Hi, tita Harl." Bati ng kanilang anak sabay takbo papunta sa'kin at niyakap ako.

Niyakap ko ang bata at hindi ko na napigilang umiyak dahil sa bigat ng nararamdaman.

"Tita Harl, ba't ka po umiiyak? Hindi ka po ba masaya?" Pagtataka n'ya.

"Oo naman... masaya ako," ani ko at ngumiti nang pilit.

"Baby, you play with your toys muna sa room mo, mag-uusap lang kami ni tita Harl mo, okay?" Utos ni ate at sumunod naman ang bata dala-dala ang kanyang mga laruan at pumasok sa kanyang silid.

"Maupo ka muna at ikukuha kita ng tubig," sabi niya at pumunta sa kusina.

Umupo ako. Si Oliver ay nakaupo rin sa kabilang bahagi ng sofa, hindi kami nagkikibuan. Nang makabalik si ate ay umupo siya sa tabi ko. Ibinigay sa'kin ang isang basong tubig at ininom ko ito.

Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko. "I'm so glad that you're back. Walang araw na hindi ka namin iniisip."

Bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa'king kamay.

"Alam ko na masama ang loob mo sa'kin, sa'min dahil sa pangyayaring nadatnan mo. Oo, nagkasala ako sa'yo. Pero bigyan mo 'ko ng konting oras para makapag paliwanag say – "

"Gusto ko munang magpahinga," pagputol ko sa kanyang sinasabi.

Natahimik siya.

"Gusto ko na munang magpahinga. Hindi pa siguro nag-si-sink in lahat ng mga nangyayari sa utak ko."

Tumayo siya. "Bakante ang kwarto mo sa itaas, tulungan mo na lang akong ayusin," aniya.

Nauna akong umakyat sa hagdanan.

Habang papalapit ako sa'king silid ay pabigat naman nang pabigat ang aking nararamdaman. Pagbukas ni ate ng pinto nito at ng ilaw ay tumambad ang napakaraming poster at mga papel na nakadikit sa dingding nito.

Nagtaka ako kaya't dahan-dahan ko itong nilapitan. Nagulat at nalungkot ako sa'king mga nabasa.

'We love you, Harl!'

'Nasaan ka na? Miss na miss ka na namin.'

'I'm still waiting for your chat. It's been years, where have you been? We miss you so much.'

When Our Heavens CollideWhere stories live. Discover now