MY MORTAL ENEMY

140 7 0
                                    

CHAPTER 13

"Kkkkkuuuuuuuuuyyyyyyyyyaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!" Mabilis akong lumabas ng kwarto ni Red.

"Dddddddddaaaaaaaaaaadddddddddyyyyyy!!!!!!!" Sigaw din ng isang bakla papalabas ng kwarto ni kuya Blythe.

"Oh! Anong nangyayari?!" Tanong ni kuya Luiz na galing sa kusina. Nagsilabasan naman ang mga lalaki.

"Kasi! Paggising ko sa kwarto ako ni Red nakatulog!" Sagot ko kay kuya.

"Ako rin po kuya! Nasa kwarto din ako ni Blythe!" Sagot din ni Bench.

"Hayyy! Kami pa talaga nagkaroon ng kasalanan! Kayo na nga lang tong nakikitulog ng walang permiso sa amin tapos kayo pa ang umaaktong inosente!" Inis na sabi ni Red sa amin ni Blythe.

"Kaya nga! Nagtututor kami sa inyo tapos tutulugan nyo lang kami. Ang hirap nyo pa gisingin! Tapos kayo pa ang pabiktima!" Sabi rin ni kuya Blythe.

"Kaya nga! Saka yang si Kyle! Makayakap pa sa akin akala mo naman unan ako! Napakahigpit yumakap!" Sabi ni Red.

"Kaya! Si Bench din!" Sabi naman ni kuya.

"Eh, bakit di nyo kami ginising?" Tanong ko sa dalawa.

"Hayyyu! Kakulit mo naman! Nakailang yugyog na ako sayo di ka naman magising gising!" Inis na sigaw sa akin ni Red.

"Bakit galit ka?!" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ako galit!" Sagot ni Red.

"Galit ka eh!" Pilit ko.

"Hindi nga! Bahala ka nga dyan!" Sabi nya at bumalik sya sa kwarto nya.

"Okay! Kayong dalawa, Bench at Kyle. Nagsabi sa amin ang dalawa na nakatulog na kayo sa pagrereview. At ang sabi nila, ang hirap nyong gisingin kaya pinabayan ko nalang kayo na matulog sa kwarto nila. So tanong mo, may ginawa ba sa inyong masama?" Sabi sa amin ng dalawa.

"Wala po" sabay naming sagot ni Bench.

"Tsk! Yan kasi! Hirap sa inyo wala kayong tiwala sa amin! Hay! Bahala kayo dyan!" Inis na sabi ni kuya Blythe at pumasok rin sya sa kwarto nya.

"Kayong dalawa, maligo na kayo at may pasok pa kayo" utos sa amin ni kuya Luiz. Kaya pumasok na kami ni Bench sa kwarto ko. Pinauna ko nang pinaligo si Bench.

Nang matapos kaming maligo at magbihis ay bumaba na kami papuntang dinning area para kumain ng umagahan.

"Kumain na kayo at ihahatid ko kayo" utos sa amin ni kuya Luiz.

"Nasan po si Red at Blythe?" Tanong ko kay kuya.

"Tinanong nyo pa eh, binadtrip nyong dalawa. Bago kasi kayo nagngangawa-ngawa dyan! Nagtanong muna kayo" sagot sa amin ni kuya. Naguilty tuloy ako sa ginawa ko. Di ko lang alam kay Bench kung ganun din ang nararamdaman nya.

Kumain na nga kaming tatlo. At pagkatapos naming kumain ay naghanda na kami para pumasok.

"Wait lang kuya. Magsosorry muna ako kay Blythe" wika ni Bench.

"Sige" sabi ni kuya. Kaya umakyat si Bench at pumunta sa kwarto ni kuya Blythe.

"Ikaw Kyle. Di ka ba magsosorry?" Tanong sa akin ni kuya.

"Sige po kuya. Puntahan ko na rin po si Red" sabi ko kay kuya bago ako pumanhik sa kwarto ni Red.

Kumatok ako sa kwarto nya.

"Red, red, sorry na. Please! Sorry na!" Sigaw ko sa labas ng kwarto nya. Sinubukan kong buksan ang pinto ay buti nalang hindi ito nakalock.

Pumasok ako sa kwarto nya at naabutan ko syang nakahiga. Di ko alam kung tulog kasi nakatalukbong naman sya. Lumapit ako sa kanya at umupo sa kama.

MY MORTAL ENEMYWhere stories live. Discover now