Chapter 8

16 6 0
                                    

Chapter eight





Ano bang nangyari sakin kahapon? Bakit ko siya sinundan? Bakit ko siya pinigilan? Bakit ko siya kinausap? Bakit tinawag ko siyang Joseph? Bakit ako nanlumo? Bakit ako nasaktan? Bakit ako umiyak? Bakit? Bakit?

"Penelope!"

"Huh?"

"Ayan ka na naman eh! Pre-occupied ka na naman!"

"S-sorry"

"Ni hindi mo nga nagalaw yung lunch mo oh! Sa kaka-overthink mo hindi ko na nakain yung lunch mo"

"What's the matter Pops?" Kael asked

Nagkasama kaming tatlo rito sa cafeteria? Putangina Penelope! Lutang na lutang ka nga ngayon! Ni hindi mo man lang napansin si Kael na kanina pa pala siya namin kasama rito

Putangina Joseph yun! Sino ba kasi yun? Bakit ba kasi siya lumabas nalang bigla sa bibig ko! Kung si sir Johann ay nalilito pati ako nalilito kung bakit Joseph yung tawag ko sa kanya kahit alam kong Johann ang pangalan niya! Putangina mo Penelope!

Napasasuklay nalang ako sa buhok ko gamit ang daliri ko. Na f-frustate na ako!

Naging masaya nga ako these past few weeks kasi wala nang bumabagabag sakin tapos kahapon nakita ko lang si sir at tinawag ko siyang Joseph bumalik na naman ako sa pagiging sabaw

Natapos ko yung lunch ko na hindi kinakausap yung dalawa pagkatapos kong kumain basta ko nalang silang iniwan sa cafeteria at nagpunta ako sa may garden namin dito sa school baka sakaling maging aliwalas ang pakiramdam ko

Pagkarating ko sa garden may nakita akong bench na bakante kaya agad akong umupo ron. Kay sarap pakinggan ang mga huni ng ibon, ang pagtunog ng sumasayaw na mga puno at ang preskong hangin na humahalik sa akin. Mabuti nang nandito ako para kahit sa pansamantala man lang makalimutan ko yung problema ko

Habang nakapikit naramdaman kong nauuhaw ako! Kaya agad akong tumayo at pumunta sa malapit na vending machine na andito lang din sa garden namin. Akmang lalapit na sana ako nang makita ko si sir sa tapat ng vending machine at dahil sa nangyari kahapon napagdesisyonan ko nalang na lumayo sa kanya. Ang laki-laki ng campus Penelope! Tiyak na madalang nalang kayong magkatagpo

Habang naglalakad papalayo may biglang kumalabit sakin. Agad naman akong napalingon at laking gulat ko na si sir Johann yung kumalabit sakin

"S-sir!"

"Sir? Tapos kahapon Joseph?" Then he chuckled

Bigla akong napasinghap sa aking narinig. Even his chuckle is familiar to me

"Why?" Napansin niya ata ang biglang pagsinghap ko

"N-nothing" I said then I look away

"I saw you earlier. Pupunta ka sana sa vending machine kaso andon ako kaya ka lumayo diba?" Agad naman akong nag-angat ng tingin sa kanya

Pano niya nalaman?

"Wala naramdaman ko lang"

Pano niya nabasa ang aking isipan?

"Masyado ka kasing obvious na nagtatanong ka kaya sinagot ko nalang" Sabi niya at sinagutan ko lang siya ng tango

"Here" Sabi niya sabay bigay sakin ng coke in can

"Uhmm sir--"

"Tanggapin mo na" Sabi niya sabay inilapit sa kamay ko ang de latang coke

Yung mga haplos niya sa aking kamay sobrang pamilyar sakin. Sino kaba sir Johann?

"Okay ka lang?"

"Y-yeah" Sabi ko sabay buntong hininga

"You don't have a class?"

"V-vacant ko ngayon"

Shit! Bakit ako nauutal?

"So san ka muna tatambay?"

"D-dito sana"

"Okay, sasamahan kita"

"P-po?"

"Yeah you heard me" then he smiled at me na para bang yung mga ngiti niya ang pinakamatamis sa buong daigdig. Hindi ko alam pero bigla nalang akong napangiti parang may naaalala ako

"Hoy teka lang!"

"Bakit ba?"

"Hinihingal mo ako eh!"

"At kasalanan ko pa? Eh, ikaw tong tumakbo eh! Bakit ka kasi tumakbo?"

"Hinahabol nga kita!"

"Dahil?"

"Wala! Libre ko! Tara na" Sabi niya sabay hila

"Anong gagawin natin dito sa fast food?"

"Hala sige humiga ka rito! Malamang kakain tayo"

"Basta libre mo ah!"

"Oo naman! Diyan ka lang o-order lang ako"

"Sige"

Di nagtagal nakabalik na rin siya

"Kumain kana"

Biglang natigilan yung babae sa pagkain dahil may nakatitig sa kanya. At sobrang awkward non. Kaagad naman siyang nag-angat ng tingin at laking gulat niya na siya pala yung nakatitig sa kanya

"Bakit? May dumi ba sa mukha ko?"

"Hindi. Ang ganda mo" Sabi niya sabay ngiti ng pagkatamis-tamis

"Joseph!”

"Hey miss!"

Bigla akong napabalik sa huwisyo nang bigla niya akong tinawag agad naman akong nag-iwas ng tingin

"May dumi ba sa mukha ko at kanina kapa nakatitig?"

Shit! Habang may naalala ako nakatitig pala ako sa kanya?

"Uhm w-wala. M-may naaalala lang ako" Sabi ko sabay iwas parin ng tingin sa kanya. Nakakahiya ka Penelope!

"Alam mo honestly speaking, you look familiar" bigla akong napasinghap sa sinabi niya

Agad naman akong nag-angat ng tingin sa kanya at biglang nagkasalubong ang mga titig namin

Ano raw? Familiar?

"Kaso.... Hindi ko maalala" sabay niya sabay buntong hininga

Parehas kami

Habang nagsalubong ang aming mga titig bigla akong napasinghap sa ginawa niya. He lifted my chin up to face him more. Ngayon, mas malapit na ang mukha namin sa isa't-isa

"Who are you?" I asked him na ikinagulat niya

In Another Life (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora