:: 3 ::

795 9 0
                                    

Isang magandang umaga bansang Pilipinas!

Kahit na di masyadong kagandahan ang mga nangyari sa akin nitong mga nakalipas na araw eh dapat GV pa rin ako. Sabi nga nila, Carpe diem! Konek?

So far, eto pa din ako, maganda!

As I walk in the hallway, tah grabe! Napapa-english ako sa sobrang GV. Lab it! with matching kembot *kembot to the right* :) *kembot to the left* eh sa di ko malamang dahilan bigla nalang akong nadulas! Ka-engot-an ko talaga!

Buti at walang nakakita. Maaga pa naman kasi. Whew!

“Hahaha. Nakakatawa Llanes. Ang aga-aga nag-eexhibition ka?”

Alam nyo naman siguro kung sino yung nagsabi nun diba. Isa lang naman ang tumatawag sa akin ng Llanes eh.

Naman! Sa dami ng pwedeng makakita sa akin siya pa talaga ha!

Tumayo naman ako agad. Tapos nagsmile kahit hiyang-hiya na ako.

“Syempre naman sir. Gusto kitang pinapasaya eh.” Oh diba, nagawa ko pang magjoke. Naman! Ako lang nakakagawa nyan.

“Sabagay. Effective naman.” tapos tumawa ulit sya. Halata namang effective. Halos pula na nga mukha mo kakapigil ng tawa.

“Hala ka, masama magpigil ng tawa. Mamaya sa ibang paraan yan lumabas. Ikaw din.”

At dahil don, humagalpak ng tawa si Kevin. Grabe, kaka-turn-off. Joke :D

Nung nakarecover na sya, buti nalang dahil mukha syang ewan kanina at baka marami pa ang mainlove sa kanya, madagdagan na naman ang mga karibal ko, eh nagresume na kami sa paglalakad.

“Di nga Llanes, seryosong tanong, sinadya mo ba yung kanina? Sakto kasi talaga eh.”

“Ha ha Sir. Patawa ka. Feeling mo naman gagawin ko yun para sayo? Aksidente yun sir. A-k-s-i-d-e-n-t-e.” Composure ang tanging kinakapitan ko ngayon. Hindi nya pwedeng mahalata na kinikilig ako. Sabi nga nila, ACT NORMAL.

“Alam mo ang kulit mo din. Kevin ang itawag mo sa akin pag wala tayo sa classroom.”

“Sige sir gusto ko yan. Pero dapat first name ko naman yung itawag mo sa akin para fair.”

Ngumiti naman sya. Hay, mamamatay ako ng maaga nito ^_^

“Sure. Ano na nga ulit first name mo?”

Napahinto ako sa paglalakad. Pigilan nyo ko! Majojombag ko na to. Kahit naman siguro walang syang pagtingin sa akin eh dapat alam nya yung pangalan ko. Estudyante nya kaya ako! Hello?!

Ako: from  -_-  to  =_=  to >:(

“Whats with the face? Nagjojoke lang ako TWINK Margarette.”

Te-teka, pano nya nalamang Twink Margarette ang pangalan ko eh samantalang lahat ng papers ko sa school, kahit na quizzes, assignments, projects, hanggang class cards ko eh Margarette lang yung nakalagay? Kahit nga sa COR ko eh walang Twink (alam kong bawal yun. masama yun, wag gagayahin ok) at take note, binigyan pa talaga ng emphasis ang pagkasabi ng TWINK ha.

“Pano mo nalamang may Twink pangalan ko?” curious talaga ako

“Malamang, estudyante kaya kita.” Nakangiting sagot nya.

“Engggg. Try again.”

“Nakita ko sa ID mo?” palusot

“Wrong.”

“Sa record book ni Lolo?” palusot X 2

”Sa dental records mo?” palusot X 3

“Ah! Sa white form mo!” palusot X 4

“Oh-kay. Nakita ko sa birth certificate mo.”

“Bakit mo naman tinignan birth certificate ko?” Naiintriga talaga ako. Pero honestly, nabigyan ako ng hope na baka may pag-asa ako sa kanya at may gusto din sya sa akin!

“Sabi ko nakita! Hindi ko purposely/ sinadyang tingnan.”

“Weh?” OUCH NAMAN NUN. Andun na eh!

“Oo nga sabi. Diba nagkaron ng Olympiads nakaraan tapos pinagpasa kayo ng mga birth certificates et cetera kaya nakita ko.” pag-eexplain nya.

Sus akala ko naman yun na! Nakakainis! Nakakapanghinayang! KAASAR! Akala ko pa naman gusto nya din ako kaya inalam nya yun, tapos aamin sya sa akin na matagal nya na akong mahal, tapos luluhod sya sa harap ko with matching flowers sabay tatanungin nya ko kung pwede nya akong ligawan, tapos o-oo ako, tapos magiging kami, tapos magpapakasal na kami, tapos happy ending na, tapos tapos na tong istoryang ito. KASO HINDI EH. IMAGINATION KO LANG YUN. *sigh*

“Bakit ganyan itsura mo? Disappointed?”

“H-Ha? Disappointed? Pinagsasabi mo?” Halata ba? Disappointed much talaga ako. kaso di nya dapat malaman kaya ngumiti nalang ako. Fake.

“Hay naku, ok lang yan.” Sabay tapik nya sa balikat ko. After nun, nagtuloy-tuloy na sya sa paglalakad at iniwan ako.

Ang weird nya ha.

Pero dahil din dun,

patuloy ang pagtibok ng puso ko :)

Prof. Calculus COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon