Chapter 14

16 4 0
                                    

Chapter fourteen








Mamamatay na ako

Mamamatay na ako

Mamamatay na ako

Mamamatay na ako

"Hoy Bella!" Napabalik naman ako sa huwisyo nang dahil sa boses ni Matty

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya sabay upo sa tabi ko

"May nakakapagpabagabag ba sayo?" Agad ko namang isinandal yung ulo ko sa balikat niya

"H-hindi ko k-kaya Matty" naiiyak kong sabi agad naman niyang hinaplos yung ulo ko "May maiiwan na naman akong m-mahal sa buhay Matty" napahagulgol nalang ako sa sakit ng aking nadarama

Agad namang inilayo ni Matty yung ulo ko mula sa pagkakasandal sa balikat niya at hinaplos yung pisnge ko gamit ang hinlalaki niya

"Shh"

"Wala na ba talagang ibang paraan Matty? Ayaw ko silang iwan" nag-uunahan na namang tumulo ang mga luha ko na agad ko ring pinunasan

"Paumanhin ngunit..." Agad naman siyang umiwas ng tingin sakin "Wala na talaga Bella" mas lalo pa akong napahagulgol sa sinabi niya

Ilang oras din kaming nakatambay sa garden kami ni Matty at napagdesisyonan namin na pumasok na sa loob. Pagkapasok ko narinig ko kaagad ang pag-aaway nina mama at papa

"Hindi mo kasi ako naiintindihan Marco! Bilang isang ina masakit... Sobrang sakit na makita mo yung anak mo na nakahilata sa kama at na comatose! May posibilidad pa na magka-amnesia siya--"

"Bakit? Bakit Laura? Sa tingin mo ba hindi rin ako nasasaktan? Kung mas nasasaktan ka na kahapon kapa iyak ng iyak, how much more sakin na kinikimkim ko yung sakit? Pinipilit kong aluin ka! Pinipilit kong maging masigla! Pinipilit kong magiging okay ang lahat! Pero sobrang sakit Laura! Sobrang sakit na hindi mo mailabas yung sakit na nararamdaman mo sa kaloob-looban mo! Hindi ko man ipinapakita sayo na ang aking nararamdaman pero Laura tao rin ako, isa rin akong ama kaya masakit din para sakin” Bigla namang tumulo yung mga luha ko dahil nakita kong umiiyak sina mama at papa "Masakit Laura... Kaya wag na tayong magsumbatan pa please? Alam nating masakit as a parent sobrang sakit na makita yung anak mo na unconscious at na comatose"

Agad namang niyakap ni mama si papa ng mahigpit

"I'm sorry Marco... I'm so s-sorry... Sorry kasi h-hindi ko pinakinggan yung s-side mo"

"Hush now Laura... Everything will be alright" he assured mama agad naman akong humakbang papalapit sa kanila at sumali sa kanilang yakap ngunit lumampas lang yung braso ko sa kanila

"Matty" umiiyak kong sabi "Ang hirap naman neto... Gusto ko silang yakapin pero hindi ko magawa" Agad naman akong napaupo sa sahig at patuloy na umiyak lumapit naman si Matty sakin at inalo ako

"Shh"

"Miss ko na sila Matty... Gusto ko na silang mahawakan, mayakap, makausap... Matty" patuloy pa rin ako sa pag-iyak di nagtagal napagod rin ang aking mga mata sa kakaiyak kaya nakatulog nalang din ako

Inimulat ko ang aking mata at si Matty agad ang aking unang nahagilap

"Gising kana pala" Sabi niya sabay upo sa tabi ko "ayos na bang pakiramdam mo?" Tanong niya kaya tumango naman ako "Sigurado ka?" Paniniguro niya at tumango lang ako agad naman siyang nagbuntong hininga na ikinanoot ng noo ko

"Bakit?"

"May ipapakita ako sayo"

"Ano yon?"

"Isa sa mga magagandang ala-ala nyo" Sabi niya sabay ngiti

"Cheers to the newlyweds Mr. and Mrs. Zamora" Sabi ni tito kaya agad ding sumunod yung mga tao

"Cheers!"

Agad namang tumayo si Joseph at pumunta sa sentro saka kinuha yung mic mula sa emcee

"This song is for you Mahal ko" Sabi niya na ikinangiti ko at agad namang humiyaw ang mga bisita

“When the visions around you
Bring tears to your eyes
And all that surround you
Are secrets and lies”

Unit-unti naman siyang lumapit sakin na mas lalong ikinahiyaw ng mga nanonood

“I'll be your strength
I'll give you hope
Keeping your faith when it's gone
The one you should call
Was standing here all along”

Inilahad naman niya sakin ang kanyang kamay at agad ko naman itong tinanggap at dinala niya ako sa sentro

"I love you Mrs. Ysabella Leona-Zamora" mas lalo pang humiyaw ang mga bisita

"Oh my love is blushing" agad ko naman siyang tinampal sa braso

“And I will take you in my arms
And hold you right where you belong
Til the day my life is through
This I promise you...”

Unti-unti naman niyang inilapit ang aming mga noo at nang magdikit ang aming noo kinanta niya yung last sentence na nakatitig lamang sa aking mga mata

“This I promise you.." he sang then he kissed me. He kissed me on my lips. He kissed me in front of the crowd. He kissed me like I'm his only

Nang matapos ang halikan namin agad ko namang ipinulupot ang kamay ko sa leeg niya at yung mga kamay naman niya at nasa bewang ko

"I love you Joseph"

"I love you more Bella"

"Sinasaktan mo ba ako Matty?" Tanong ko sa kanya agad namang kumonot ang noo niya na tilay naguguluhan

"Huh?"

"Bakit mo pinapaalala sakin?"

"Kasi nakalimutan mo?"

"Ewan ko sayo" akmang iiwan ko sana siya sa loob nang pinigilan niya ako

"Sandali lang! Ito naman di mabiro! Umupo ka nga!" Agad naman akong umupo sa tabi niya

"Pinapaalala ko sayo yun kasi aside sa nakalimutan mo isa iyon sa memories nyo na tinreasure niyong dalawa ni Joseph"

"Don mo makikita na kung gaano nyo kamahal ang isa't-isa Bella"



In Another Life (Completed)Where stories live. Discover now