Chapter 3

42 5 0
                                    

Chapter three





"Gising na ba siya?"

"Hindi pa po."

"Abay kanina pa siya rito ah? Ano ba talagang nangyari sa kanya?"

"Hindi ko rin ho alam eh. Basta nakita ko nalang siya kanina sa may parking lot na nahimatay."

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Nagising ako nang dahil sa ingay na pamilyar na boses sa 'kin. Pagkamulat ay agad kong iginala ang aking paningin.

Nasa'n ako? Anong nangyari sa 'kin kanina?

"Penelope!" Dinig kong boses ni Kael.

Agad naman siyang tumayo at lumapit sa pwesto ko.

"Ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo? Ano? Nahihilo ka pa ba? Penelo-"

"Ayos lang ako Kael. N-nasa'n ba ako?" Tanong ko at agad na umupo sa kama.

"Dinala kita rito sa clinic,"

"Ano bang nangyari sa 'kin? Kanina paba ako rito?"

"Oo, nakita kita kanina sa may parking lot bigla kang hinimatay kaya dali-dali kitang dinala rito sa clinic."

"Mga ilang hours na ako rito?"

"Three hours--"

"What?" Agad ko namang kinuha 'yung phone ko na nasa loob ng bag. Tatawagan ko sina mama at papa baka magulat sila dahil hindi pa ako umuuwi.

"Sina tito at tita ba? Sinabi ko na sa kanila kanina Pops."

"Anong sabi?"

"Na pagpahingahin ka muna rito."

"Ayos na ako Kael. Kailangan ko nang makauwi."

"Talaga?" Sabi niya at tinaasan niya ako ng kilay.

"Okay na ako."

Tinignan ko 'yung wrist watch ko at do'n ko lang nalaman na alas otso na pala ng gabi.

"Ihahatid na kita Pops--"

"I have my own car Kael. I can drive naman."

"Pero nangako ako sa parents mo kanina na ihahatid kita!" Sabi niya at pinigilan niya akong buksan ang pintuan ng kotse ko.

"You have your car. Pa'no na 'yan?"

"Babalikan ko--"

"Tapos? Magta-taxi ka papuntang school para kunin 'yung kotse mo? Naku 'wag na Kael! Naga-aksaya ka lang ng pera at oras mo!"

"Please, I beg."

Napabuntong hininga nalang ako sa kakulitan ni Kael.

"Fine!" Sabi ko sabay hagis ng car key ko sa kanya na agad naman niyang sinalo.

Agad naman akong pumanhik sa passenger seat at pumasok na rin siya sa driver seat.

"Alam mo ba kung sa'n 'yung bahay ko?"

"'Yun nga ang problema." Sabi niya sabay tawa.

"Tss."

Minutes later nasa harap na ko ng bahay namin. Agad naman akong lumabas sa passenger seat at hinarap siya nang makalabas na rin siya sa kotse ko.

"You know what Kael? Hindi mo naman kailangan gawin to"

"It just a small thing Pops. Nga pala anyare sa 'yo kanina? Ba't bigla kang hinimatay? Masama ba ang pakiramdam mo kanina?"

In Another Life (Completed)Where stories live. Discover now