Chapter 12

26 5 0
                                    

Chapter twelve







Pinakatitigan ko anga aking sarili na nakahiga sa hospital bed, unconscious at natutulog. I found out that I have so many bruises sa arm ko may mga namumula pang sugat sa mukha at kabilang braso ko may mga iilang peklat din sa hita ko. Maay tubo na nakakonekta sa akin may nilagay din sila sa ulo ko na parang tela at sa leeg ko dahil namumula raw ito

Ano ba kasi ang nangyari sa akin?

Sa pagkakaalam ko ang tanging naalala ko lang ay nagd-drive ako galing school pauwi samin tapos may nakita akong ilaw na sobrang nakakasilaw at ang ingay ng busina ng truck then I tried myself to step the break pero hanggang don nalang. Wala na akong maalala pa... Hindi kaya...

Na-aksidente ako?

Patay na ba ako?

Kung hindi bakit lumabas yung kaluluwa ko sa aking katawan?

Kung oo bakit humihinga pa yung sarili ko na nakahiga sa hospital bed?

Na f-frustate na ako!

Bigla naman akong napatayo nang marinig kong bumukas ang pinto at pumasok don ang doktor kasama ang isang nurse

"Doc, a-ano po bang nangyari sa anak ko?" Mama asked the doctor while inaalo naman ni papa si mama dahil ano mang oras ay parang iiyak na ito. I saw Kael and Ella outside of my room tila hinihintay nila ang permiso ng aking mga magulang upang makapasok sa kwarto na ito

"I'm sorry Mr and Mrs Mendoza pero nagkaroon po ng major head injury yung anak nyo" Sabi nong doktor na ikinagulat ng aking mga magulang "Sadyang malakas po talaga ang pagkakatama ng ulo niya nong na car accident po siya"

Ano?

Na car accident ako?

"Then Mrs. Mendoza, for now she's still unconscious and she's in comatose po Mrs--"

"What?"

"I'm sorry pero-"

"H-hindi naman siguro siya magkaka-amnesia diba doc?" Nauutal na tanong ni papa

Bigla namang napabuntong hininga ang doctor at hinarap sina mama at papa

"M-maybe" then he looked away "Excuse us" sabi nong doktor at kaagad na umalis sa kwarto kasama ang nurse. Pagkaalis naman ng doktor agad namang pumasok sina Kael at Ella

"K-kamusta po tita?" Kael asked pero hindi siya sinagot ni mama at napadaosdos ito sa sahig at patuloy na umiiyak

"A-ano pong nangyari tito?" Ella asked

"She's in comatose"

"Ano?" Sabay na sabi nina Kael at Ella

"Then, may possibility na magkakaroon siya ng amnesia" Sabi ni papa sabay yakap ni mama na patuloy pa rin sa pag-iyak

Kung hindi ako patay ngayon... Mamamatay na ba ako? Is this a sign?

"Yes" sagot ng kung sino

Agad ko namang nilibot ang aking paningin para hanapin kung saan nanggaling yung boses na yun

"Behind you" Sabi niya kaya kaagad naman akong tumalikod at laking gulat ko na may nakakita sakin

"S-sino ka? Nakikita mo'ko?" I asked

"Hindi ako sinuka! Inuluwal ako ng mama ko nong buhay pa ako" he said then he laughed

"A-ano ba! Seryoso ako! Sino kaba? Kilala mo ba ako? Bakit mo'ko nakikita?"

"Isa-isa lang! Mahina yung kalaban eh!" He said kaya tumahimik nalang ako

In Another Life (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon