Chapter 16

0 0 0
                                    

CHAPTER 16

“Mga hija, yun na ata yung mga kasama nyo” turo ng matandang tinutulungan nilang gumawa ng kwintas

Dahil sa kabagutan ay naisipan nila Caileigh at Rhianne na makihalubilo sa mga taong malapit sa tinutuluyan nila.

“Dude, una na muna ako sa bahay” rinig ng dalawang dalagang saad ni Chandler na nauna nang pumasok sa bahay dala dala ang mga pinamili. Si Yohan naman ay dinaluhan sila sa bahay ng matandang nakilala.

“Magandang hapon po” magalang na bati ni Yohan sa matanda

“Magandang umaga rin, hijo.” Nakangiti namang bati nito

“Sya nga pala si Nanay Soledad, gumagawa sya ng bracelet at necklace na gawa sa shell. And since bored na kami, we choose to help her” imporma ni Caileigh sa binata

“Really? Kailangan nyo pa po ba ng shells? Willing po akong maghanap “ saad ni Yohan

“Salamat, hijo, pero marami pa kong mga kabibe dyan na magagamit” pagtanggi ng matanda

“Ganun po ba? Meron po ba  kayong nakakasama dito para ipaghanap kayo ng shells, kung wala po, pwede nyo kaming tawagan. Nandyan lang po kami sa putting bahay” alok ni Yohan

“Mag isa lang ako dito”

“Nakwento ko na sa mga dalagang ito kanina, patay na ang asawa ko. Dalawang taon na ang nakakalipas” imporma nito

“Hindi rin sila nabiyayaan ng anak” dugtong naman ni Rhianne

“Hindi pa pala po namin natatanong, anong pong panagalan ng asawa nyo?” tanong ni Caileigh habang pinaglalaruan ang isang shell sa kamay

“Sandali lang, ipapakita ko sayo ang litrato nya” tumayo ang matanda at pumasok sa loob ng kawayan nitong tahanan

Hindi rin ito nagtagal at bumalik na ulit dala-dala ang dalawang litrato at iniiabot kay Caileigh. Tinignan ng dalaga ang isang litrato na di pa gaanong madepina ang kulay. Mukhang bata pa roon ang lalaki ngunit tila pamilyar ito kay Caileigh.

“Doon sa isang litrato, kuha yan isang taon bago sya maiksidente” saad ni Nanay Soledad na syang tinignan naman ni Caileigh ang isa pang larawan at doon nya nga napagtantong parte ang lalaking iyon sa nakaraan nya

“Kuya Jose, nasan po si mommy at daddy?” tanong ko nang maka uwi galing sa school

“Umalis po sila kani-kanina lang. Alam nyo naman pong anibersaryo nila ngayon” sagot sakin ni Kuya Jose

“Tulungan nyo po akong maghanda para sa kanila. Punta po tayo sa mall”

“Ma’am, pumasok na po kayo. Baka maabutan nila tayo.” nagmamadaling saad ng lalaki.

“Salamat, Kuya Jose” saad ko pagkapasok sa sasakyan.

Agad na napasapo si Caileigh ng noo dahil tila umikot ang paligid nya dahilan para mabitawan nya ang mga litrato. Nasuportahan naman ni Yohan ang likod ni Caileigh at ginawa syang sandlan ng dalaga para hindi mapahiga.

“Caileigh, ayos ka lang ba?” nag aalalang tanong ni Rhianne nang mapansing namumutla si Caileigh

“Nako, i-uwi nyo na sya. Ako nang bahala dito, masyado ata syang napagod, pasensya na” nakayukong saad ni Nanay Soledad

“Nako, hindi po. Bigla bigla po talaga syang nahihilo ng wala sa oras, kahit po walang ginagawa nahihilo sya” sagot naman ni Rhianne ng mapansing nakokonsensya ang matanda

Tila naman nakahinga ng maluwag ang matanda dahil sa sinabi ni Rhianne “Hindi kaya buntis sya?” birong tanong nito

“Wag ho kayo mag alala, babalitaan ho naming kayo kung kelan ang binyagan” sagot ni Yohan na rinig ni Caileigh dahilan para sampalin nya ito ng mahina

Sweetest AffairWhere stories live. Discover now