Chapter 33. End

1.8K 64 0
                                    


Chapter 33. End

Charlie's Pov

"T*nginang mga bugok na yan. Ang papangit" mahinang bulong ko sa sarili habang nakasilip mula dito sa pinagtataguan namin para hindi kami makita ng mga kalaban.

Naghihintay kami ng tamang tyempo para sumugod dahil sigurado akong dehado sina boss kapag hindi namin sila tinulungan. Pakshet, ang gwapo ko talagang nilalang.

Napailing ako at muling napatingin kina boss. Maya-maya pa'y biglang itinutok ni Lianah ang baril niya sa tunay niyang ama na ikinagulat naman naming mga naririto. Napanganga ako sa nakita, wow, first time to ah. T*ngina, ngayon lang ako nakakita ng anak na nagtangkang patayin ang sariling ama. Napakibit ako ng balikat. Sabagay, kung ako si Lianah, siguro gagawin ko din ang ginagawa niya ngayon kasi in the first place, masamang tatay at masamang tao naman ang ama niya.

Napangisi ako nung makitang unti-unti ng ibinaba ni Lianah ang baril at napayuko. Kalaunan ay hindi sinasadyang mapatingin siya sa gawi namin kaya sabay-sabay kaming sumenyas sa kanya na huwag maingay. Putek, baka masira ang plano ni boss. Oo, plano ito ni boss dahil alam niya kung ano ang plano ng mga kalaban. Galing 'no, kaya lodi ko si boss eh kaya lang mas lamang lang ang kakisigan niya sa'kin ng mga tatlong paligo. Basta, gwapo ako period.

"Gagong Gab, t*ngina pre, huwag mo ngang tinatapakan yang original kong sapatos" bulong ko kay Gabby na nasa tabi ko.

Walang gana siyang tumingin sa sapatos ko na tinapakan niya. Syempre, damay na doon yung paa ko, bigat kaya ng paa niya kaya naman nasasaktan yung paa ko ng konti. Tsk. Napangiwi ako nung diniinan niya pa ang pagkakatapak sa paa ko bago niya tinanggal ang paa niyang nakatapak sa paa ko.

Pinandilatan ko ito. Aba gago talaga itong hinayupak na ito. Talaga bang ganito na ito magselos sa'kin dahil di hamak na mas magandang lalaki ako kesa sa kanya. Ibang klase talaga.

Hinarap ko ito at binatukan na ikinakunot naman ng noo niya. Tarantado talaga. Kung wala lang kami sa bakbakan ngayon, sigurado akong kawawa tong pinsan kong ito sa'kin. Palibhasa, kulang sa lambing ng shota niya. Tsk. Napailing ako at muling ibinaling ang atensyon kina boss na alam kong naghihintay na din ng tyempo bago sumugod.

Tagal naman ng bakbakan. Nangangati na ang mga kamay kong patumbahin ang mga lalaking wala namang mga itsura tsk.

Maya-maya pa'y napalingon si boss sa gawi namin at palihim na tumango na nangangahulugang oras na para sumugod. Nagkatinginan kaming lahat bago nabaling ang atensyon namin kina tito Ace na nasa kabilang gawi kung nasan man kami. T*ngina, buti pa sila, naka-chill lang at wala pa ata silang balak na lumaban. Napailing ako, ibang klase talaga ang first generation mafia. Mukhang hindi na nga bago sa kanila ang mga ganitong set-up. Ilan na kayang grupo ng mafia ang mga nakalaban nila. Curious si ako pero mamaya na tayo magdaldalan kasi kailangan na ako sa bakbakan.

Napangisi ako at inihanda na ang dalawang baril na hawak ko. Let's get it in baby, ubusin ang mga t*nginang animal!!

Sabay-sabay kaming lumabas mula sa pinagtataguan namin at sabay-sabay ding pinaputukan ang mga men in black na nakapalibot kina boss Zander. T*ngina, pagod na ang kagwapuhan ko dahil kanina pa kami lumalaban sa sandamakmak na mga men in black. Nasugatan pa nga ako eh pero buti na lang at hindi sa mukha kaya oks lang naman si ako. Mababaw lang ang sugat at malayo sa bituka.

Masamang damo ako kaya alam kong malayo-layo pa ang itatagal ng kagwapuhan ko sa mundong earth.

"Uy t*ngina pre, ano kaya pa?" natatawang tanong ko kay gagong si Vash nung makita ang mahigit sampong men in black na nakapalibot sa kanya.

Love by the Mafia Boss✔(Zander Ace Lee)Where stories live. Discover now