Special Chapter

41 4 0
                                    



"Summer after high school
When we first met
We make out in your mustang to Radiohead
And on my 18th birthday
We got matching tattoos”

“Used to steal your parents liquor
And climb to the roof
Talk about our future
Like we had a clue
Never planned that one day
I'd be loosing you...”

“In another life
I would be your girl
We keep all our promises
Be us against the world”

“In another life
I would make you stay
So, I don't have to say
You were the one that got away
The one that got away...”

"Penelope!"

Nagulat ako sa lakas ng pagtawag sakin ni mama. Kaagad kong hinubad yung airpods ko at binalingan siya

"P-po?"

"Kanina kapa sa eroplano tulala ah?" Agad naman akong nagbaba ng tingin sa sinabi niya

Kasalukuyan kasi kaming nasa loob ng kotse ngayon papunta sa bahay ng grandparents ko dito sa Cebu. Hindi ko naman namalayan na kanina pa pala napapansin ni mama na lutang ako simula kanina nong nasa airport kami

"S-sorry po"

"What's bothering you?" Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya upang salubongin ang titig niya nakita ko naman sa mga mata ni mama na tilay alam na niya ang kasagutan

"Tungkol pa rin ba ito sa amnesia mo anak?”

"Tumawag kayo ng doktor Kael! Bilisan niyo Ella! Gumagalaw na si Penelope"

Pagkatapos kong maigalaw ang aking daliri unti-unti ko namang minulat ang aking mga mata. Nong una blurred pa ang aking nakikita ngunit kalaunan naging malinaw na rin sakin. White ceiling kaagad ang sumalubong sa aking paningin nang magising ako

"Check her vitals"

Marami pa akong naririnig sa kanila ngunit hindi ko maintindihan. Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga at nakita ko naman silang nag-aalala sa kalagayan ko

Bawal na ba akong bumangon?

"Wag ka munang bumangon hija, humiga ka mu-" pinutol ko kaagad ang sasabihin ng doktor

"Nasan ako?" Nakita ko naman silang natigilan sa sinabi ko

"A-anak" Sabi nong ginang sabay lapit sakin at hinawakan ako sa kamay. Agad naman akong napatingin sa kamay niyang nakahawak sa akin at sinalubong ang titig niya

"S-sino po kayo?" Biglang tumulo yung luha ng ginang sa sinabi ko

May nakakaiyak ba sa sinabi ko? Nagtatanong lang naman ako

Agad ko namang inilibot ang aking paningin at nakita ko talaga silang natigilan sa sinabi ko pati ang doktor at nurse parang naaawa sila sa kalagayan ko

Anong nakakaawa sakin?

"S-sino a-ako?" Sabi ko sabay turo sa sarili ko at hinarap ang doktor

Agad namang napahagulgol ang ginang sa sinabi ko nakita ko naman ang isang babae na ka edad ko lang ay naiiyak na rin siya pati na rin yung lalaki na katabi niya

"A-ano po ba ang nangyayari?" I asked them then they told me that I have an amnesia

Parang biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko

In Another Life (Completed)Where stories live. Discover now