Chapter 30

0 0 0
                                    

CHAPTER 30

Rance pushed a button on a remote while still holding Caileigh.

They were at the third deck. Nung una ay nagtataka si Caileigh kung bakit doon sila tumigil, ngunit nasagot ang pagtatanong nya ng makarinig ng malakas na ingay mula sa himpapawid.

A helicopter was approaching them. When it was exactly above them, it let down a ladder.

Mahigpit na hinawakan ni Rance ang palapulsuhan ni Caileigh at pinapa-una syang umakyat.

"Rance, itigil mo na to." pag pupumilit ni Caileigh. Pilit nyang hinihila ang kamay na hawak ni Rance.

Nakarinig sila ng yabag paakyat sa kinaroroonan nila na syang ikinalingon nilang dalawa.

Hangos na pumanhik si Yohan at agad itong tumakbo palapit kina Caileigh. Agad na kinalabit ni Rance ang gatilyo ng baril kay Yohan ngunit nadaplisan lang ang binata sa balikat dahil tinabig ni Caileigh ang kamay nito.

Ginamit yun na oportunidad ni Yohan para hatakin palayo si Caileigh. Nang makawala ang dalaga ay agad na sinunggaban ng suntok ni Yohan si Rance.

Nasa ibabaw si Yohan at patuloy na pinauulanan ng suntok si Rance sa mukha. Agad na nakita ni Rance ang baril na nabitawan niya dahil kay Caileigh.

Agad nitong inihampas ni Rance ang baril sa mukha ng binata na naging dahilan ng pagtumba ni Yohan. Agad syang tinutukan ng baril ni Rance.

"Rance! Tama na!" sigaw ni Caileigh.

"Caileigh, umalis na kayo dito." utos sa kanya ni Yohan.

"Hindi! Sabay sabay tayong aalis dito!" pilit na sambit ni Caileigh sa kabila ng pag iyak

"Tumahimik kayong dalawa! Alam mo, dapat talaga pinatay na kita eh, pero hindi ko ginawa, dahil sinabi nya" tutok ni Rance kay Caileigh at muling binalik kay Yohan. "Pero ngayon, hindi na ko makikinig sa kanya."

Agad na tumakbo si Caileigh palapit sa dalawa at nakipag agawan ng baril kay Rance.

Tumayo si Yohan at iniaalis si Caileigh sa sitwasyon. Takot na madamay ang bata sa sinapupunan ni Caileigh.

Malakas na tinulak ni Rance si Caileigh at sila naman ni Yohan ang nagpangagaw sa baril.

Hindi makatayo si Caileigh nang makita ang dugong umaagos sa sahig. Agad biyang sinapo ang puson at mangiyak-ngiyak na inaalala ang anak nya.

Mas yumanig ang mundo ng dalaga ng biglang umalingawngaw ang putok ng baril. Agad syang napatingin sa dalawa at nasaksihan ang pag bagsak ni Yohan sa sahig.

"Caileigh!" sigaw ni Rhianne na may sugat sa labi. Maging sila Chandler at Veron ay may mga sugat na hindi pa naghihilom.

"Caileigh, dinudugo ka" nag aalalang sambit ni Veron

Si Chandler naman ay agad na lumapit kay Yohan na may tama ng bala sa tiyan.

Hangos na lumapit si Rhianne sa kapatid at kinuwelyuhan ito.

"Look what you did! I will never forgive you if something happens to the child!" matigas na wika ni Rhianne

Nagtataka syang tinignan ng kapatid "Child? What are you talking about?"

"Caileigh is five weeks pregnant. And think who she is with for five weeks?" Rhianne ask her brother.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Rance na nalaman. Hindi na Muling inalintana ang masamang tingin ng kapatid at tumitig na lamang kay Caileigh na hawak ang puson at humahagulhol na ng iyak habang yakap ng ina.

Sweetest AffairWhere stories live. Discover now