Chapter 13

19 6 0
                                    

Chapter thirteen








"Your true name was Ysabella Leona-Zamora"

Hindi ko maibuka ang aking bibig. Wala rin naman akong masabi. Totoo ba talaga ito? Ako si Bella?

"P-paano nangyari yun?" Nauutal kong sabi

"Gusto mo malaman?" He asked then I nod

"Okay" Sabi niya sabay lakad paalis sa kwarto hindi nalang ako umimik at sumunod nalang sa kanya

"Ikaw si Bella and Joseph was your husband"

Asawa ko si Joseph?

"Naaalala mo pa ba yung mga napapanaginipan mo? Yung mga scenarios na minsay nakita mo sa mga salamin?"

"O-oo"

"Lahat nang yun nangyari yun sa past life mo"

"P-past life?"

"Yes" Sabi niya sabay upo sa bench at don ko lang napansin na nasa garden na pala kami ng ospital

"Ipagpatuloy ko ang pagkwento... Diba ako si kamatayan at alam ko kung kelan mamamatay ang isang tao. Anong taon, buwan, araw at oras alam na alam ko. Ngunit sa pagkakaalam ko ikay mamamatay sa edad na kwarentay otso"

Kwarenta-- forty-eight?

"Kaso... Naputol kaagad yung buhay mo. Instead na forty-eight naging twenty-eight" Sabi niya sabay buntong hininga

"Ano bang ikinamatay ko?"

"Car accident"

"So ako pala yun? Yung nakita kong na aksidente?"

"Oo" Sabi niya sabay ngiti "Nong buhay kapa fifty-fifty na yung buhay mo sabi mo gusto mo nang magpahinga kaya ka bumitaw... At iniwan mo si Joseph na nagluluksa" he said then I looked away kasi nararamdaman kong patulo na ang aking mga luha

"Nong namatay kana at bumista ka sa lamay at puntod mo don mo na narealize na gusto mo pa palang mabuhay. Kasi nasasaktan kana sa tuwing nakikita mo si Joseph na umiiyak sa harap ng puntod mo. Umiiyak, nakikiusap na sanay bumalik ka sa buhay niya at mabuhay pang muli" Sabi niya at hindi ko na napigilang maiyak

"Pagdating nong araw na susunduin na sana kita, umiiyak ka sa harapan ko, nakikiusap ka na pabalikin ang nakaraan dahil gusto mo pang mabuhay ulit. Ngunit wala akong kakayahan na pabalikin ang nakaraan" mas lalo pa akong napahagulgol sa sinabi niya

"Shh" pag-aalo niya sakin sabay hagod sa likod ko "Nong sinabi ko yun sayo noon imbis na tumahan ka mas lalo ka pang umiyak. Sabi mo nagsisisi ka kung bakit ka bumitaw, kung bakit hindi mo pinaglaban, kung bakit mo iniwan si Joseph" napabuntong hininga nalang siya "Sabi ko hindi ko kayang pabalikin ang nakaraan ngunit may kakayahan akong pabilisin para sa kinabukasan" sabi niya na ikinatigil ko

"F-future?"

"Yes" he said then he smiled "Sabi mo pa noon gagawin mo ang lahat mabuhay ka lang ulit. Kaya binigyan kita ng pagkakataon na mabuhay ulit ngunit may consequences"

"What was it?" I asked

"Yan din yung tinanong mo sakin noon" Sabi niya sabay tawa "Anyways let's go back to topic... So yun nga sinabi ko sayo yung consequences... Wala kang maaalala ni isa sa past life mo kahit si Joseph makakalimutan mo. Pero dahil naaawa ako sayo noon sabi ko pagtungtong mo sa edad na tamang oras at panahon unti-unti mo na itong maaalala. Ngunit..."

"Ngunit ano?"

"Hindi ka nakinig sa mga consequences mo. Kaya hinayaan nalang kita. Sabi mo pa handa ka ng mabuhay ulit tapos sabi ko mare-reincarnate ka after twenty years mula sa pagkamatay mo and after twenty years naisilang ka ngunit hindi bilang Ysabella kundi bilang Penelope" sabi niya sabay ngiti

"W-what happened to J-Joseph?" Nauutal kong tanong

"Obvious naman na namatay din siya tapos na reincarnate"

"Hindi! I mean! Bakit siya namatay!"

"Kinabukasan ng death anniversary mo nagpakamatay si Joseph" Sabi niya na ikinagulat ko

"Kagaya rin ng sayo na tinapos niya agad ang buhay niya kahit wala pa sa oras kaya nilapitan ko siya at tinanong kung gusto pa ba niyang mabuhay muli alam mo ba kung anong sagot niya?"

"W-what?"

"Oo kung sa next life ko kasama ko pa rin si Bella" bigla namang napatulo ulit yung luha ko sa sinabi ni Matty

Mahal na mahal talaga ako ni Joseph

"Kaya ayun binigyan ko rin siya ng pagkakataon na mabuhay ulit. May consequences din siya kagaya ng sayo ngunit wala siyang maaalala hindi kagaya sayo na may tamang oras na maaalala mo ang lahat at yun ay ang ngayon"

"Then?"

"Then after non sabi ko mare-reincarnate siya after ng fifteen years mula sa pagkamatay niya. At don naisilang siya ulit bilang Johann Montevuerde. At isa na siyang ganap na guro ngayon" Sabi niya sabay ngiti

"Ano ba talaga yung mission namin? Aside sa mabuhay ulit?" Tanong ko

"Makita nyo ulit ang isa't-isa" Sabi niya sabay titig sakin nakikita ko sa kanyang mga mata ang nararamdaman niyang awa para samin ni Joseph

"Hindi maging isang mag-asawa ulit. Kundi magkaibigan"

"What do you mea-"

"Yes Bella. Itong next life nyo itinakda kayong bilang magkaibigan"

"B-bakit? Bakit magkaibigan? Kaya nga namin gustong mabuhay ulit diba para makasama namin ang isa't-isa?!"

"Oo nga! Pero wag mong gayahin ang next life na ito sa past life mo! Lahat nagbabago Bella! Walang permanente sa mundo!" Sabi niya sakin at hindi ko na napigilang maiyak ulit

"M-malapit na ba a-akong mamatay?" I asked while I looked away

"Malapit na" Di ko na napigilan ang sariling mapahagulgol

May maiiwan ulit akong mga mahal sa buhay... Mamimiss ko kayo mama, papa, Ella and Kael...

In Another Life (Completed)Where stories live. Discover now