Chapter 10

0 0 0
                                    

CHAPTER 10

Madilim palang ay nagsimula nang umakyat ng bundok sila Caileigh para maabutan nila ang pagsikat ng araw mula sa tuktok

Dalawang oras na rin silang umaakyat dahil madalas silang tumigil dahil madaling hingalin si Caileigh at ilang beses ring nadapa si Rhianne.

“Com’on guys, kunti nalang.” Pagmomotivate ni Yohan sa mga kasamahan

Pataas ng pataas ay padulas ng padulas ang lupa kaya minsan ay nadadapa sila.

“Kunting kunti nalang, let’s go” saad ni Yohan at pumapalakpak pa para pambuhayan sila ng loob

Nang tumapak ang isang paa ni Caileigh sa isang bato ay bigla syang nadulas at napasalampak sa lupa. Pilitin man niyang tumayo ay tila ba mapapa-upo ulit sya

Agad syang dinaluhan ng mga kasama at sinubukang patayuin

“Aray! Aray! Sandali hindi ako makatayo, hindi ko magalaw ng maayos yung paa ko” daing ni Caileigh habang hawak ang ankle nya

“Pano yan?” tanong ni Rhianne habang sapo sapo ang noo. Siguradong sya ang mapapasama sa kuya nya kapag may nangyaring masama kay Caileigh

“I’m sorry guys” paghingi ng pasensya ni Caileigh

Lumapit sa kanya si Yohan at kinuha ang maliit nyang bag na may lamang tubig at pamalit at sinukbit yun sa isang balikat nito.

Pumunta sya sa harapan ni Caileigh at nakatalikod na umupo bago tapikin ang sariling balikat. “I’ll carry you” saad ni Yohan na bahagyang lumingon sa kanya.

Agad naman syang inalalayan nila Rhianne para makapasan kay Yohan.

Nagpatuloy sila sa pag akyat ngunit mas mabagal nga lang para maalalayan si Yohan.

“Daddy, are you tired na po ba?” tanong ko sa aking ama. Buhat nya ‘ko paakyat bundok dahil hingal na hingal na ko.

“Let’s take a rest, hon. Maabutan parin naman natin yung pagsikat ng araw” pagkukumbinsi ni mommy kay daddy habang kinukuha ang tubig naming sa bag

Ibinaba ako ni daddy at tinanggap ang tubig na alok ng aking ina. Doon ko napagmasdan kung gaano kaalaga si mommy at kung gaano kadermitado si daddy.

“This is our first time hiking with Caileigh, I want her to witness the rising sun on top” nakangiting saad ni daddy habang malambot na nakatingin sa akin ang mala kape nyang mata.

Pawisan na silang dalawa at halata ang pagod, kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at pinunasan sila ng pawis. They both hugged me tightly, and I want to witness more sunrise and sunset with them.

Pawisan na si Yohan pero hindi nya yun iniinda, kaya bilang kapalit sa pagbubuhat sa kanya ng binata ay pinupunasan ni Caileigh ang butil butil na pawis nito gamit ang towel.

Agad namang napapansin ng dalaga ang pamumula ng tenga ni Yohan at lumalabas ang dimple nito sa tuwing pinupunasan nya ito at minsan nga ay yumuyuko pa ito.

Sa wakas ay narating na nila ang tuktok at eksaktong sisikat na rin ang araw.

Ibinaba na ni Yohan si Caileigh at humawak sa bewang ng dalaga para alalayan itong tumayo dahil hindi itinutuon ni Caileigh ang isang paa sa lupa.

“Ang ganda” komento ni Caileigh sa papasikat na araw.

“Sobra” segunda ni Yohan habang nakatingin sa dalaga.

Nang maramdaman ni Caileigh ang tingin ni Yohan ay nilingon nya ito na sya namang pag iwas ni Yohan.

“A-ang g-ganda ng araw… t-tumataas” utal na wika nito na syang ikinatawa ni Caileigh.

Sweetest AffairWhere stories live. Discover now