Prof. Calculus (The Continuation)

2.2K 17 0
                                    

Calculus.

Takte, di ko talaga maintindihan kung bakit ko kailangang i-take itong Calculus na to. Ano namang koneksyon ng derivatives sa xylem at Kreb’s Cycle?

Education ang course ko at Biology ang i-mi-major ko next sem. Bakit kelangan ko pang dumanas ng ganitong paghihirap???

*RRRRIIIIINNNNNGGGGG*

Sa wakas, tapos na din ang 2 oras sa bartolina. Calculus subject eh, bakit ba.

Palabas na yung Prof namin ng bigla syang may maalala. (o diba alam ko!)

“Nga pala class, isa sa mga Math major ko ang nakapili sa block nyo. Next week, sya na ang magtuturo sa inyo ng Calculus. That’s all, dismissed.”

Napa - “Alleluiah!” yung mga classmate ko pati na din ako. Buti nalang at hindi na sya yung magiging teacher namin. Kasi naman para syang nasa karera magturo! Tapos kulang nalang eh magbonding na sila ng white board! Pano ba naman kasi dun laging nakatingin tuwing mageexplain. Kamusta naman kaya yun?

Sino kaya yung Math major na magiging kapalit ni Sir? Actually hindi naman talaga kapalit, practice teaching lang yun gagawin dun sa amin. Mag-a-act sya as our professor, magtuturo (syempre),  magbibigay din ng quizzes tapos seatworks, basta ganun. Tapos at the end of the sem, magfi-final demo tapos dun sila ira-rate ng mga professors nila kung pwede na ba silang magturo at makapasa.

Kinalabit ako ng katabi ko, si Chin.

“Sino kayang magtuturo sa atin? Excited na ko! buti nalang at nilubayan na tayo ni Sir.” Sabay tawa ng bruha. Kasama rin kasi yan sa federasyon, federasyon ng mga MAGAGALING at PABORITO ang CALCULUS (insert sarcasm here)

“Aba malay ko! Ano tingin mo sa akin? Manghuhula? Tara, dun na tayo sa canteen, gutom na ko eh” sabay hila ko sa bruha.

*Makalipas ang isang Linggo (fast forward!)

Oras na naman ng Calculus. Ang PINAKAPABORITO kong subject!

Pumasok na si Sir Dee (sya po yung Prof namin na laging nasa karera)

“Class starting today, Mr. Cena will be your practice teacher.”

WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAATTTTTTTTTTTTTTTTTTT? SI KEVIN???????

Pagkasabi ni Sir, nagtinginan sa akin yung mga classmate ko, as in LAHAT sila!!!

Ok. Siguro nagtataka kayo kung bakit ako affected at lahat sila napatingin sa akin, well maliban kay Sir Dee at Kevin na nakapasok na pala ng room namin.

Si Kevin kasi ano…

ex ko

CHARING!

ASA pa ko

Siya lang naman ang dahilan kung bakit ako naghihirap sa Calculus ngayon!

*Flashback*

Pasahan nung medical and dental eklavu sa university, incoming freshman ako (malamang!)  nang una ko syang nakita at promis! hindi lang panty ang nalaglag sa kin kundi pati puso, baga, atay, balun-balunan (tama ba ang spelling?) at lahat ng laman-loob ko lumagapak sa sahig nung tumingin sya sa akin.

Fortunately, wala pa akong napipiling course nung mga panahon na yun.

Sabi sa akin ng malandi kong kaluluwa: “Tanungin mo ang course nya at yun nalang din ang kunin mong course! Magkakaroon na ng direksyon yang buhay mo, may gwapo ka pang makakasama!”

Sabat naman ng conservative kong kaluluwa: “Ano ka ba? Mahiya ka nga! Kababae mong tao! Desperada much?”

Malanding kaluluwa: “OA ka te! Anong taon na ba? Classmate mo si Lapu-Lapu? Helloooo??? 21st century na ngayon! Di na uso yung ganyan!”

Prof. Calculus COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon