"Now, go get your groups. You are free to choose only ten members."

Nagsimula na ulit magkalat ang paligid. Kanya kanyang tawag at pag-anyaya sa mga kaklase namin para makabuo ng isang grupo. Lahat abala maliban sa amin na okay na pero may kulang pa. Sobrang dami ng kulang dahil apat lang kami, dagdag mo pang wala si Michelle rito ngayon.

Nagkatitigan lang kami at nagkibit balikat. Napaiwas tingin ako dahil hindi ko maatim na makitang ganito kami. Kanya kanyang isip tuloy kami para sa gagawin nang bigla nalang napa-ayos ng upo si Ash.

"Fia, ilan kayo!?" Iyon agad ang bungad nito sa dumaang si Fia.

"Lima. Gusto niyong sumali?" Walang alinlangan nitong pag-anyaya sa amin.

Hindi na kami nagdalawang isip pa't sumang-ayon agad. Wala na kaming choice kundi makisali sa kanila para magkaroon ng grupo pero kahit gano'n pa man, kulang pa rin kami dahil nga hindi pwede ang boys kaya kailangang babae ang hanapin namin.

"Fiaaaaa!" Napatingin kami sa sumigaw. Humahangos ito papunta sa amin. "Sali niyo ako."

Palihim akong natawa nang masaksihan ang  cuteness niya. Sadyang mahiyain at tahimik lang talaga si Nikki sa klase at medyo may pagka pabebe na rin sa sobrang hina ng boses kaya ang cute pakinggan.

"Ibang level iyon, Niks ahh, pero waley pa rin 'yang energy mo, hindi umabot sa tuktok. Saan ka ba kasi galing? Kung saan saan ka nagpupunta, muntik ka nang hindi mapasama sa grupo." Umalingawngaw na sa grupo namin ang boses ni Fia kaya hindi kami nagkakaroon ng pagkakataong magsalita.

Bigla ko tuloy nilingon si Ash nang may maalala. "Si Michelle nga pala, baka magtampo sa 'tin 'yun." Ma attitude rin iyon si Mich minsan e.

Napakibit balikat nalang siya para sa kaibigan. "Wala na tayong magagawa. Alam naman niya na noon pa 'to binigay at ngayon magmemeeting tapos hindi pa siya pumasok, tsaka nakikigrupo lang din tayo."

Tama siya. Dati pa 'to pinaalam ni Prof sa amin kaya lang nagkukulang lagi sa oras at hindi matuloy tuloy. Siguro ito na nga ang araw na siguradong matutuloy na talaga kaso saka naman siya wala.

"Ellie, ayun na iyong gamitin mong damit ha." Nabaling ang tingin ko kay Ash nang magsalita ito. Hindi ako nakasagot agad nang maalala ulit iyon. 

Flashback
Nag-uusap na kami kung paano ang gagawin naming lima sakaling matuloy ang task na pinapagawa. Hindi pa namin alam kung ilang miyembro ang kasama kada grupo pero napag-uusapan na naming kaming lima ang magkakasama.

Nagpupumilit siyang Korea na lang daw ang bansang ipoportay ko habang Japan naman ang sa kanya. Dahil nga halos parehas lang ng susuotin ang dalawang bansa ay siya na ang naghanda ng mga damit dahil may lahing japanese naman 'to. 

"Dala niyo na ba ang mga damit niyo?" Lahat nabaling ang tingin sa harapan.

"Yes, prof." Sabay sabay na sagot ng lahat.

Inutusan niya kasi kaming magdala ng mga damit na isusuot namin para makita niya. Hindi pa nga siya nakakapag decide kung itutuloy 'to dahil sa dami ng mga gawain namin pero sinusubukan niya lang tsaka pinapahanda na rin kami in case matuloy nga.

Nagsilabasan na ang lahat para tumungo sa banyo kaya nagmukha kaming nakakulong sa de lata sa sobrang siksikan. May mas malaking banyo naman kasi iyong nga lang ayaw namin kasi mas malapit na rito kaya tiis tiis na lang.

"Hay naku, imbis na damit sa christmas party nalang ang iisipin ko, dumagdag pa 'to e." Reklamo ni Vina habang nag-aayos ng damit.

Hanggang ngayon ay hindi pa siya nakakabili ng damit para sa darating na Christmas party. Excited pa naman 'to at kating kati na bumili kaso napilitan siyang huwag muna ituloy dahil nga sa activity na 'to. Napailing nalang ako at tiningnan ang sarili sa salamin para mag-ayos.

Too Late, EllieWhere stories live. Discover now