MY MORTAL ENEMY

89 2 0
                                    

CHAPTER 27

KYLE'S POV

"Good morning baby" bati sa akin ng pinakamamahal kong si kuya Luiz.

"Good morning kuya. Ang sakit ng ulo ko" wika ko sa kuya ko. Nakaunan ako ngayon sa kanyang braso at nakayakap.

Kaya masakit ang ulo ko dahil nalasing na naman ako. Lasing na lasing yung tipong hindi ko na alam ang ginagawa ko. Wala man sana akong balak na makipag-inuman kagabi pero dahil napanaginipan ko ulit si Red ay napagdesisyunan kong uminom nalang para naman makalimot ako kahit papaano. And thanks God dahil walang Red sa aking pagtulog. Pero kagabi, hindi ko alam kung sino ang umalalay sa akin. Si kuya Luiz ba o yung iba ko pang kasamahan. Hindi sya nagsasalita, basta  naka facemask lang sya at palagi lang nya akong tinititigan. Hmmm.

"Kuya, kagabi. Sino ang naghatid sa akin dito sa kwarto mo?" Tanong ko kay kuya Luiz. Pero napansin ko sya na tila parang hindi mapakali sa naging tanong ko.

"Ah, eh, sye-sympre ako. Ako at ikaw lang naman nakakapasok sa kwarto ko eh" nakangiting sagot sa akin ni kuya.

"Um, bakit parang nakafacemask ka kagabi kuya?" Tanong ko sa kanya.

"Ah, eh, trip ko lang. Bawal ba? Saka sobrang amoy alak ka kaya nagfacemask ako" sagot ni kuya.

"Ganun ba?" Sabi ko nalang.

"Teka lang, may ibibigay ako sayo" sabi ni kuya at kinuha nya ang red rose sa maliit na table sa tabi ng kama ni kuya. Ibinigay nya sa akin yun. Ang rose na yun ay ikatlong bigay na sa akin. For si KI NG na naman ang nagbigay. Binuklat ko ulit ang maliit na papel na nakabitin sa rose para basahin iyon.

"Good morning Kyle. Inom ka ng kape para mahimasmasan ka sa hang over mo" yun ang nakasulat sa maliit na papel. Hah? Nakakapagtaka naman kasi alam nya na nakainom ako kagabi. Sino ba kasi yung KI NG na yun? NapakaMysterious talag?! Alam nya lahat ng galaw ko ha?! Ganun nalang ba sya ka observant sa akin para malaman lahat ng bawat kibot ko? Grabe sya hah? Or baka naman si, REEEEEDDDD? Hindi eh, nasa New York sya kaya hindi si Red. Feeling ko malapit lang sya sa bahay namin kaya alam nya kung ano ang galawan ko. Hhhhmmmmm, malalaman at malalaman ko rin kung sino ka MR. KI NG!?

"Kuya, kilala mo ba kung sino nagbigay neto?" Tanong ko kay kuya.

"Ah, eh, ummmm. Hi-hindi. Nakita ko lang sya sa labas ng pinto ng bahay natin" sagot ni kuya na parang may tinatago sya ayon na rin sa mga nagiging reaksyon nya kapag nagtatanong ako.

"Kasi, nakakapagtaka lang tong sender ko ng rose hah. Alam nyang lasing ako kagabi?" Sabi ko kay kuya.

"Ah, baka naman tumawag sya sayo" sagot ni kuya. Kaya kinuha ko ang phone ko para makita kung tumawag ba ang kachat kong si KI NG. Pagtingin ko ay tumawag na sya! Hah? Bakit hindi ko maalala? Naaalala ko namang hinatid ako sa kwarto na to? At alam kong nakahiga pa kami ni kuya? Kung si kuya? Dito sa kama habang nagtititigan.  Pero yung pagtawag, hindi ko talaga maalalang tumawag sya?!

"Ang weird talaga kuya" wika ko sa kanya.

"Hay! Ikaw talaga! Baka si Red na naman ang iniisip mo! Hayaan mo muna si Red. Naka putol na dila nun dahil sa pag-alala mo sa kanya. Halika na nga, ipagtitimpla kita ng kape para naman mahimasmasan ka" sabi ni kuya at hinila na nya ako para bumangon. Dahil sa pagkatamad kong bumangon ay nagpabuhat ako sa likod ni kuya para pumuntang kusina. Buti nalang binibaby pa ako kaya swerte ko sa kuya ko.

"Good morning best!" Bati sa akin ni Bench na nagluluto ng umagahan. Hay! Gawain na nya yan! Nagpaturo pa talaga syang magluto sa mga yaya nila para lang sa boyfriend nya. Gusto nya daw na ipagluto ang boyfriend nya na parang asawa. Grabe sya! OA na masyado! Oo na bitter ako! Pero soon! Ipagluluto ko rin si Red!

MY MORTAL ENEMYWhere stories live. Discover now