Chapter 7. Spin the bottle

2.6K 92 0
                                    


Chapter 7. Spin the bottle

Lianah's Pov

"Okay, okay! Spin the bottle tayo guys. Tutal ay wala ang mga first generation mafia's dito, so maglalaro muna tayo"

"Ano na namang kagaguhan yan Charlie?"

"Anong kagaguhan? Maglalaro lang naman tayo eh"

"Dami mong alam"

Napapailing nalang ako dito sa may tabi ni Zander dahil sa bangayan ng mag-asawang sina Charlie at Sunshine. Kahit na mag-asawa na sila ay hindi parin talaga nagbabago ang kakulitan nilang dalawa. Minsan nga iniisip ko kung magbabago ba ako kapag may asawa na rin ako.

It's been a week since I had last encountered my family. Zander want's them in jail for a month pero pinakiusapan ko siya na ilabas na lang sila sa kulungan basta't hindi na mauulit pa ang nangyari. Hindi ko alam pero hanggang ngayon ay tinutulungan ko pa rin ang pamilya ko kahit na gano'n ang pakikitungo nila sa'kin.

I sighed. Mahirap pakiusapan ang isang mafia boss pero ginawa ko parin because after all, they are my family. Nakiusap ako na huwag na lang sila ipakulong. Nung una hindi siya pumayag pero kalaunan ay napakiusapan ko rin siya. Sabi pa nga niya, kapag naulit daw ang pangyayaring iyon ay hindi na siya makikinig sa'kin at gagawin na lang niya ang kung anumang gusto niya gawin sa pamilya ko. Sa mga oras na iyon ay gusto kong lumayo sa kanya dahil sa nakakatakot na mga mata niya pero hindi ko naman pwedeng pabayaan ang pamilya ko kaya kahit na nanginginig na ako sa takot sa kanya ay pinilit ko parin siyang pakiusapan. Goodness. I swear, that won't happen again. I was so scared that time pero believe ako sa sarili ko dahil nagawa ko parin ang kailangan kong gawin.

I shooked my head and smiled like an idiot. Sometimes I'm asking myself. Why do I feel uneasy whenever Zander is around like what I'm feeling right now. My hands are sweating and shaking and I don't even know why. Was it because Zander is just beside me or what.

Nagkibit balikat ako at muling tumingin sa mag-asawang nagbabangayan parin hanggang ngayon.

"Ang pangit naman ng naisip mong laro tulad mo"

"Misis, sa tingin mo ba magkakaroon tayo ng mga magagandang anak kung pangit ako?"

"Ha! Sa'kin sila nagmana!"

Ilang minuto pa silang nagbangayan tungkol sa kung sino daw ba ang pinagmanahan ng mga anak nila hanggang sa nakarinig ako ng tikhim sa tabi ko na nagmumula kay Zander sapat na para marinig nung iba. Agad namang tumahimik ang paligid at napatingin sa lalaking walang emosyon ang mukha. He's really cold but hot at the same time.

Napangiwi ako sa naisip. Kailan pa ako naging manyak.

"Will you just f*cking shut up and just f*cking start the f*cking game!!"

Nagulantang ako sa kinauupuan dahil sa sinabi niya. Bahagya pa akong napausod ng upo. It's not a question but a statement. I gulped. That's too much curse. Well, palagi naman siyang ganong magsalita pero hindi ko parin maiwasang magulat like seriously, pwede naman siyang magsalita ng walang halong mura.

"F*ck daw este magsimula na daw"

Sabi ni Gabby. Hindi ko alam kung natatakot sila kay Zander o natatawa. I shooked my head and breath bago ko sinulyapan si Zander na ikinagulat ko pa dahil nakatingin din pala siya sa'kin.

Here it goes again. Goodness. My heart, nagwawala na naman.

"Ahmm...sali tayo?"alanganin kong tanong. Nakita kong nakaform na ng bilog ang lahat at kami na lang ang wala doon well, including kuya Ethan and ate Claudette. Wala sila rito kasi meron na silang sariling bahay pero madalas parin naman sila dito. Nagkataon lang na may pinapa-renovate sila sa mansion nilang kasya pa ang sampong pamilya. Filthy rich.

Love by the Mafia Boss✔(Zander Ace Lee)Where stories live. Discover now